00:00Direktiba ni Pangulong Marcos Jr. kaugnay sa monitoring ng presyo ng school supplies sa merkado,
00:05ating pag-uusapan kasama si Atty. Agaton Uvero, Assistant Secretary and Fair Trade Group Head ng Department of Trade and Industry.
00:14Atty. Uvero, magandang tanghali po.
00:17Magandang kapon po sa inyong lahat.
00:20Sir, una po sa lahat, ano po ang naging tugon ng DTI sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr.
00:25na bantayan ang presyo ng mga gamit pang eskwela bilang paghahanda nga po sa pasukan sa June 16.
00:33Tama po yan. Maigting pong inutos ng ating presidente na sigurduin na may sapat na supply ng mga abot-kayang gamit eskwela ngayong pagbalapit ng pasukan.
00:46Magsisimula na next week yung ating mga pasukan.
00:49At tayo po sa DTI, naglabas po tayo ng price guide para matulungan ang ating mga magulang at mga estudyante para pagbili at pagbili ng mga gamit eskwela.
01:03Paano po natitiyak ng DTI na nasusunod po ito at nananatili pong abot-kaya ang school supplies sa mga pangunahing pamilihan?
01:11Dalawa po yung ginagawa natin dyan. Dalawang programa.
01:17Una, naglabas tayo ng price guide o gabay.
01:21Meron po tayong 195 items or SKUs kung tawagin na nakalagay yung mga presyong dapat makita natin sa mga tindahan.
01:32Oo, sana mas mababa pa.
01:36Pangalawa, meron po rin ang programa ang DTI ngayon yung balik eskwela, diskwento, caravan sa iba't-ibang region, iba't-ibang probinsya.
01:48Ongoing po yan ngayon sa iba't-ibang lugar.
01:51May mga diskwento po from 5 to 15% po yung presyo.
01:55So, sana yung ating mga kababayan, tingnan po ang aming mga social pages sa mga regional and DTI prevention offices para makita kung kailan nakischedule itong mga diskwento, caravan.
02:10Nabanggit niyo po kanina yung gabay sa pamimili ng school supplies.
02:14Para po sa mga mamimili, ano po ang nilalaman nito at paano po ito makakatulong sa mga magulang, pati na din po sa mga estudyante para po mabuo ang kanilang budget para sa pagbabalik eskwela?
02:27Ito po ay may 195 items. May notebook, pad paper, ball pen, lapis, crayons, ruler, eraser.
02:39Nandun po yung mong listahan natin.
02:43Ang maganda po rito, base po sa ating pag-aaral, mas marami pong mga produkto ngayon o items ang bumaba pa ang presyo.
02:55Kesa o hindi managtaas, 67% po eh pareho pa rin yung presyo kumpara sa nakaraang taon o bumaba pa ang presyo.
03:04From 1 peso to as much as 10 pesos po yung binaba ng presyo.
03:10Kung karamihan po bumaba, meron din po mga nagtaas at ano-ano po ito?
03:16Meron pong mga ilan-ilan, tulad ng notebook, may nagtaas, may nagbaba.
03:21Pero konti lang po yung nagtaas, mga 17 items lang po yung nagtaas, mas marami po yung bumaba, mga 29 items, ang bumaba ang presyo.
03:35Ano naman po ang assessment ninyo sa naging inspeksyon ng DTI sa mga tindahan kagaya po sa Divisoria at Baklaran?
03:44Meron po ba kayong napansin o nakita na paglabag?
03:47At alin po sa mga lugar na ito ang mas mura din yung school supplies?
03:53Maganda po yung resulta ng ating pag-monitoring.
03:57Hindi lang po dito sa Metro Manila kundi sa ibang region nationwide po.
04:02May ting po ang pag-monitor natin ngayon ng mga presyo.
04:06Ito pong nakaraang mga araw, pumunta po nga po tayo sa Divisoria kasama si Sekretary Cristina Roque dahil po sa alinsunod sa utos ng Presidente Bongbong Marcos.
04:17Ang nakita po natin, halos lahat po lahat sumusunod sa ating price guide.
04:22Ang maganda nga po ay mas marami po ay mas mura pa o mas mababa pa doon sa price guide ng DTI.
04:28Marami po tayo nakita na mas mababa pa ang presyo dito sa mga lugar na ito, sa Divisoria at sa Baklaran.
04:34Kesa doon sa price guide ng DTI.
04:37Paano naman po mas siguro ng DTI na mananatili po sa ganyan o na sumusunod din po yung karamihan ng mga tindahan sa suggested retail prices?
04:47At ano naman po yung pwedeng gawin ng mga mamimili kung makakita naman po sila ng sobrang mahal na school supplies?
04:53Tuloy-tuloy po yung dialogo natin. Ito pong programang price guide.
04:59Katuwang po natin yung mga manufacturers, suppliers, mga malalaking tindahan.
05:05Sa katunayan po, itong price guide, nakaprint po ito sa tapat po ng maraming mga tindahan
05:13para maging gabay nga sa ating mga magulang at mga sadyante.
05:16Pamimili, tuloy-tuloy pa rin po yung ating monitoring, lalo na malapit na yung pasukan, next week matisimula na.
05:27At base po sa ating pag-uusap sa mga tindahan, wala naman po naambang pagtaas ng presyo
05:35at sapat naman po ang supply ng mga gamit iskwela.
05:39Nakikipagtulungan din po ba ang DTI sa ibang ahensya o LGUs para po mas mapalawak yung pagbabantay sa presyo sa buong bansa?
05:48At paano po ang coordination nito?
05:49Meron po tayong, yung ating mga monitors nga po, hindi lang po yan sa mga gamit iskwela, pati po mga basic necessities and fine commodities.
06:00Yung po yung trabaho ng ating mga tauhan sa iba't ibang riyo at iba't ibang probinsya.
06:06Doon naman po sa LISQUENTO CARABAN, maray po tayong LGUs na katuwang dyan, katulog natin.
06:10Sa katutuhanan, ito pong June 13, meron po tayo sa Muntinlupa City Hall po, meron po tayo.
06:20So may mga LGUs po na katuwang natin dito sa LISQUENTO CARABAN, balik iskwela.
06:26Saan naman po maaaring makita o ma-download ng publiko yung price guide?
06:31At paano rin po ito nagiging accessible sa mga nasa probinsya?
06:34Yung ating price guide, pinablish na po natin yan sa jaryo, nasa website po natin yan,
06:44nasa mga social pages po natin tulad ng Consumer Care Facebook page.
06:49I-download lang po natin o picture lang po natin, nakikita po natin yung ating price guide.
06:55At sabi nga natin, kahit po sa mga tindahan, meron po mga price guide po naka-post po sa mga pintuan ng mga tindahan.
07:07Ano naman po yung inyong paalala sa mga negosyante tungkol po sa patas na pagpipresyo, lalo na nga po at papalapit na ang pasukan?
07:14Nangikiusap tayo na sana huwag na sila magtaas, pero base po nga sa diyalogo natin at pag-uusap sa mga tindahan,
07:23wala pong plano magtaas ng presyo tulad po mga nakarang taon.
07:27Ang maganda nga po, mas maraya pong mga gamit ngayon ang bumabaang presyo kumpara sa nakarang taon.
07:35Tumaasa po ba tayo na mapapanatili po itong mababang presyo kahit po matapos na itong school season?
07:43Opo. Tama po. Tulad po ng mga nakarang taon at base nga po sa pag-uusap natin sa mga suppliers at mga manufacturers,
07:54hindi po nakikita po natin, hindi po magtatas ang presyo.
07:58At tuloy-tuloy po ang ating mga monitoring para siguraduhin na abot kaya po ang presyo ng mga gamit-eskwela.
08:04Minsahin nyo na lang po sa mga magulang at estudyante na nangangamba po na tumaas ang gastusin para sa school supplies kahit nga po nabanggit ninyo na mababa po ang presyo nito sa ngayon?
08:16Una, kung may mga problema po sa mga nabili, mayroon pong detekto,
08:25naroon po tayong 1DTI o 1384 isang bung lang po sa amin at kami po ay tutulungan na po namin kung ano po yung mga reklamo.
08:32Pangalawa, sa mga magulang na mga mamimili na mga gamit, ngayong pasukan,
08:38mas maganda po maagahan yung bumili kesa po makipagsiksikan sa mga maraming mamimili,
08:46lalong malapit na po yung pasukan.
08:49I-download lang po yung aming price guide, yung aming gabay.
08:53Umuha po ng listahan ng mga bibilhin,
08:56ikumpara po yung presyo ng mga nasa tindahan, kumpara po doon sa price guide.
09:02Tingnan po yung trademark, yung klase na binibili, kung sa notebook po, ilang pahina,
09:10anong klaseng papel, band paper ba, pad paper, book paper, recycle paper ba yan,
09:18tingnan po yung address, sigurado yun po may mga address ng manufacturer.
09:23Sa lapis naman, sigurado yun na tama yung binibili natin, tama maganda yung kalidad,
09:29tama yung hardness level.
09:33Humingi po ng resibo para siguraduhin na yung binili natin, yun po yung nakuha natin,
09:40at kung sakaling may defect yung nabili natin, pwede pong ipalit o humingi ng refund.
09:49Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
09:51Atty. Agaton Overo, Assistant Secretary and Fair Trade Group Head ng DTI.