Skip to playerSkip to main content
Sa paghupa ng mga baha sa maraming lugar nagsisimula namang lumabas ang mga sintomas ng mga tinamaan ng leptospirosis na maaaring makuha sa maruming tubig. Sa ilang ospital ay tumaas na ang bilang ng mga pasyenteng may leptospirosis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa paghupa ng mga baha sa maraming lugar,
00:04nagsisimula naman lumabas ang mga sintomas ng mga tinamaan ng leptospirosis
00:10na maaaring makuha sa maraming tubig.
00:13Sa ilang hospital nga, itumaas na ang bilang ng mga pasyente
00:17yung may lepto.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:24Dalawang linggo matapos ang kabikabilang pagbaha sa Metro Manila
00:28at iba pang lugar sa bansa dahil sa magkasunod na epekto ng bagyo at habagat.
00:33Problema naman ngayon ang nagsisimulang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis.
00:37Wala pang maibigay nakabuo ang bilang ang Department of Health
00:40ng mga tinamaan ng sakit sa ngayon.
00:42Pero sa San Lazaro Hospital,
00:44apat naput isang pasyente ang nasa leptospirosis ward.
00:48Tatlumput pito rito na admit kahapon lang.
00:50Labing apat sa mga pasyente, mga batang edad 13 to 18 years old.
00:54Sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI,
00:58dumoble na kahapon ng bilang mula 10 hanggang 20 na.
01:03So nagumpisa na Maki ang leptospirosis surge natin.
01:08Isa sa mga leptospirosis patients si Jaibrel
01:10na napilitang lumusong dahil may kailangan daw na ayusing requirements sa paaralan.
01:15Wala naman kasing ibang madaraanan dahil baharaw lahat ng kasada sa lugar nila
01:19sa Maykawayan, Bulacan.
01:21Hindi napansin ni Jaibrel na may gatuldok siyang sugat noon sa paa.
01:25Wala po talaga ibang madaraanan.
01:27Baha po talaga yung dadahang namin.
01:29Kaya kahit nagusayaw mo?
01:32Napalusong po ako.
01:33No choice po talaga ako.
01:35Kaya napalusong na rin po.
01:37Inaasahan na raw ng mga ospital ang pagtaas ng bilang ng sakit.
01:40Kaya handa na sila.
01:41Ang mga staff namin, aming nirirotate para magman po ng ward.
01:46Kung mauubos po yung bed, may nakahanda kaming cut beds.
01:49Pati po ang aming hemodialysis unit, nagsa-stock up na rin kami ng supply.
01:55Hinahanda na rin ang NKTI ang kanilang gym para magamit na leptospirosis ward.
02:00Sabi ng NKTI, dahil may kapasidad na rin mag-dialysis ang mga DOH hospital,
02:05hindi na kailangang lahat ng pasyente i-refer sa NKTI.
02:09Nananawagan rin kami na the DOH hospitals, meron na silang kapasidad for hemodialysis.
02:15One week ago, nag-workshop na nga kami for them for peritoneal dialysis.
02:19Not all patients need to come here.
02:21Inuulit na mga doktor ang lagi nilang paalala.
02:24May sugat o wala, basta lumusong sa baha.
02:27Magpunta sa health center para makainom ng prophylaxis.
02:30Kung hindi kasi ito maagapan, tatamaan ng bakteriya ang inyong bato, baga at atay.
02:35Ang leptospirosis is isang bacterial disease na pwede tayong uminom ng antibiotic para mag-prophylaxis kung hindi natin maiwasan lumusong.
02:48Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended