Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Huling araw ng trabaho para sa marami kaya dag sana sa iba't ibang terminal, pantalan at paliparan ang mga biyahero
00:13ngayong Semana Santa.
00:14Doble ang pagigpit. Lalo't sa ilang airport, daandang basyo ng bala at live ammunition ang nakumpis ka.
00:20May mga nahulihan din ng iligal na droga at drug parafernalia.
00:24Ang sitwasyon sa naia silipin sa live na pagtutok ni Salima Refran.
00:30Salima!
00:54Baril, anting-anting na mga bala o kaya mga basyo nito.
00:58Katakot-takot po na perwisyo at abala ang mararanasan ninyo.
01:07Nakaheiten alert ang mga otoridad sa lahat ng paliparan sa bansa ngayong Semana Santa.
01:12Sa Puerto Princesa Airport, isang babaeng pasahero ang nakumpiskahan ng dalawang magazine ng M16 na naglalaman ng 65 live ammunition.
01:24Hindi na siya pinayagang sumakay ng kanyang flight pa Maynila kahapon.
01:27Ayon sa Office for Transportation Security, dalawang daang basyo ng bala at live ammunition ang nakumpis ka sa mga pasahero
01:35sa lahat ng paliparan simula noong linggo.
01:38So, bawal po yun at maantala ho kayo kapag magdala pa rin ho kayo yung mga bala na gagamitin sa
01:45anting-anting, kontra-usog, mga ganon, kahit isa lang po yan.
01:49Yung mga empty shells na nakukuha natin, even yung live ammunitions na nakukuha natin, pinopropile natin yung mga taong nakukuha
01:59na natin yan.
02:00And then after profiling, check-check natin kung ano yung reason nila why they are in possession of those ammunitions.
02:08Labing tatlong cartridges naman ng liquid marijuana at tatlong piraso ng drug paraphernalia ang nakumpis ka sa isang pasahero sa
02:15NIA Terminal 2 noong lunes.
02:17Na-detect sa scanners ang kahina-hinalang mga bagay sa bagahe na nakumpirma naman ng inspeksyonin ng K-9 Unit
02:25at ng PIDEA.
02:27Na-inquest na ang nasabing pasahero para sa paglabag ng Dangerous Drugs Act.
02:32Alas 4 ng hapon na magsimulang kumapala mga pasahero sa NIA Terminal 3.
02:36Ito na ang evening rush para sa mga biyahe ngayong Merkulay Santo.
02:40Pero ang pamilya ni Andrew, kagabi pa nasa terminal para sa biyahe ngayong gabi, Pajensa.
02:48Ihuhuwi na raw niya doon ang pamilya mula Pangasinan dahil sa hirap ng buhay ngayon.
02:54Inagaan lang po namin dahil hindi po alam kasi traffic po, baka mahuli po kami sa flight.
03:00Kaya maaga pa kaming umalis sa Pangasinan.
03:04Ganon nangyayari, taas na nang bilhin ngayon.
03:08Yung bigas, saka diesel, taas na nang presyo.
03:13Biyahing Boracay naman si Daniel at kanyang mga senior na magulang.
03:17Inaghandaan at pinag-ipunan raw nila ito.
03:21Ang 70th birthday ng mother ko.
03:23Kaya po ano, titrit po ako po siya.
03:27Inalam po namin yung mga hotels na may mababang rates po.
03:31Saka po yung mga restaurant na sulit po kapag kinainan.
03:37First time, going to Boracay?
03:42Masaya, masaya.
03:44Kasi nasunod din yung dream ko na makapunta dun.
03:48Si Transportation Secretary Giovanni Lopez,
03:51lumipad pa probinsya sakay ng isang budget airline.
03:54May ginagawa na raw ang pamahalaan para maibsa ng epekto ng krisis sa Middle East
03:59at pagtaas sa mga produktong petrolyo.
04:02Parati natin pinapaalala na planuhin mabuti at maaga ang pagbabiyahe
04:07sa mga ganitong panahon ng Semana Santa.
04:10Sa mga susunod na araw, kung magtataas man ang ating pamasahe paglating sa airfare natin,
04:18I think ay minimal lang po.
04:20Kasi meron naman mga government interventions.
04:23So I think yung mga ticket na nabili na,
04:26ay matutuloy pa rin ang mga pagbabiyahe ng ating mga kababayan.
04:31Pinayagan man ang Civil Aeronautics Board ang hiling ng mga airline na iakyat sa maximum na level 8
04:37ang fuel surcharge ngayong Abril.
04:39May discount naman na binigay ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP
04:43para sa passenger fees at landing at take-off fees ng mga aircraft.
04:48Sa ating today, nagbawas naman kami ng passenger service fee 50%
04:52at yung tinatawag na landing and take-off fees ng mga airlines,
04:57binawasan na rin sa order ni Secretary Banoy na gawing 50% ang discount
05:04para at least makabawas doon sa post ng ticket ng mga pasahero.
05:09Ang Bureau of Immigration nagdagdag naman ng mga kawani para tumulog
05:13sa dami ng mga pasaherong palabas at papasok ng bansa.
05:17Pumalo na sa 112,000 ang daily average na mga outbound at inbound passengers
05:23sa tatlong terminal ng Naiyah ngayong Semana Santa.
05:26Nagsasabay din po ito ngayon sa mga nagpupunta ng bakasyon,
05:31umaalis sa ating bansa at nagsisidatingan sa atin.
05:33At kasabay din po nito, alam po ninyo, meron tayong repatriation ngayon na nangyayari.
05:38Kaya we are actually deploying more people sa ating mga primary inspections.
05:43At the same time din po, meron tayong sa secondary inspection.
05:51Vicky, ayon sa new Naiyah Infrastructure Corporation,
05:54kahapon pumalo na sa 142,000 ang mga pasahero sa tatlong terminal ng Naiyah.
06:00Inaasahang lalaki pa ang bilang na yan ngayong gabi at bukas ng madaling araw.
06:05Yan muna, letes. Bula nga dito sa Naiyah Terminal 3.
06:08Vicky.
06:08Sa lima, ano yung proseso sa mga pasahero ang mahuhulihan ng bala?
06:13Hindi na ba sila papayagang makasakay sa aeroplano o bumiyahe,
06:16kahit ang dahilan ay para sa proteksyon o anting-anting lang?
06:24Alam mo, Vicky, bawal na bawal kasi talaga yung mga anting-anting na bala o kaya mga basyo.
06:30Sila po ay dadaan sa proseso ng profiling at interview at assessment po ng PNP.
06:37Doon, alamin kung katanggap-tanggap o kaya e, kung maga-justified yung pagkakahanap o pagkakadala nila ng mga anting-anting
06:46na yan.
06:47At kung satisfied ang PNP, sila ay papayagan na makasakay naman doon sa kanilang flight.
06:52Pero kung hindi, maaari silang maharap doon sa reklamo na illegal possession of firearms, ammunitions, and deadly weapon.
07:01Vicky.
07:02Napakalaking hassle yan, mabuti iwanan na lang sa bahay.
07:05Sa lima, unang araw ngayon ang pagtataas ng airfare dahil nga sa fuel surcharge sa mga flight.
07:11Nakapekto na ba yan sa dami ng mga pasyero sa NAIA o hindi naman dahil mas maagad nila nabili yung
07:16mga ticket nila?
07:21Alam mo Vicky, sa ngayon marami talaga yung mga pasahero dito sa NAIA Terminal 3.
07:25Yan ay dahil ang mga pasaherong ito nabili na nila yung ticket bago pa man yung pagtaas ng fuel surcharge.
07:32Pero inaasahan nga na sa mga susunod na linggo o yung mga flights na mabibili mula ngayong araw ay magkakaroon
07:38ng bahagyang pagtaas na sa pasahe.
07:40Pero ayon naman kay Secretary Banoy Lopez kanina ng Department of Transportation, inaasahan nilang maliit lang naman daw yung pagtaas
07:48na yan
07:48dahil nga sa mga interventions ng pamahalaan gaya na lamang ng discount sa passenger service fee at dun sa landing
07:55at take-off fee, VE.
07:57Okay, maraming salamat sa iyo sa Liba Refran.
08:01Bumagsak ang crane lift sa ginagawang condominium sa Maynila.
08:06Isang sugatan na katutok live si Mona Quino.
08:09Boy!
08:14Mel, bumagsak sa kalsadang isang crane lift na itinatayong gusali dito sa F. Torres Street, dito sa Santa Cruz, Maynila.
08:23Ang crane lift na ito ay yung ginagamit sa pag-angat ng mga buhangin sa construction site.
08:28Binagsakan ng crane lift ang isang truck, basag ang windshield nito at nabagsakan ng mga bakal.
08:34Ayon sa mga otoridad, isa ang nagtamo ng minor injury na dinala sa ospital.
