00:00Magandang gabi Pilipinas! Maraming dapat patunayan ng China ayon kay Defense Secretary Guibot Teodoro.
00:07Kasunod ito ng kanilang pahayag na handa silang manguna sa Southeast Asia Nuclear Weapon Free Zone Treaty.
00:14Yan ang ulit ni Patrick De Jesus.
00:17To see is to believe. Ito ang tugon ni Defense Secretary Guibot Teodoro sa kahandaan umano ng China
00:24na maging isa sa mga signatories sa Southeast Asia Nuclear Weapon Free Zone Treaty.
00:30Sinabi pa ng Chinese Foreign Ministry na sila mismo ay maunguna sa paglagda sa protokol ng naturang kasunduan
00:37sa hindi paggamit ng nuclear weapon sa Timog Silangang Asia at makikipag-ungunayan sila sa mga bansa sa ASEAN.
00:45Pero buwelta ni Teodoro, maraming dapat na patunayan ng China bilang sila isa sa mga bansang may nuclear arsenal.
00:52Magpa-inspeksyon sila sa IAEA at multinational inspectors para makita natin kung talagang sinsero sila.
01:07E paano sila magte-take the lead? Tignan muna natin. Magpa-inspeksyon muna sila.
01:13To see is to believe.
01:14Dagdag pa ng kalihim, malaki ang kakulangan ngayon ng tiwala sa China dahil na rin sa kanilang paulit-ulit na pangaharas sa West Philippine Sea.
01:23Ito ang mga inisyatibo nila na willing to take the lead, maging mediator, pakitang tao lang ito kung wala silang good faith na ipapakita.
01:36Kasi sa ngayon malaki ang deficit of trust and credibility nila. Malaki ang pagkukulang ng tiwala sa kanila.
01:45Hindi lamang ng Pilipino kung hindi sa buong mundo.
01:47Sa buong mundo, kabilang sa limang recognized nuclear weapon states ay ang Russia, Estados Unidos, China, France at United Kingdom.
01:56Pero may ilan pang bansa ang sinasabing may ganitong kapabilidad.
02:01Samantala, bagamat karapatan ng China, ang pagpapataw ng ban kay dating Senador Francis Tolentino,
02:07iginiit ni Teodoro na wala itong ginawang mali sa pagsulong sa karapatan at soberanya ng bansa.
02:13Wala rin daw siyang pakialam kung sa kanya susunod na gawin ang kaparehong sanksyon ng China.
02:19Ibig sabihin may tinatago talaga sila, nasaktan sila dahil natumbok ang mga maling gawain nila.
02:26Mabuti nga kung sakasakali, assuming, pupunta si Sen. Tolentino doon, nasa tamang paraan.
02:33Hindi katulad nila na maraming undocumented dito. At tayo, marami tayong naa-uncover ng mga iligal na practice nila.
02:44Si Tolentino ang mayakda na mga batasa nagtatag ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act
02:51habang isiniwalat din niya sa isang pagdinig noon sa Senado ang umano'y paggamit ng trolls ng Embahada ng China
02:59para sa disinformation campaign laban sa Pilipinas.
03:03Una nang sinabi ng dating Senador na karangalan ang pagbansa kanya ng China
03:08at patuloy siyang maninindigan na protektahan ang interes ng bansa.
03:13Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.