00:00Pabor ang nakararaming Pilipino na muling umanib ang Pilipinas sa International Criminal Court.
00:09Ito ay batay sa resulta ng tugon ng masa survey ng OCTA Research na isinagawa mula April 20 hanggang April 24, 2025
00:17sa pamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult male at female Filipinos.
00:24Sa nasabing survey, 57% ng respondents ang nagsabing suportado nila na maging membro muli ng ICC ang bansa.
00:3537% naman ang hindi sa ngayon, habang 6% ang undecided.
00:41Sa Balans Luzon, 67% ang pabor sa pagbalik sa ICC, 64% sa Mecha Manila, 62% sa Visayas at 30% sa Mindanao.
00:54Mayorya rin sa lahat ng age classification ang sangayon sa muling pag-anib sa ICC.
01:00Samantala, 85% naman ang nagsabing sila ay aware o may alam sa ICC.
01:08Ayon kay OCTA Research President Ranjit Ray, ito ang nagpapakita na batid ng maraming Pilipino ang kahalagaan ng ICC.
01:16Ito rin ang magsisilbing matibay na batayan para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:23upang simula na ang proseso sa pagbalik ng Pilipinas sa ICC.
01:28It's important that the President starts the process of rejoining, you know, acceding to the Rome statutes, no?
01:39Okay, and rejoining the ICC.
01:42But he has to make the first move.
01:43Matatanda ang taong 2019, kumalas ang Pilipinas sa ICC sa utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:51Gayunman, noong Marso ay inaresto si Duterte at dinala sa ICC dahil sa kasong Crimes Against Humanity kaugnay ng madugong war on drugs.
02:01Sinabi ng Malacanang na bukas si Pangulong Marcos na pag-usapan ang muling pag-anib sa ICC.
02:09Ito po ay magandang suwestiyon at pag-aaralan po kung talaga pong dapat pa rin sumapi, right?
02:17Magiging mag-join sa ICC at i-ratify yung ibang international human rights law.
02:23So pag-aaralan po ito mabuti natin, Pangulong.
02:25Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:31So pag-aaralan po ito.