08:38Bumigay din na tumambalang sa kalsada ang covered walkway na nagpaprotekta sa mga pedestrians at sasakyan mula sa mga debris
08:45na construction site.
08:47Ang mga tauha na meralco nagpunta rin sa site para ayusin ang mga lumundong kawad ng kuryente.
08:52Ayon sa sidewalk vendor na nakasaksi sa lugar, nakarinig siya ng malakas na pagbagsak at kasunod nito
08:57na balot ng alikabok ang paligid.
09:01Pansamantala munang ipinatigil ng Manila Building Office ang construction ng kondominium kasunod ng insidente.
09:07Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang safety officer ng construction site.
09:11Patuloy pa ang isinasagawang ebisigasyon ng mga otoridad at sa ngayon,
09:14nasa kustudiyan na ng MPD Station 11 ang crane operator ng construction site.
09:20Mel, sa ngayon ay isinara muna sa mga motorista itong bahagi ng F Torres Street
09:25habang kiniklear pa mula sa construction debris itong kalsada.
09:29Mel?
09:30Bon, bigyan mo nga kami na idea sa lokasyon ng kondominium na yan.
09:35Ano ba yung mga kilalang lugar na nasa palibot niyang ginagawang kondo?
09:41Bon?
09:43Mel, ito ay katabi lamang ng Chinatown at malapit din ito sa Recpa Avenue.
09:48Mel?
09:49Maraming salamat sa iyo.
09:51Bon Aquino.
09:53Pumahabol maging chance passenger ngayon ang maraming pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
10:00Live mula roon, nakatutok si Oscar Hoyla.
10:03Oscar, may sapat na bus ba para sa kanila?
10:07Yes.
10:09Yes, Emil, may sapat naman daw ang bus ayon yan sa pamunuan ng PITX.
10:15Pero padami ng padami ang mga pasahero dito.
10:18Sa katunayan, may mga lugar dito na sa sobrang siksikan, e, birubiruan nga.
10:22E, halos magkapalitan na rin ang muka ang mga biyahero.
10:26Ang sitwasyong niyan, inaasahan na magpapatuloy hanggang mamayang madaling araw.
10:30Emil?
10:35Ngayong araw pa lang, nakikipagsapala na na makabili lang ng tiket ng bus dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o
10:42PITX.
10:43Ang nakausap kong pasahero na sinicol.
10:45Gusto yung mando ko sinyang maunang umuwi noong weekend para hassle-free ang biyahe pa uwi sa kanilang probinsya sa
10:52Santa Cruz, Laguna.
10:54E, may trabaho pa siya.
10:55Sayang naman po kasi yung sweldo ngayon, kaya kumasok na lang po ako.
11:01Inaasahan na rao ng pamunuan ng PITX na ngayong araw darag sa ang pinakamalaking bilang ng pasahero.
11:08Posible nga rao na mahigitan ang bilang na naitalano noong karang taon na lumagpas ng 200,000 na biyahero.
11:15Napakataas ng presyo ng produktong petrolyo.
11:19Nakikita natin na yung mga dating motorista na nagdadala ng kanikan lang mga pribado sa sakyan patungo sa mga probinsya.
11:24E ngayon, nagpublic transport na o nagbubus na.
11:27May sapat naman daw na bus na masasakyan ngayong araw.
11:31In the last few days, marami ng special permit din na na-issue no.
11:34In the past few days, nagsabi na ilan sa ating mga operators na magbabawa sila ng mga biyahe.
11:39Pero thankfully, tumalima rin naman at sumunod yung mga transport operators natin na magpadala pa rin sila na kanilang mga
11:45units dito.
11:46Kaugnay naman na mga napaulat na iligal na pagtaas ng presyo ng pamasahe ng ilang bus company nitong mga nakalang
11:52araw.
11:53Ayon sa PITX, naibalik na raw ito sa dating presyo.
12:03Sa buong maghapon, sunod-sunod na nag-inspeksyon sa PITX ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno para tiyaking nasa ayos
12:12ang operasyon at siguridad sa terminal.
12:14Kabilang dyan ang National Capital Region Police Office o NCRPO, Office for Transport Security o OTS, at ang Bureau of
12:23Fire Protection.
12:23May nasita kami dahil nga nakatali ng alambre and it took him 8 seconds para matanggal yung alambre and it's
12:33supposed to be.
12:33Dapat madali yung mga maugot dahil 8 seconds tapos merong nasusunod sa loob ng bank.
