00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commencement exercises ng Philippine Merchant Marine Academy o PMMA Kadaligtan Class of 2025 sa San Narciso, Zambales ngayong umaga.
00:14Ayon sa Pangulo, mahalagang mapanatili ng mga marinong Pilipino ang reputasyon at pangungunan nito sa global maritime industry.
00:22Binigyan din din ni Pangulong Marcos Jr. ang suporta sa pagpapalakas ng maritime defense ng bansa.
00:28May 255 kadets na nagtapos sa kadaligtan class na nangangahulugang kawal ng dalampasigan, liwanag ng karagatan.
00:39144 sa kanila ang may kursong Bachelor of Science in Marine Transportation at 108 ang Bachelor of Science in Marine Engineering.
00:50Nakatakdang sumali ang mga nagtapos mula sa PMMA sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Marine Merchant Marine Fleet bilang lisensyadong Marine Engineers at Deck Officers.
01:03Ang Philippine Merchant Marine Academy ay ang institusyon sa maritime higher education kung saan nagmumula ang mga Pinoy Merchant Marine Officers para magsilbi sa marine at mga industriyang may kinalaman sa paglalayag sa buong mundo.