Malahimala ang pagkakaligtas ng isang pasahero mula sa bumagsak na eroplano sa India na ikinasawi ng mahigit 200 niyang kasama sa flight. Nakuhanan pa sa CCTV ang malagim na trahedya ilang minuto lang bago mag-take-off ang eroplano!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malahimala ang pagkakaligtas ng isang pasahero mula sa bumagsak na aeroplano sa India na ikinasawi ng mahigit 200 niyang kasama sa flight.
00:09Nakuhanan pa sa CCTV ang malagim na trahedya, ilang minuto lamang bago mag-take off ang aeroplano. Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19May sugat sa ulo at mga bakas ng dugo sa damit ang lalaking yan, habang naglalakad palayo sa crash site ng Air India Flight AI-171.
00:29Ang British National na si Vishwash Kumar Ramesh ang nag-iisang survivor sa 242 sakay ng bumagsak na aeroplano.
00:44Milagrong nakaligtas si Ramesh na nakaupo sa seat 11A na malapit sa emergency exit.
00:51Pauwi na raw siya at kanyang kapatid sa England matapos bisitahin ng pamilya sa India na mangyari ang trahedya.
00:58Nagpapagaling na siya sa ospital matapos magtamo ng mga paso at sugat.
01:03Binisita rin siya ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
01:07Bukod sa mga pasahero, nadamay rin sa trahedya ang ibang sibilyan.
01:12Sa CCTV, kita ang pag-take off ng aeroplano pasado alauna e medya ng hapon nitong June 12 sa isang airport sa Ahmedabad, India.
01:20Pero ilang saglit lang, pababa na ang lipad ng aeroplano.
01:24Hanggang tuluyan itong bumagsak at nagkaroon ng pagsabog.
01:28Base sa imbestigasyon, bumagsak ang aeroplano sa isang residential area at tumama sa isang medical college hostel.
01:39Kita ang buntot ng aeroplano sa ibabaw ng gusali.
01:43Nagkalat naman sa paligid ang wreckage, pati ang mga katawan at kagamitan ng mga pasahero.
01:49Patuloy ang paghanap ng rescuers sa mga nawawalang indibidwal.
01:53Dagsa ang mga kaanak ng mga biktima sa kalapit na ospital.
01:57Bumuhos ang luha ng mga kaanak nang dumating sa kanila ang mga bangkay.
02:02May nawalan pa ng malay.
02:03Mahigit dalawandaang katawan ang narecover ng mga otoridad.
02:07Pero problema ang pagtukoy sa kanilang pagkakakilanlan.
02:11Humingi na ang mga otoridad ng DNA samples sa mga kaanak.
02:15Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad sa sanhinang disgrasya.
02:19At ayon sa local reports, natagpuan na ang isa sa dalawang black box ng aeroplano.
02:25Pinag-aaralan naman ng gobyerno ng India ang pag-ground o hindi muna pagpapalipad sa Boeing 787 fleet ng Air India.
02:33Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.
02:45Outro

Recommended