12:40That's a long, long time.
12:42Ang dinadrive mo rito, hindi lang buhay mo. You're carrying and protecting the safety ng mga pasahero mo and malaking
12:51obligation yun.
12:57Samantala, Emil, so 6 p.m. ayon sa pamunuan ng PITX ay umabot na sa 157,000 ang bilang ng
13:05mga pasahero dito.
13:07Emil?
13:07Oscar, noong isang linggo pa lamang tinayak na ng PITX.
13:11Nasa po, asapat, itong mga bus.
13:13Pero yung mga ngayon pa lamang napupunta riyan para sa kapakanahan ng ating mga kapuso,
13:18may makukuha ba silang agad na biyahe?
13:24Emil, yung sinasabing may sapat na pasahero,
13:27ang pinagbabasihan niya ng PITX, palagay ko,
13:31ay yung kanilang tinatayang bilang na posibleng umabot sa mahigit 200,000 pasahero.
13:38Pero kung pagbabasihan natin yung mga trend nito manakarang araw,
13:42bawat araw inalalagpasan nito yung mga expectation.
13:45Kaya paulit-ulit na sinasabi ng pamunuan ng PITX sa mga tao na kung maaari ay magsadya na dito ng
13:52maaga
13:52para makatiyak, no?
13:54Mas makatiyak na may makukuha silang mga ticket o may masasak yung bus.
13:58Pero as of the moment, gaya na nasabi ng pamunuan ng PITX,
14:02mayroong mga bus pa rin available hanggang sa mga sandaling ito.
14:06Emil?
14:06Maraming salamat, Oscar Oida.
14:10Sa gitna ng kakapusan sa supply ng LPG,
14:13tumaas ng hanggang P36 pesos per kilo ang presyo ng LPG ngayong unang araw ng Abril.
14:20May paparating namang milyong-milyong tonelada ng LPG para madagdagan ang supply,
14:24pero hanggang kailan kaya ito magtatagal?
14:27Nakatutok si Maki Pulido.
14:32Sa Houston, Texas pa, binili ang 44 million metric tons ng LPG na parating sa Pilipinas
14:38mula May 15 hanggang June 1.
14:41Katumbas yan ang 20 araw na supply para dumami ang inventaryo ng LPG sa 60 araw
14:47o hanggang katapusan ng Mayo mula sa dating pang-40 araw lang.
14:51Parating bagay yun. If you compare ourselves with India sa ngayon,
14:55hanggang ngayon wala silang product.
14:58Pero mahal na ang bili nila kaya itinaas na rin ang presyo nila ng P17 to P36 pesos kada kilo.
15:04Ngayong araw pa lang, aabot na sa halos P1,500 pesos ang kada 11 kilo na tangke ng LPG.
15:11Utay-utay pa ang price high kaya may kasunod pa sa mga susunod na linggo.
15:16Para iwas hoarding, mismo mga nagbebenta na ng LPG ang nagbabantay
15:20kung sosobra sa karaniwan ang binibili o pinaparefill na LPG tanks sa mga customer.
15:25Alam namin ang volume requirement lang po nila.
15:29Pagka nakita po namin tubaas ang kanilang demand or yung kanilang request for product,
15:35kinokontrol po namin dahil alam namin itatago lang po nila yun.
15:38Ayon pa kay Arnold T., presidente ng Regasco at founder ng LPG Marketeers Association,
15:44government to government procurement ito o Department of Energy ang bumili ng dagdag na supply sa Amerika.
15:49May mga LPG supply din anyang maaring bilhin ng DOE mula Mexico at Canada.
15:55Kami pa rin po magbebenta pero at least the product is provided by the government.
16:01We will be paying the government based on the cost at kami naman,
16:04we have to sell it to the public based on the cost of the government plus a little margin.
16:10Kahit mga LPG retailer tulad ni Maribeth, pinapayuhan ang mga customer niyang magtipid sa LPG.
16:17Konting pagtitipid po sa pagdating po sa pagluluto,
16:21magluto na po ng hanggang ano, halimbawa nagsasain ka po ng kanin,
16:27yung hanggang maghapon yun na po.
16:29Pero imbes na magluto, mas tipid para sa taxi driver na si Francisco
16:33kung o-order na lang sa karinderia ng kalahating ulam at isang order ng kanin.
16:38Lulutuin mo, syempre idadaan sa LPG talaga.
16:41Kaya po, kumakain na lang kami sa labas para medyo makatipid.
