00:00At ngayong Martes ang unang araw ng pag-awalik eskwela sa Cagayan de Oro City.
00:04Alamin naman natin ang sitwasyon doon. Live mula sa Cagayan de Oro,
00:08ngayon ang balita si James Paolo Yaak ng GMA Regional TV. James.
00:16Ivan, good morning. 5.30 pala ng umaga ay may ilang mga estudyante na makikita
00:22ang pumapasok dito sa Cagayan de Oro City Central School.
00:26Araw ng Martes, June 17, ang pagsisimula ng klase dito sa Cagayan de Oro City.
00:32Dahil kahapon ay local holiday, bunsod ng Charter Day celebration ng syudad.
00:36Ngayong araw nga ay dagsa ang mga estudyante para sa first day of school.
00:40Ayon sa pamunuan ng paaralan, walang naging problema sa unang araw ng pasukan.
00:44Baliba na lang sa ilang mga estudyante na nahirapan daw sa paghahanap ng kanilang mga classroom.
00:49Agad naman daw itong nasolusyonan.
00:516.30 ng umaga ng formal na magsimula ang klase.
00:54Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, tatanggap pa rin sila ng mga late enrollees hanggang sa katapusan ng buwan.
01:00Ang City Central School ay may pinakamalaking student population sa buong Cagayan de Oro City na halos 8,000.
01:06Inasaan daw nila na 80% sa datos na yan ang papasok ngayong araw.
01:11Ivan, dahil nga sa dami ng estudyante at sa kakulangan ng mga classrooms dito sa City Central School,
01:17nagpapatupad sila ng shifting of classes para sa grade 1 hanggang sa grade 3.
01:24Alas 6.30 ng umaga, magsisimula ang morning shift hanggang alas 12 ng tanghali.
01:29Alas 12 naman ng tanghali hanggang alas 5 ng hapon, magsisimula ang afternoon shift.
01:34Ito ay para ma-accommodate ang lahat ng mga estudyante.
01:38At kung makikita nga ninyo sa ating likuran ngayon, pansabantalang itinigil ang klase ng mga grade 6
01:44dahil sa isang programang isinagawa para sa kanilang pagbabalik iskwela ngayon.
01:51Umaga, Ivan?
01:52Maraming salamat, James Paolo Ya ng GMA Regional TV.
01:57Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:01Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments