Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay BLE/DOLE OIC Asec. Patrick Patriwirawan Jr. ukol sa pagpapatupad ng Government Internship Program

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga hakbang para paigtingin pa ang youth employability sa bansa at update sa mga youth employment programs ating tatalakayin ngayon,
00:09kasama si OIC Assistant Secretary Patrick Patriwirawa Jr. ng Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment.
00:19Asek, magandang tanghali po.
00:22Magandang tanghali po, Director Incolet.
00:24Asek, una po sa lahat, ano na po ang pinakabagong update sa pagpapatupad nitong Government Internship Program ngayong taon?
00:33At ilan na po ba yung mga nakinabang nakabataan dito?
00:38Yes po ma'am, so far po, patuloy po yung pag-i-implement ng ating mga regional offices sa ating Government Internship Program.
00:46Ang mga bago po nating mga features ngayon, in-extend na po natin hanggang sa isang taon ang implementation po ng mga beneficiaries natin.
00:54At pati po ang mga junior high school na dati po ay hindi natin isasama, ay maaari na po natin isama ngayon sa implementasyon po ng Government Internship Program.
01:04Sa pinakalates po na datos natin, umabot na po tayo sa 43,653 ng mga interns po sa ilalim po ng Government Internship Program.
01:13Asik, napanggit mo nga, medyo napapalawakin na, pero ano po ba yung mga steps na gagawin pa para palawakin itong GIP para mas maraming kabataan pa yung makapasok sa iba't ibang ahensya ng gobyerno?
01:28Yes po, Asik, actually po, kasama po sa pag-implementa natin yung mga partner agencies natin na kung saan po na-de-deploy ang mga interns natin.
01:39So, isa sa mga hakbang na ginagawa po natin ay ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba pang mga national government agencies,
01:45kasama po ang mga local government agencies, units din po natin, kung saan nagiging partner po natin sila at na-de-deploy natin ang mga interns doon
01:54at napagkakaroon po sila ng mga work experience mula po sa mga ahensya po ito.
02:00Asik, hinggil naman sa Special Program for Employment of Students, umabot na sa 16,550 ang natulungan nito noong nakaraang taon.
02:08Ano po ang target o projection ng DOLE para sa 2025 at sa mga susunod na taon?
02:14Yes po, Kong. Actually po, sa pinaka-latest po natin na datos, umabot na po tayo sa 87,588 na mga spes beneficiaries.
02:25Kung kukumpara po natin sa nakalipas na taon, tayo po ay pumalo sa 102,973 beneficiaries.
02:32Sa taon pong ito, inaasahan natin na lalampas din po tayo sa 100,000 na target po natin para po makover ang mas maraming mga spes beneficiaries po.
02:42Asik, paano po ba sinusuguro ng DOLE ng mga estudyanteng kabilang sa low-income families ang tunay po na nakikinabang dito sa Special Program for Employment of Students?
02:56Yes ma'am. Ang implementation po natin ng ating mga youth employment programs ay dumadaan po sa tinatawag nating screening or qualifications
03:05at kasama po dyan, yung pagsisiguro base sa mga sinasubmit po ng mga dokumento katulad po ng kanilang mga ITRs
03:13na kung saan na-determine po natin na ang kanilang pamilya ay nabibilang dito sa mga low-income class po natin.
03:20So, ito po yung nagiging basehan natin para masiguro na yung mga beneficiary po na nag-a-avail ng mga programang ito
03:26ay yung talagang nangailangan at kailangan ng mga interventions po na ito.
03:31Asak, may plano po bang dagdaga ng pondo o palawakin pa ang mga oportunidad sa mga pribadong sektor
03:37para naman sa Special Program for Employment of Students Beneficiaries?
03:43Yes, sir. Sa iraling po ng Philippine Development Plan at ng Labor and Employment Plan,
03:48isa po sa mga strategies na in-enroll po natin dito ay yung increasing employability and expanding access to employment opportunities.
03:56Kaya po base po sa policy po na ito ay nilalabi po natin yung patuloy po na pagtaas ng ating budget
04:03para po mas maparami pa ang mga beneficiaryong makatanggap o makalahok sa ating youth employment programs.
04:11Kasama po dyan yung pagsisiguro na maraming private sector companies po ang ma-encourage nating maging partner natin
04:18sa pag-implementa po ng SPES po. Lalo na ngayon, nakikita natin, umabot po tayo sa 1,200 to 1,400
04:25ng mga private sector companies na nagpa-participate po sa implementation ng Special Program for Employment of Students.
04:34Sir, paano naman po tinutulungan ng Job Start ang mga kabataang kabilang sa NEET or not in education, employment or training
04:42upang makahanap ng trabaho ng mas mabilis?
04:45Yes po, Com. Actually, yung youth NEET nga po, yung tinakatinututukan nating indicator ngayon sa labor market
04:53kumpara sa youth unemployment dahil ang youth NEET po, ang gusto natin ma-address dyan yung mga kabataan natin
05:00ay maibalik natin sa pag-aaral, sa training o di kaya ay maitawid natin sila sa employment.
05:06Kaya po itong tatlong programa na ang pag-meet po natin, no, GIP, SPES at Job Start
05:11ay nakatutok po talaga sa pagsisiguro na maibalik natin ang mga kabataan
05:15sa pag-aaral, makatapos po sa kanilang mga training at lalong makatapos po sa kanilang mga pag-aaral.
05:21Ang Job Start po in particular ay nagsisiguro na matulungan ang ating mga kabataan na magkaroon ng tamang skills
05:28kung saan dumadaan sila sa iba-ibang mga stages, katulad ng soft and core skills training
05:35at technical training in partnership with our private sector companies
05:40para po masiguro na yung mga skills na makukuha po nila ay at ma-appropriate dun po sa trabahong a-applyan nila
05:46pagkatapos po ng youth employment program po ng mga ito.
05:50Asik, ano naman po, no, o kumusta itong feedback ng mga employer tungkol dito sa mga kabataan sumailalim sa Job Start training?
05:58Yes, Jeanette, actually marami pong magagandang feedback na nakukuha natin mula sa employers po, no.
06:06Kabilang na po dyan, yung very recently po binisita natin yung isang partner company natin,
06:12employer sa May Pasig po, no, isang hotel company po sila,
06:17kung saan nakita natin na ang feedback po ay talagang malaking tulong ang naibigay ng Job Start
06:22sa pagsisiguro na akma or appropriate yung mga skills na nakukuha nila,
06:27lalong-lalo na sa technical training stage ng programa,
06:30kung saan mismo ang kumpanya, ang partner employer natin,
06:34ang nag-administer ng training at nagbibigay ng programang ito directly sa mga beneficiaries natin.
06:40Kaya po pagdating o pagkatapos ng training natin,
06:43ay agad po silang na-absorb at na-employ sa kanyang kanila mga kumpanya.
06:48Asik, may mga bagong partnership po ba ang Dole
06:50para mas magpalawak ang sakop ng Job Start sa iba't-ibang rehyon?
06:56Yes po, Asik, kamakailan lang po ay nagkaroon po ng signing agreement
07:00si Secretary Leguisma kasama po ang IBPAP, Business Process Association of the Philippines,
07:08kung saan po magiging partner po natin ng mga IBPAP companies
07:12sa pag-implementa po natin ng Job Start program.
07:15Ito po ay para makatulong sa ating mga IT companies na makakuha
07:20ng mga beneficiaries po na magkahanda para sila ay magkaroon ng ICT or digital skills,
07:27lalo't higit nakikita natin na isa ito sa mga trends
07:29na kinakailangan ng ating mga kumpanya.
07:33Kasama po dyan, meron din pong adjustment measures program
07:37para po sa IBPAP companies para po makapagbigay ng tulong
07:41sa mga micro, small, medium enterprises po
07:44na kumpanya or na members po nila
07:46para po mag-capacitate at mapigyan ng interventions
07:49sa kanilang mga workers para ma-upskill or misskill po sila.
07:53Sir, ano naman po ang mga susunod na hakbang ng DOLE
07:57kasama ang National Youth Commission upang mapalawak ang information drive
08:01at hikayatin ang kabataan na mag-avail ng mga programang ito?
08:07Yes po, Kam.
08:08Kasama po sa ating pag-i-implementa nito,
08:11yung regular na coordination natin with the National Youth NYC po.
08:15At nai-enroll po natin itong tatlong programang nabanggit po natin kanina
08:20sa plano po ng NYC at regular po natin minomonitor
08:25at sinasubmit yung report sa kanila
08:26para po ma-align sa policy directions po ng Youth Commission.
08:31And of course, sinisiguro natin na yung mga interventions natin
08:35ay nai-report po natin sa regular meetings po ng NYC
08:39para po naka-align po tayo sa direktiva po din ng NYC.
08:45Sir, paano po ninyo masisiguro naman po
08:49na yung mga programang ito ay hindi lang pansamantalang tulong
08:52kundi magbibigay ng pangmatagalang oportunidad para sa mga kabataan?
08:59Yes, ma'am. Ang mga programs po natin, unang-una,
09:02ay nakapagloob po sa mga batas po natin.
09:05So may mga laws po yan, respective na mga batas po,
09:10na nagiging basis natin sa pag-implement.
09:13At sinisiguro po natin na yung pag-implement po natin
09:16ay hindi lamang sa particular sector
09:19pero ginubuksan po natin ito sa lahat ng mga iba-ibang sector
09:22kaya po nationwide ang implementation natin.
09:26At sa tulong din po ng ating mga public employment service offices
09:30sa kanilang mga local government units
09:33ay nai-aabot natin ang programang ito
09:35para po yung kanilang mga youth constituents
09:38ay magkaroon din po ng oportunidad
09:40at magkaroon ng access sa ganitong mga opportunities.
09:44Asik, siguro po mensahin nyo na lang
09:46sa mga kabataang nais sumali sa mga youth employment programs ng DOLE.
09:52Yes po, Asik.
09:53Para po sa ating mga kabataan na nakikinig po,
09:55inaanyayahan po namin kayo,
09:56nagbisitahin po ang ating public employment service offices
10:00sa kanilang mga munisipyo, syudad at probinsya
10:03para po sa mga informasyon tungkol sa ating mga youth employment programs.
10:07Gayun din po, inaanyayahan po natin ang ating mga kabataan
10:10pati po ang mga job seekers po natin,
10:13mga kababayan natin na naghahanap na trabaho,
10:15nabisitahin po ang ating online job matching portal,
10:18ang philjobnet.gov.eh
10:20para po sa mga latest na mga bakanteng trabaho
10:22at para sa mga latest na training programs
10:25at mga job activities na sinasagawa po natin nationwide.
10:29Maraming nga salamat po sa inyong oras,
10:31OIC Assistant Secretary Patrick Patriwirawan Jr.
10:35ng Bureau of Local Employment ng DOLE.
10:39Maraming salamat po.

Recommended