00:00Arrestado ang dalawang Chinese sa Taguig matapos mahuling nagkakasa ng medical procedure kahit walang permit at lisensya sa Pilipinas.
00:09Babala po ng eksperto, huwag agad magtiwala kahit padayuhan ang nagpapakilalang doktor.
00:15At nakatutok si June Veneracion.
00:30Huli umano sa akto ang dalawang Chinese habang nagsasagawa ng facial injection at iba pang kaugnay na medical treatment sa mga kliyente sa establishmentong ito sa Taguig.
00:44Ilegal yan dahil wala silang lisensya at permit sa Pilipinas, kaya dilakip ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.
00:52Sinampahan sila ng reklamong paglabag sa The Medical Act of 1959.
00:56Nakuha rin sa kanila ang mga vial ng injectable substance, cosmetic product at iba pang equipment.
01:05Wala pang pahayag ang mga sospek.
01:07Nababahala ang Philippine Society for Cosmetic Surgery sa dumaraming foreigner na nag-aalok ng serbisyo kahit wala namang lisensya.
01:15Aktibo raw sa social media ang advertisement ng mga ito.
01:19Ang problema, marami anilang naiinggan yung kumuha ng kanilang serbisyo sa pagkakalang kapag foreigner ay magaling.
01:27Karamihan na mga ito, hindi rin licensed doctor sa bansa nila.
01:31Yung iba nga, nurse lang o kaya baka wala pang medical background tapos nag-i-inject na sa mga pasyente natin dito sa Philippines.
01:39May mga naging kliyente rin umano sila na lumapit sa Philippine Society for Cosmetic Surgery
01:44para ipaayos ang sablay ng medical procedure ng mga peking doktor.
01:49Babala ng mga eksperto, kahit ang simple yung paglalagay ng filler sa muka ay pwedeng mauwi sa pagkabulag kapag hindi bihasa ang gumawa.
01:57Yung iba, alam na nila na hindi doktor o kaya foreigner yung gagawa.
02:02Nagpapagawa pa rin.
02:03Ang akala mo nagaganda ka eh, baka lalo pang makakasira sa itsura ninyo.
02:08Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon na Katutok, 24 Horas.
Comments