00:00Nasa unang limang buwan pa lang ng 2025, pero lumobo na sa mahigit isang daang libo ang naitatalang kaso ng dengue sa bansa.
00:09Pinangangabantayang tumaas, lalo't pumasok na tayo sa tag-ulang.
00:14At nakatutok si Darlene Kai.
00:18Natakot po, baka yun na po yung ano eh, yung huling...
00:24May ano daw po na hindi na makasurvive.
00:29Halos limang buwan ang nakarecover si Rosemary mula sa dengue, pero hinding-hindi niya raw makakalimutan ang hirap na pinagdaanan niya.
00:37Isinugod siya sa ospital matapos lagnatin ang tatlong araw.
00:40At nang makumpirmang may dengue, doon nalaman na bumagsak sa critical level ang kanyang platelet count.
00:46Masakit po yung ulo, hindi po makakain, masusuka po.
00:52Limang araw siyang naospital bago gumaling, pero ang alaga niyang sampung taong gulang,
00:57na dengue rin at isang linggo namang na ospital.
01:00Marami kasing pwedeng pamugaran ng lamok dito sa labas ng bahay nila Rosemary,
01:03tulad na lang ng kanal, na halos hindi raw nawawalan ng tubig.
01:07Ganyan din ang hindi nawawalang problema ng Barangay Ross District sa Quezon City,
01:11kaya dumarami ang dengue cases.
01:14At bilang paghahanda sa tag-ulan, sinimula ng linisi ng mga estero.
01:17We have continuously following the city's protocol, yung special cleanup drive from the city,
01:28both land and river. So that is weekly.
01:33And then we also have our health education regarding dengue,
01:39and tuloy-tuloy din yung anti-larve spraying natin.
01:44Sa pinakauling datos ng DOH, mula January hanggang May 17 ngayong taon,
01:49nakapagtala ang Metro Manila ng mahigit 19,000 dengue cases.
01:53224% ang increase niyan mula sa parehong panahon noong 2024.
01:58Sa buong bansa naman, mahigit 110,000 ang dengue cases hanggang nitong May 10.
02:03437 ang namatay.
02:05Karamihan sa mga tinatamaan ng dengue ay mga batang edad lima hanggang siya.
02:09Mas mababa po ang immunity ng mga bata compared po sa adult.
02:13Kaya po mas tinatamaan po sila ng dengue.
02:18Kaya kanina, dito sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City,
02:22inulinsad ng DOH ang Dengue Awareness Month.
02:25Pinangunahan ng mga opisyal ng DOH, WHO, DepEd, Dole, Quezon City, LGU,
02:30kasama ang mga magulang, volunteers at mga kawani,
02:33ang paglilinis sa bawat sulok ng paaralan.
02:35Tinaob at tinuyo ang mga posibleng pamugaran ng mga lamok gaya ng mga gulong na ito.
02:40Nag-miss ting din sa mga classroom at naglagay ng anti-mosquito screens.
02:45Awareness naman kami din sa school sa kalinisan.
02:48Lahat kami nagpapaging.
02:50Kompleto kami doon.
02:52Siyempre nagkakataon lang talaga yun.
02:54Pinaigting din ang DOH ang kampanyang Alas 4 kontra mosquito,
02:58kung saan hinihikayat ng lahat, lalo ang mga paaralan na magtaob,
03:02tak-tak, tuyo at takip ng mga gamit na posibleng maipunan ng tubig
03:06at kalaunay pabugaran ng mga lamok.
03:09Paalala ng DOH, agad kumonsulta oras sa makaramdam ng mga sumusunod na sintomas,
03:14lalo na kung tumagal na ng isang araw.
03:16Pwede po itong mauwi sa kamatayan if hindi po natin maaagapan.
03:20Kaya po pinupush po namin na my prevention is better than cure.
03:24Covered naman daw ng PhilHealth of Degge cases,
03:26mula P19,500 hanggang P47,500 depende sa severity o lala ng kaso.
03:33Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
Comments