00:00Samantala, tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagsabing umaasa silang magiging masaya ang kanilang Pasko.
00:07Ito'y batay sa survey na isinagawa ng social weather stations.
00:10Batay sa resulta ng survey, mula sa 65% noong nakaraang taon, tumaas ito sa 68% ngayong 2025.
00:19Bukod dito, malaki din ang ibinaba ng bilang ng mga Pilipinong nagsabing malungkot sila ngayong Kapaskuhan.
00:26Kaugnay niyan, lumabas din sa survey na ang nangungunang ipinagpapasalamat ng mga Pilipino ay ang maayos sa kalusugan, pamilya at ang mabuhay.