00:00Muling nanindigan ang Malacanang na nakatutok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05sa pagsisilbi sa mga Pilipino at hindi sa isyo ng impeachment.
00:09Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
00:12mas prioridad ng Pangulo na pagtugon sa mga hamon sa bansa,
00:17particular ang pag-ibigay na murang bigas at iba pang bilihin,
00:20gayon din ang pagpapabuti sa pamumuhay ng mga Pilipino.
00:24Gaya ng sinabi ng Pangulo, hayaan na lang ang Senado na tumutok sa isyo.
00:28Wala rin naman ang magiging epekto sa Pangulo sakaling ma-dismiss
00:32ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:37Unang-una po, hindi po kasama ang Pangulo sa debate doon sa Senado.
00:43Makikita po ng taong bayan kung sino po ba kaya ang sumusunod sa procedure
00:47o sino ang naglalaro sa procedure para makaiwas o para maituloy ang impeachment trial.
00:54Sa Pangulo po, sa ngayon, uulitin po natin,
00:58hindi po kasi focus ng Pangulo ang impeachment,
01:01pero ayon din naman po sa Pangulo, ito po'y pangkalahatan.
01:07Kailangan din po talaga ng transparency, accountability sa lahat ng public servants.
01:12Hindi lamang po sa usaping impeachment trial.
01:14So, pag sinabi po ng Pangulo na proseso, dapat sundin ang batas,
01:19dapat sundin ang konstitusyon.
01:21Huwag paglaruan ang mga procedure.