00:00Na ako'y question ngayon ang testimonya ng nagpakilalang security aide noon ni Congressman Zaldico
00:06sa paghatid daw niya ng mali-maletang pera.
00:09Dumalabas na pineke-umanoh ang notaryo sa affidavit niya
00:12ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson.
00:16May report si Tina Panganiban Perez.
00:21Humigit kumulang tatlong beses ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman Zaldico
00:27at sa mga bahay ni Speaker Romualdez sa Taguig.
00:31Dito siya may gitna.
00:33Ang sabi kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee ni Orly Gutesa,
00:38nagpakilalang dating security aide ni Akobicol Partilist Representative Zaldico,
00:42nakapag-deliver daw siya ng mali-maletang pera o tinawag niyang basura
00:47sa bahay ni Nako at dating Speaker Martin Romualdez.
00:50Naghatid din daw siya ng pera para kay Romualdez sa isang bahay sa Aguado Street
00:55malapit sa Malacanang.
00:57Minsan din daw niyang nakita si dating Act CIS Partilist Representative
01:01at ngayon i-Benguet Representative Eric Yap na nagdala ng pera sa bahay ni Ko sa Pasi.
01:08Kung meron pong ganito talagang pangyayari, patunayan naman po,
01:11hindi po makikialam ang Pangulo sa mga pag-imbisigan na ito.
01:14Inusisa pa ni Sen. Rodante Marcoleta kahapon ang affidavit ni Gutesa,
01:19na kalaunay ipinamahagi sa media.
01:21Ito po, ipinanotaryo ninyo. Nakikita ko rin po.
01:27Totoo po ba itong notaryong ito?
01:30Totoo po, Your Honor.
01:31Ngayon, nakakwestiyon ang affidavit ni Gutesa.
01:35Ang nakapirma kasing notary public na si Atty. Petsche Rose Espera,
01:40sinasabing hindi siya ang nagnotaryo, lumagda o lumahok sa pagawa ng salaysay ni Gutesa
01:46ayon kay Sen. Blue Ribbon Chair, Sen. Ping Laxon.
01:50Palsifikado rin daw at walang otorisasyon ang pirma nito.
01:53Pinuntahan namin ang opisina ni Espera sa Maynila,
01:56pero wala siya roon, ayon sa nakausap naming staff.
02:00Sabi pa ni Laxon, hindi man lang siya nasabihan
02:03at nagkagulatan na lang ng isa lang si Gutesa.
02:06Kailangan na niyang makilati sa ang background at record ni Gutesa,
02:10lalo na't mabigat at seryoso ang mga testimonya nito.
02:15Inaalam na ng DOJ kung peke nga ang notaryo.
02:18Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
02:21hindi rin daw sumipot si Gutesa sa pagkikita nila
02:24para sa hiling din umano ni Gutesa na ipasok siya sa Witness Protection Program.
02:30I told him yesterday, I'll be here at 9.30.
02:33Punta ka na para mag-usap tayo.
02:35In the end, I think he said that he can defend himself.
02:40Sinisikap namin makuha ang panig ni Gutesa at Marcoleta.
02:44Itinanggi na ni Romualdez at iap ang mga aligasyon.
02:48Sa isa namang sulat ni Coe kay House Speaker Faustino D,
02:52iginiit ni Coe na wala siyang tinanggap na pondong konektado
02:55sa mga proyekto ng DPWH.
02:58Pinabulaanan din niya ang iba pang bintang laban sa kanya.
03:02Gaya ng pagsingit umano niya ng pondo sa 2025 National Budget
03:06na iginiit niyang inaprubahan ng Kamara at Senado,
03:09at sumunod sa proseso.
03:11Tiniyak din niyang babalik siya sa Pilipinas
03:13para sagutin ang mga okusasyon sa tamang forum.
03:17Pero umaasa si Coe na sa pagbalik niya sa Pilipinas,
03:20bibigyan siya ng due process
03:22at matitiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
03:26May hanggang September 29 si Representative Elizalde Coe na bumalik sa bansa.
03:31Alinsunod ito sa direktiba ng Speaker.
03:34Kung hindi, mahaharap daw si Coe sa disiplinary at legal actions.
03:39Tiniyak ng Speaker ang kaligtasan ni Coe at kanyang pamilya.
03:43Naka-medical leave si Coe at nagpunta ng Amerika para raw magpagamot.
03:48Nag-a-apply na ang DOJ para sa Interpol Blue Notice laban kay Coe
03:53na batay sa mga ulat ay wala na sa Amerika.
03:56Interpol is being notified that they are subjects of an investigation, of criminal investigation.
04:01As a European?
04:03Spain?
04:04Spain or France?
04:05A lot of text messages are coming in that he's in France.
04:09Gumugulong na rin ang case build-up ng DOJ
04:12laban sa 21 individual na inirekomenda ng NBI na ihabla ng graft,
04:18malversation of public funds at indirect bribery.
04:21Hiniling na rin sa Bureau of Immigration na ma-issuhan sila ng Immigration Lookout Bulletin Order.
04:28Wala sa listahan si na dating Speaker Romualdez at Makati Mayor Nancy Binay
04:33na binanggit ni DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na hinatiran umano niya ng pera.
04:39We're working on it. Marami pa yan. Marami pa kami kailangan kasuhan.
04:45Hindi lang talaga kaya sabay-sabay.
04:47Hindi na raw sinama si na Curly at Sara Diskaya
04:50habang protected witness na rin ang kontratistang si Sally Santos.
04:55Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.