00:00Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ligtas na pag-uwi ng siyam na marinong Pinoy matapos ang limang buwang pagkakabihag ng Houthi Rebels.
00:10Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng Pangulo ang mga ahensyo ng gobyerno gaya ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers at Philippine Embassy sa Oman.
00:19Nagpasalamat din ng Pangulo sa Sultanate of Oman na hindi tumigil sa pagtulong sa mga Pinoy seafarer.
00:24Nagpaabot naman po ng pakiramay si Pangulong Marcos Jr. sa pamilya ng isang seafarer na nasawi sa pag-atake ng mga rebelde sa barko.
00:32Ayon pa sa ating Pangulo, magandang regalo ito lalo na sa mga kaanak ng mga marino lalo na at malapit na ang Pasko.
00:40Huwag po natin kakalimutan na magpasalamat sa Omane government dahil sila talaga ay walang tigil na tumutulong sa atin.
00:49At kaya't pinapaabot ko ang pasasalamat ko sa Sultanate of Oman.
00:58Ang namungunok ay ang Sultan Haitam Bintari.
01:03At sila po ay talagang kaibigan po ng Pilipino.
01:06At lahat ng maaaring gawin para iligtas ang ating mga marino ay kanilang ginawa.
01:12Kaya naman ay nandito na tayo at nailigtas yung siyam.
01:16Papabot din natin ang ating pakikiramay sa pamilya ni Mr. Neil Roy Paner
01:23dahil po siya ay sumakabilang buhay noong inatake yung barko na sinasakyan ng mga marino natin.
01:33Ito po ay ating ginawa dahil alam naman natin na kuminsan delikado ang nagiging buhay ng ating mga marino
01:40dahil kung saan saan pumupunta, napapasok sila sa war zone.
01:45Kung saan yung mga lugar kung saan may gera, nadadamay sila.
01:49At mabuti kahit medyo natagalan, sa wakas ay makauwi na ang ating mga kababayan.
Be the first to comment