Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Paubos na ang stock ng anti-rabies vaccine sa Caloocan sa dami ng mga nais magpabakuna sa mga animal bite center sa lungsod. Pagtitiyak naman ng City Health officer, nag-request na sila ng dagdag na suplay at 'di maaapektuhan ang mga nasimulan nang mabakunahan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paubos na ang stock ng anti-rabies vaccine sa Kaloocan sa dami ng mga nais magpabakuna sa mga animal bites centers sa Luzon.
00:08Pagtitiyak naman ang City Health Officer, nag-request na sila ng dagdag na supply at hindi maapekto ka ng mga nasimula ng mabakunahan.
00:16Nakatutok si Oscar Oida.
00:21Magtatanghaling tapat kanina nang abutan naming sumisilong na sa ilalim ng pick-up ang limang taong gulang na si Astin at ang kanyang ina.
00:30Ilan lamang sila sa nagtsatsagang pumila ngayon sa tapat ng Animal Bite and Treatment Center sa Kalaanan, Kaloocan.
00:38Maturukan lang ng pangontra sa rabies.
00:41Nakalmot po yung anak ko. Noong Webes po ng gabi, palaga ng kapitbahay.
00:46Kasi pumasok po sa bahay tapos pinalo daw po niya. Tapos nakalmot po daw siya.
00:52Ayon sa Kaloocan Health Office, dagsa ngayon ang mga tao sa dami ng mga nakakagat ng aso o di kaya'y nakakalmot ng pusa.
01:01Marahil dahil sa tindi ng init, mas madali daw ngayon mairitah ang mga alaga.
01:06Irritable lalo yung mga hayop pag ganyang mainit. Sa akin, hanggat maaari, iwasan nila muna nilang makipagharuta sa mga aso.
01:13Ayon sa City Health Office ng Kaloocan, kada araw, umaabot-umano sa 220 ang nagpapabakuna sa kanilang walong Animal Bite and Treatment Center sa lungsod.
01:25Pero di lahat ng kung ipila, agad nababakunahan.
01:27Sa ngayon kasi, ayon sa Kaloocan Health Office, nasa alarming level na raw ang kanilang supply.
01:46Pusibling sa isang buwan, maubusan na raw sila.
01:49Sa ngayon kasi, paubos na yung aming mga stock, pero may nakaumang naman kami na request for, kasi binibid ba yan eh, people bidding, may request na kami, letter of request na kami sa GSD for another round of delivery ng vaccine.
02:06Pagtitiyak naman nila, makakakumpleto ng dose yung mga nasimulan ng mabakunahan.
02:12Meron ng nakatabi na para dun sa particular na tao niya, para ma-receive niya yung full dose niya.
02:20Samantala, dagsari ng mga tao ngayong araw sa San Lazaro Hospital upang magpabakuna rin contra rabies.
02:28Karamihan, bunsod umuno ng takot sa mga rabies-related deaths na kalat ngayon sa social media.
02:35Nakalmot po ng pusa. Alaga ko po, inatapakan ko po kasi yung buntot. Kaya po ako nakalmot.
02:41Napanood ko po kasi yung hindi nagpa-second dose. Oho, kaya natakot po ako yan.
02:50Tsaga lang po talaga. Kasi dito po kasi libre. Wala hong bayad. Kaya tsagaan lang po talaga.
02:58Ang usual naming mga pasyente na nakikita sir, nung normal na mga araw is around 800 to 1,200 patients in a day.
03:05Pero nung nagsimula yung mga kwento ng rabies-related deaths sa ating community, nagsimula nung isang linggo,
03:15nakatanggap kami ng hindi bababa sa 2,000 pasyente sa loob ng isang araw.
03:20Pinakamarami kahapon, nakakita kami ng 4,000 pasyente.
03:24Bukas naman ang Metro Manila Council na pag-usapan kasama ang mga mayro sa NCR
03:29ang posibleng paglalaan ng pondo ng mga LGU para sa bakuna contra rabies.
03:35Opo, ang DOH ay naglalaan po ng bakuna para sa mga local government units.
03:40Pero mahalaga po na paglaan din tayo ng sililing pondo natin.
03:43Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.

Recommended