00:00Magiging bagong sentro ng pagsasanay ng ating mga national athlete ang lalawigan ng Bukidnon.
00:06Yan ay matapos pirmahan ng Philippine Sports Commission at Provincial Government of Bukidnon
00:11ang Memorandum of Agreement para Gawing Training Center,
00:15ang Bukidnon Sports and Cultural Complex sa Malay Balay.
00:18Taglay ng pasilidad ang world-class na track and field oval,
00:22football field, aquatics center,
00:25at indoor gymnasium na may 3,000 seater capacity para sa basketball.
00:29Badminton at Martial Arts.
00:31Layunin ang partnership na mapalapit ang mga programa ng mga talent ay identification sa mga regyon
00:37para mahasa ang mga atleta habang nananatiling malapit sa kanilang mga pamilya at bayan.
00:43Unang gagamit sa pasilidad ang Philippine National Boxing Team na susundan ang iba pang national sports teams
00:48gaya ng sepak takraw, karate, at field cycling.