00:00Nagpahayag na matinding kalungkutan si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04matapos ang trahedya sa isang Filipino festival sa Vancouver, British Columbia sa Canada.
00:09Ayon sa Pangulo, bilang ama ng mga Pilipino ay kaisa siya sa kalungkutan at paghihirap ng mga kababayan na bigtima ng trahedya.
00:18Gid ni Pangulo Marcos, nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagluluksa, pagdarasal at suporta sa mga kababayan.
00:25Kasabay nito ang pagtitiyak na gagawin ng lahat na makakaya para makapagbigay ng tulong, pagkalinga at paggalang sa alaala ng mga nasawi.
00:34Hinatasan na rin ni Pangulo Marcos Jr. ang konsulada at tauhan sa Vancouver na makipagtulungan sa mga otoridad doon
00:42para maipaabot ang kaukulang tulong sa mga biktima at apektado.
00:46Nanawagan din ang Pangulo sa mga kababayang apektado roon na manatiling maging kalmado at mapagmatyag.
00:53Labing isang nasawi habang marami ang sugatan sa karaming attack sa Lapu-Lapu Day Festival sa Vancouver, British Columbia kahapon.