00:00Nanindigan ang House Prosecution Team na pwedeng ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:07magsumitiman sila o hindi ng mga dokumentong hinihingi ng Senado.
00:11Gitpan ang prosekusyon, hindi sila ang cause of delay sa paglilitis.
00:15Narito ang ulat.
00:19Nanindigan ang House Prosecution Team na hindi sila ang may kasalanan kung bakit natatagalan
00:24ang pag-arangkada ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:29Ayon kay San Juan City Rep. Isabel Zamora, isa sa mga impeachment prosecutor ng Kamara,
00:35maaari namang ituloy ang paglilitis magsumitiman sila o hindi ng mga dokumentong hinihingi ng Senado.
00:42Kabilang kasi sa mga pinapasumite sa kanila ng Senate Impeachment Court
00:46ang sertifikasyon na magpapatunay na sumunod sila sa konstitusyon sa paghahain ng verified complaint
00:51at ang resolusyon mula sa 20th Congress na magsasabing tuloy lang
00:55ang gagawin nilang pagtutok sa reklamo hanggang sa susunod na kongreso.
01:00Una nang sinabi ng House Prosecution Team na maghahain sila ng motion for clarification ukol dito.
01:05Pero hanggang ngayon,
01:07Hindi pa po namin nasasubmit ang motion for clarification.
01:12We have to remember that the proceedings can proceed independently of these requirements made by the Senate.
01:20Gate ng Prosecution, wala naman sa konstitusyon ang mga iniutos na requirement ng Senado.
01:26Hindi rin nila nakikita ang pangailangan na isumite ito.
01:29Gusto ko pong ipaalam sa lahat na yung pag-issue po ng Kongreso ng Articles of Impeachment noong February
01:41is certification in itself that we complied with the requirements of the Constitution and of the House of Representatives.
01:50Further, yung second po na hinihingi ng ating impeachment court ay hindi naman po magagampanan ng ating Kongreso ngayon
02:02dahil that is a directive addressed to the 20th Congress which is not yet in existence as of the moment.
02:11Hingil naman sa tanong kung dapat nga bang mag-inhibit sa paglilitis ang mga Sen. Georges na masyadong malapit sa vice-presidente
02:19o di naman kaya'y kilalang kritiko niya, ayon kay Samora, pinag-aaralan pa nila ang magiging hakbang ukol dito.
02:26We are discussing that as a panel, but sa totoo lang po ang paniwala namin.
02:33It is a voluntary act on the part of the judges.
02:38Pagtitiyak ng Prosecution, ano mang mangyari, nakahanda sila para sa paglilitis sa ngalan ng pananaig ng katotohanan at justisya.
02:46Sa mga susunod na araw, inaasang ipagpapatuloy ng House Prosecution Team ang kanilang mga pagpupulong.
02:54Melales Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.