00:00Punuan na ang emergency room ng ilang ospital dahil sa leptospirosis.
00:06Ang gym na nga ng NKTI ay ginawa ng leptoward.
00:09Sa gitanyan, may nilinaw ang DOH tungkol sa pagkapuno ng ilang ospital.
00:15At nakatutok si JP Soriano.
00:20Isinugod dito sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI si Mike
00:25matapos magsuka at sumama ang pakiramdam.
00:28Dalawang araw yan matapos lumusong sa mga bahang dulot na mga bagyot habagat sa Taytay Rizal
00:34para bumili sana ng pagkain.
00:50Dito na akong pirmang may severe acute leptospirosis si Mike
00:54at kailangang mag-dialesis dahil apektado na ang bato.
00:57Isa lang siya sa may limampung may leptospirosis na naka-admit ngayon sa NKTI.
01:03Apat ng may lepto ang pumanaw sa ospital.
01:06Ayon sa pamunan ng NKTI dahil overcapacity na ang dami ng mga pasyente
01:11ang dinadala sa emergency room,
01:13e kinonvert na rin nila ang kanilang wellness center o gym
01:17bilang isa sa mga ward nila.
01:20At narito po ngayon naghahalo ang mga pasyente
01:23ng iba't ibang sakit pati na rin po yung mga pasyente ng leptospirosis.
01:27Dahil yan, may mahigit sandaang pasyente na sa emergency room
01:31na hanggang 64 lang sana ang kapasidad.
01:34Ginawa na rin lepto ward ang gym ng ospital
01:37para sa mahigit 20 pasyente.
01:39Ang mga matitinding kaso nasa mga regular ward at ICU.
01:43Ang pumupunta sa amin dito sa institution namin, sa NKTI,
01:46ay mga malulubhang kaso ng leptospirosis
01:49na nangangailangan ng dialysis kasi pumapalya ang kanilang bato.
01:54Bukod sa bato, tinatamaan na rin ng leptospirosis ang baga ng ilan.
01:59Yung ibang pasyente po, nagkakaroon ng dugo sa kanilang baga.
02:02So nagdudura sila ng dugo.
02:04Tapos pag in-xray po natin sila, yung lungs po nila, puting-puti na.
02:09Ibig sabihin po, dumudugo talaga sa loob.
02:13Bukod sa NKTI, punuan na rin ang emergency room ng ospital ng Maynila o OSMA
02:17dahil sa mga dami ng dinalang may leptospirosis.
02:21Pero ayon sa Department of Health,
02:23hindi bababa sa 15 pang DOH at GOCC hospitals
02:28ang kayang tumanggap ng leptopatients.
02:30Ang datos nga natin, mula July 13 hanggang August 6, 2025
02:35ay 1,272 cases nationwide.
02:3945% na mas mababa sa naranasan natin na 2,000 cases
02:45nung parehong panahon nung nakaraang taon.
02:49Itinanggi ng Health Department na may kinalaman sa pagkapuno ng mga ospital
02:53ang Zero Balance Billing Policy na binanggit sa State of the Nation address
02:57ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:59Nung panahon rin na nagsona, yun yung panahon na ang daming ulan,
03:04hindi ho ba, at ang incubation period ng leptospirosis na 1 to 2 weeks.
03:09Ito na ho talaga yung panahon na inaasahan natin.
03:13Paalala ng DOH sa mga hindi makakaiwas sa baha,
03:16magbota, agad na maghugas ng paa at maligo pagkatapos
03:20at uminom ng gamot pangontra sa leptospirosis sa loob ng 24 oras.
03:26Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano.
03:30Nakatutok 24 oras.