00:00Makaring maging undetectable o hindi nakakahawang human immunodeficiency virus kung maagapan sa tamang gamutan.
00:08Kaya paulit-ulit naapira ng Health Department, magpa-test, lalo't mas madali ng proseso ngayon at libre sa HIV care facilities.
00:16Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Dahil aktibo ang kanyang sex life, nagpa-test si Gary, di niya tunay na pangalan noong 2023,
00:27nang mag-positibo sa HIV, agad siyang uminom ng anti-retroviral na gamot.
00:33Wala rin daw siyang mintis sa pag-inom nito kaya ngayon, undetectable na siya.
00:37Ibig sabihin, sa sobrang baba ng kanyang viral load o virus sa dugo, hindi na ito ma-detect sa mga test at hindi na siya nakakahawa.
00:45Madami pa po akong gusto ngawin. Like ngayon, mag-abroad na. Kaya hindi pa din naman siya hindrance.
00:56Undetectable is untransmittable. So safe.
01:00Kaya paulit-ulit na apela ng DOH, alamin ang inyong status at magpa-test.
01:05Mas madali na nga raw ngayon kasi naaprubahan na ng Food and Drug Administration ang HIV self-test kits.
01:12Libre ito sa mga HIV care facilities sa buong bansa.
01:15Kung may kaibigan kayo, pakilala nyo at natatakot sila sa test center, mag-self-test kit muna sila.
01:22Libre rin ang anti-retroviral medicine pero dapat walang mintis itong iinumin.
01:27Sigari halimbawa, kahit sobrang haba ng pila sa San Lazaro Hospital,
01:31chinatsaga niya ito kada tatlong buwan para makuha ang kanyang anti-retroviral medicine.
01:364 a.m. pa lang pumipila na siya.
01:38May mas mga nauuna pa. Dito halos sila dito na natutulog.
01:45Tapos pagdating ko dito, nasa 20 above na ako. Natatapos po ako nun mga alauna ng hapon.
01:51Para hindi na mahirapan ng mga pasyenteng sa San Lazaro kumukuha ng gamot,
01:56inilunsad kanina ang patient appointment system.
01:59Ngayon, pwede nang magpa-appointment.
02:00Mag-log on lang sa patientappointment.doh.gov.ph.
02:05Maari lang ikamatay ang HIV kung hindi magpa-test at uminom ng anti-retroviral medicine.
02:11Walang ibinigay na detalye si Secretary Herbosa,
02:14pero ang confirmed MPOX patient daw na namatay ay hindi dahil sa MPOX, kundi sa advanced HIV.
02:20Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
Comments