00:00Muling papalo ang Philippine soft tennis team sa kanilang pagbabalik sa international competition ngayong taon sa Europa.
00:08Sasabak ang soft tennis Pilipinas sa Poland Cup 2025 na aarangkada mula July 4 hanggang 9.
00:15Binubuo ang pambansang kupuna ng 15 manlalaro na pinungunahan ng mga Southeast Asian Games medalist na sina Joseph Arcilia at Bien Zoleta.
00:24Bumubuo sa men's teams na Patrick Mendoza, Adjutor Moralde II, Sherwin Nugit at Jason Kaminting.
00:31Habang sa women's squad naman kasama sina Princess Katindig, Christy Sanosa, Bea Ebreaga, Shirin Zalazar at Aries Nugit.
00:40Kabilang naman sa mga national team coaches sina Michael Enriquez, Josephine Paguyo, Winifredo de Leon at Mark Anthony Alcoceba.
00:48Ang Poland Cup 2025 ay gagamitin ang soft tennis Pilipinas para paghandaan ang Asian Soft Tennis Championship na isasagawa sa Korea sa darating na Setiembre.