00:00Arestado ang isang construction worker na nilooban ang bahay ng isang NBI agent sa Antipolo Rizal.
00:06Aminado sa pagnanakawang suspect na target daw makuha ang baril ng biktima.
00:11Peunang balita si EJ Gomez.
00:16Sa selda ang bagsak ng 28-anyos na lalaking ito na nag-akyat bahay umano sa Antipolo City.
00:24Sa investigasyon ng pulisya, tinarget ng suspect na isang construction worker ang bahay na kalapit lang ng kanyang pinagtatrabahukan sa isang subdivision sa barangay San Roque.
00:35Nakisuyo raw ang 60-anyos na biktima sa suspect na magpaihaw ng pagkain para sa kanyang kaarawan.
00:42Hindi raw natuloy ang selebrasyon sa bahay ng biktima at sa halip sa isang resort sila pumunta.
00:47Kaya itong suspect nagka-idea na walang tao doon sa bahay.
00:51So during the occasion, yung suspect ay agad-agad na pumunta doon sa bahay.
01:00Open kasi yun eh, yung parking open, nandoon yung hagdan.
01:05Without knowing na yung tapat ng bahay ng biktima ay mayroong CCTV.
01:10Kita sa CCTV ang pagpunta ng suspect sa bahay gabi noong June 29.
01:15Ayon sa pulisya, ginamit ng lalaki ang hagdan para makaakyat at sa bintana dumaan para makapasok sa bahay.
01:23Atin po palang biktima ay isang NBI agent.
01:28Nung pag uwi nila, nakikita nila na bukas na nga yung ano, yung kanilang bintana, nandoon pa yung hagdan.
01:38Sa follow-up operation, itinuro ang suspect ng mga kasamahan niyang trabahador sa kalapit na construction site.
01:45Ina-identify ng dalawa nilang kasamahan na yung nasa CCTV, yung kasamahan nila na itong suspect na ito.
01:53Ikaw yan eh, sabi niya eh. Pero hindi pa rin siya umamin.
01:57So ang ginawa ng ating mga investigador ay pinuntahan nila yung tinitirahang bahay,
02:04na tinutulog ang bahay doon sa construction site. At doon nga nakita yung mga item na ninakaw.
02:12Narecover ng pulisya ang mga ninakaw na cellphone, alahas at cash na nagkakahalaga ng mahigit 50,000 piso.
02:20Sasako naman ang semento na kuha ang ninakaw na baril ng sospek.
02:25Aminado si alias Danilo sa pagnanakaw.
02:28Gusto raw niyang magkaroon ng baril para maipaghiganti umano ang kapatid niyang nasawi.
02:33Nito lang abril dahil sa pamamaril.
02:36Depeteria ko lang po talaga yung baril.
02:38Bakit sir? Saan gagamitin ang baril?
02:40O walang makabawi sa kapatid ko. Hindi ko naman alam na ganito dadanasi.
02:46Yung naril po kasi kapatid.
02:48Sasampahan ng reklamong robbery ang sospek na nakapiit sa custodial facility
02:52ng Antipolo Component City Police Station.
02:56Ito ang unang balita.
02:58EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:01Igan, mauna ka sa mga balita.
03:03Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:07para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments