Skip to playerSkip to main content
Pinuna ng ilang eksperto at kongresista ang mga butas sa inihaing Anti-Political Dynasty Bill nina presidential son at congressman Sandro Marcos at House Speaker Bodgie Dy. Kapwa-miyembro ng angkang pulitikal sina Marcos at Dy, tulad ng maraming matataas na opisyal ng gobyerno. May report si Tina Panganiban-Perez.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinuna ng ilang eksperto at kongresista ang mga batas o butas sa inihahing Anti-Political Dynasty Bill
00:08ni na Presidential Sun at Congressman Zandro Marcos at House Speaker Boji Di,
00:13kapwa membro ng angkan ng mga political dynasties, sina Marcos at Di,
00:18tulad ng maraming matataas na opisyal ng gobyerno.
00:22May report si Tina Panganiban Perez.
00:23Mula sa dalawang pinakamatataas na leader ng bansa,
00:31maging sa kongreso, marami sa mga nakaupong opisyal sa bansa ang galing sa political dynasty.
00:38Iyan ay kahit ipinagbabawal ito sa konstitusyon.
00:42Kailangan pa kasi ng isang batas na may malinaw na depenisyon kung ano ang political dynasty.
00:48Makalipas ang 38 taon, bigo ang kongreso na maipasa ang panukala para Riyadh.
00:56Paano nga namang magpapasa ng anti-political dynasty kung puro galing sa angkang politikal ang mga nakaupo?
01:03Batay sa pinakahuling statement of assets, liabilities, and net worth o salen ni Pangulong Marcos,
01:10sampu ang kaanak niya sa gobyerno.
01:12Pareho sila ni Vice President Sara Duterte, ang bisi, may anim na kaanak naman sa gobyerno.
01:20Sa Senado, 22 ang may kaanak sa gobyerno.
01:24Apat na pares ng senador ang magkapatid.
01:27At sampu ang may kamag-anak sa Kamara.
01:30Sa Kamara, 212 kongresista ang galing sa political dynasties,
01:36ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism.
01:40Kabilang ang mismong House Speaker, na may labing apat na kaanak sa gobyerno.
01:45Bagamat galing sa political dynasties,
01:48naghain ang sariling bersyon ng anti-political dynasty bill,
01:52si Nadie at Congressman Sandro Marcos.
01:56Ipinagbabawal nito ang magkakaanak hanggang fourth degree of consanguinity at affinity
02:01na tumakbo ng sabay sa isang eleksyon,
02:05tulad ng asawa, kapatid, magulang, at anak.
02:08Kung ang isang individual ay incumbent o kandidato sa isang national position,
02:14bawal mahalal ang kanyang kaanak sa isa pang national position.
02:19Halimbawa, di na pwede ang magkapatid na parehong senador.
02:23Di rin pwedeng umupo ang magkakaanak ng sabay sa posisyon sa parehong probinsya,
02:28syudad, munisipalidad o barangay.
02:31Pero puna ng isang political scientist, may mga butas ang panukala.
02:36Di niya sinasabi kung ilan sa magkakamag-anak ang pwede at hindi pwedeng tumakbo.
02:43Hindi ka nga tumakbo sa isang distrito,
02:46bilang kongresista tatakbo ka naman dun sa ibang distrito,
02:50sa ibang probinsya o sa ibang jurisdiction.
02:55Isang malaking pagpapanggap lamang na merong tinutulak na anti-political dynasty.
03:04Tingin naman ang ilang mababatas, taliwas sa pagbabawal sa political dynasty ang panukala ni Nadie at Marcos.
03:13Under their proposal, a family can have five sitting officials, public officials simultaneously.
03:23Sinusubukan namin kunin ang panig ni Nadie at Marcos.
03:27Matagal nang isinusulong ang pagbabawal sa political dynasty na iniuugday rin sa korupsyon.
03:33Batay sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University School of Government noong 2022,
03:39sa ilang probinsya ay may mga negosyong nakikipagtulungan sa mga dynasty
03:43para palawigin pa ang dipagkakapantay-pantay sa politika at yaman.
03:50Sa ngayon, hindi bababa sa isang dosena ang nakahaing anti-political dynasty bill sa Kamara
03:56na tatalakain sa Enero, kasama ang anti-political dynasty bill sa mga priority bill ng Pangulong Marcos.
04:04Pero hindi raw ito sa sertipikahang bilang urgent ng Pangulo.
04:08Sinasabi ng konstitusyon, kailan kailangan mag-certify as urgent ng bill ang Pangulo.
04:15Ito ay kung may public calamity or emergency.
04:19Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended