Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
PCO at DICT, magtutulungan para magkaroon ng fact checkers; dalawang ahensya, sanib-pwersa sa iba pang hakbang vs. fake news

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala nagpapatuloy ang pagdinig ng kamera kaugnay sa lumalaganap na fake news sa bansa.
00:05Sa sesyon, tiniyak ang pagtutulungan ng ilang ahensya para mabilis na masumpo ang misinformation particular na sa online.
00:12Ang detalye alamin sa sentro ng balita ni Mela Lesmoras live. Mela?
00:18Joshua, kapwa tiniyak ng PCO at DICT na may mga hakbang na sila para iba yung malabanan ang pagkalat ng fake news sa bansa.
00:27Sa ngayon, ay nagpapatuloy na ang talakayan ukong dito, dito sa kamera.
00:33Pasado las 10 ng umaga kanina ng ipagpatuloy ng House Strike Committee ang kanilang pagdinig ukong sa paglaganap ng fake news sa bansa.
00:41Kabilang sa mga humarap dito, sina Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz at Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda.
00:51Sa panig ng PCO, iginiit ni Secretary Ruiz sa nakikipagtulungan na sila sa DICT para magkaroon ng formal na fact checkers sa bansa kasama ng iba pa nilang hakbang laban sa fake news.
01:03Habang ang DICT naman, may high-tech system na rin sila laban sa fake news.
01:08Binigyan din ng mga kongresista na dapat ay mapaigting na ang paglaban sa disinformation at misinformation sa bansa para wala nang mabiktima nito.
01:18Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ng mga opisyal kanina.
01:23Una po ang kailangan, media and information literacy.
01:27Tapos pagka sa kanila mismo, pag nasabihan na po sila na sa amin, ito flinaflag namin to, fake news to, galing to sa isang government agency, department, agad-agad dapat i-take down.
01:42Hindi pa pwede na para ka nagmamakaawa sa kanila para i-take down yung post na alam naman ng lahat na fake news na.
01:50Bakit nyo pinapabayaan na ma-viral pa yan?
01:53Eh, halatang-halata naman na, alam naman na ng lahat.
01:57Sinabi na namin, fake news to.
01:59Do we need to defend ourselves and tell them, we already said in the press, fake news yan.
02:04Meron bang kapangyarihan ang DICT to take down any platform?
02:11Meron ba tayong ganong kapangyarihan?
02:14Right now, Mr. Chair, unfortunately, wala.
02:17Kasi kung hindi sila sumusunod sa ating regulasyon, hindi sila sumusunod sa ating mga batas, eh ba't hindi natin sila i-take down?
02:24I'm just toying with the idea of them violating yung ating mga batas.
02:33Hindi po ba?
02:33So perhaps in the crafting of our committee report, when we say regulation, tingnan din po natin yun.
02:40I don't know, Mr. Secretary, kung kayo ba ay sangayon sa puntong nirees ko.
02:46Mr. Chair, that's specifically the support we need from Congress.
02:50Kasi ngayon, hindi malinaw. Wala talaga.
02:54So yung sa legal study po namin, walang eksaktong batas na will allow us to take it down.
03:02So ang nangyayari po sa amin, nakikipag-coordinate kami, and 75 days na po ako dito.
03:09Siguro naka-apat na sulat na ako sa, puro lang kami sulatang-sulat at saka-meeting, eh.
03:15So makakatulong po yung ginagawa ng Tricom and if you can craft a law that provides us specifically that authority.
03:28Joshua, sa mga puntong ito ay nagpapatuloy ang pagdinig ng House Strike Committee
03:34at inaasahan, Joshua, no, na talagang i-exhost na ng mga kongresista yung mga paraan
03:39at makukuha nilang impormasyon para pag bumuuna sila ng committee report,
03:43ito ay may kumpleto ng detalye at talagang mailatag nila yung mga rekomendasyon
03:47at mga panukalang kailangan para mapalakas pa nga yung paglaban sa fake news sa bansa.
03:53Joshua?
03:54Maraming salamat, Mela Lesmoras.

Recommended