Umaapela ng tulong sa gobyerno ang mga kaanak ng 3 Pilipinong marino na nakakulong sa Algeria. Hinatulan sila ng 15 taong pagkakakulong dahil sa iligal na droga.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umaapela ng tulong sa gobyerno ang mga kaanak ng tatlong Pilipinong Marino na nakakulong ngayon sa Algeria.
00:06Hinatulan sila ng 15 taong pagkakulong dahil po sa iligal na droga.
00:11Nakatutok si Jonathan Andal.
00:15Mawa po kayo Presidente Marcos.
00:17Sana po tulungan niyo po kami.
00:19Please po Presidente Marcos.
00:21Ayoko po lumaki yung mga anak po na wala sa tabi yung tatay nila.
00:26Yan ang panawagan ng mga misis ng tatlong Pilipinong Marino na nakakulong ngayon sa Algeria dahil sa kaso ng droga.
00:33Hiling ni Najoy, Marie at Rose din nila tunay ng mga pangalan.
00:37Sana mismo ang Pangulo na ang kumausap sa gobyerno ng Algeria para makalaya ng mga mister nila.
00:42Apat na buwan na lang daw kasi sa darating na Oktubre, magdidesesyon na ng Pinalang Korte Suprema ng Algeria.
00:48Kung pwede may government to government na process or arrangement kung ano ba yung diplomatic process na pwedeng gawin.
00:58July 2023, nang maaresto ang walong Pilipinong tripulante ng MV Harris.
01:04Matapos makita ang 35.8 kilo ng cocaine sa deck ng barko nila habang nakadaong sa isang port sa Algeria.
01:10Hinatulan silang lahat na makulong pero inapila ang kanilang kaso sa Court of Appeals ng Algeria kung saan lima ang pinawalang sala pero tatlo ang naiwan sa kulungan.
01:20Isang chief officer, isang bosun at isang ordinary seaman.
01:24Ang kanilang sentensya, labing limang taon sa kulungan.
01:2853 years old na po siya at nung nalaman niya po na nalungkot na tulang ko sila ng 50 years.
01:35Nalungkot siya na nalungkot.
01:37Pag-wi niya, ano na siya, magdaganang. At mayroon siya, iniindang sikit.
01:41Sasawa ko na naman po, he is just a nabungisa pa lang po siya sa kanyang kaliger na baka mata pa po.
01:49Sabi ni Migrants Worker Secretary Hans Kakdak, pinag-iisipan na niyang siya na mismo ang personal na umapila sa gobyerno ng Algeria.
01:56Pero hindi raw ito basta-basta.
01:58Ang utos ni Presidente, tulungan yung mga pamilyang.
02:01Kuniconsider ko na rin na baka pwede rin ako ang magsagawa nung pag-apila.
02:06Pero ito'y iniestima pa natin, tayo'y nakikipag-ugnayan pa sa Department of Foreign Affairs.
02:11Pero sabi ng DFA, baga matinitignan nilang lahat ang pwede nilang magawa, kailangan pa rin igalang ang judicial process ng Algeria.
02:18Pag gumawaro kasi ang Pilipinas ng ibang aksyon gaya ng back-channeling,
02:22baka raw isipin na pinakikialaman at kinikwestiyon nito ang sistema ng hustisya ng Algeria.
02:27Sa ngayon, sabi ng DFA, dahil gumugulong pa naman ang kaso at wala pang desisyon dito,
02:31hayaan muna ang mga abugado ng tatlong Pinoy na ipagtanggol sila sa korte.
02:36Gaya ng ginawa ng mga ito sa lima pang Pilipino na napalaya sa parehong kaso.
02:40Pero paano kung hindi pumabor sa tatlong Pilipino ang desisyon ng Korte Suprema ng Algeria?
02:45Kapatawaran could be an option, but hindi ko muna pa ibibigay yung option na yun at this stage
02:52kasi kinikita yung kakulang payo sa DFA pending yung kaso na nasa Korte Suprema.
02:58Tiniyak ni Kakdak na handa ulit silang samahan papuntang Algeria ang mga misis para mabisita ang mga mister nila sa piitan.
03:05Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
03:15Tiniyak ni Kakdak na handa ulit silang samahan papuntang

Recommended