00:00Isang bagong paddling discipline ang ilalatag ng Philippine Canoe Kayak Federation, ang Canoe Polo.
00:06Ito ay isa sa discipline sa ilalim ng International Canoe Federation.
00:11Ayon sa PCKF, isang hakbang ito para magbukas ng mas malaking oportunidad para sa paglago ng Canoe Polo sa Pilipinas.
00:19Lalo na sa posibleng pagkakasama nito sa 2027 Southeast Asian Games.
00:25Kasama sa mga magpapakilala ng Canoe Polo sa bansa ay sina Jay Duterte at Teodoro Roy Cañete, na parehong certified ICF Canoe Polo coach.
00:36Nagpaabot din ng pasasalamat ang PCKF sa Malaysian Canoe Association sa suporta sa pagpapaunlad ng Canoe Polo sa Southeast Asia.