16:47Sabi ni Marilu na may-ari ng karinderia, hindi sila kumikita sa mga kalahating order.
16:52Lalo't nagmahal din ang mga sangkap ng ulam at bigas.
16:55Para makatipid sa LPG, naggagatong na lang siya.
17:17Pati supply ng diesel at gasolina, binabantayan kaya hinigpitang na rin ang Department of Energy.
17:23Sa inisyo nitong operating guidelines para pigilan ng hoarding,
17:27sinabing maaaring pansamantalang limitahan ang dami ng binibiling petrolyo kung kailangan.
17:32Hihigpitan din ang regulasyon sa paggamit ng mga container.
17:35Pero wala pang ibang detalyang ibinigay ang DOE kaugnay nito at kung kailan nito ipatutupad.
17:41Muli raw bubuoyin ang DOE-DOJ Task Force para mag-imbestiga at mag-high ng reklamo
17:47kaugnay sa mga matatanggap na report ng hoarding.
17:50Mackie Pulido Nakatuto 24 Oras
17:53Dumako naman tayo sa Batangas Port kung saan marami ang nanibago sa bagong sistema ng pagkuhan ng biyahe.
18:01Mula roon nakatutok live si Pam Alegre.
18:05Ma'am, hanggang anong oras inaasahan ang dagsa ng mga pasahero dyan?
18:10Ma'am?
18:14Merkoles Santo, pinagandaan nga yan ng pamunuan ng Batangas Port na dadagsa yung mga pasahero dito.
18:21Pero sa latest estimate nila as of this afternoon, 15,000 lamang yung foot traffic kumpara sa mahigit 29,000
18:28noong nakaraang taon.
18:34Unbothered fashionista ang peg ni Tina Gregorio sa Batangas Port habang inihintay ang biyahe niya pa o Jongan Romblon.
18:40Nakabili siya ng ticket online in advance.
18:43Okay lang po kasi ngayon kasi nakapagbook na po kami kaagad.
18:46So wala pong hassle.
18:50Pero palagay ko ang dami pong nakapila dun sa labas na wala pang ticket pa.
18:54Pero kapag pasahero lang na walang dalang sasakyan at wala pang online ticket tulad ni April Garga,
19:00kailangan ng pass mula sa Online Registration Assistance System o ORAS.
19:0426 years siyang nagtrabaho sa Korea at ngayon lang magbabalik bayan.
19:08Reunion nilang magkakapatid sa Burakay at kahit nagmahal lang pamasahe,
19:12wala raw kapalit ang ORAS para sa pamilya.
19:15Sabi ng kapatid ko, ate ka mag-reunion tayo sa ano, nito nga, 60 years old na kasi.
19:22Kasi pagdating kasi sa mga birthday, siyempre lagi ako wala.
19:27Ito yung mga help desk para dito sa mga kailangan ng tulong sa ORAS past.
19:31Yung mga walang internet access o kaya yung nahihirapan sa teknolohiya.
19:35Kukunan lang sila ng valid ID o kaya ng kanilang larawan, pipili ng biyahe na gusto nila.
19:40And pag nabigay niya yung QR code, pipilan na sila sa ticketing office, mabilis lang at sigurado na ang biyahe.
19:48Si Engineer Anita Irigan natuwa saan niya yung mas mabilis na sistema ng pagkuhan ng biyahe.
19:53Kaagad kami nakakuha ng pass para sa ticket.
19:58Ano na pahiningi sa inyo pa?
19:59ID. Ito ID.
20:01Mabilis naman, basta senior citizen.
20:04Ang pasahero namang si Arlene Gado, hindi pa gamay ang panibagong sistema.
20:08Para sa akin hassle lang. Parang hassle.
20:11Kasi ano po, yung ano namin, 10 anong oras na, 9.45 tapos may pila po ulit dito.
20:18Quiet and peaceful ang Batangas Port buong Mierkoles Santo.
20:22Nagkaroon lang ng isang biyahe na kailangan palitan ng barko, pero hindi naman na-delay ang mga pasahero.
20:27Nanatiling mahipit ang seguridad at may mga nakadeploy na mga canine units sa buong pantalan.
20:31So far, compared din ulit sa last year, maluwag pa rin nating masasabi.
20:38Lagi kong sinasabi, hindi pa rin tayo pwedeng mga pante kasi baka mamaya, mamaya pa rin dumagsa hanggang bukas.
20:45Latest sa pasahero, pumalo tayo ng 77,000 as of kaninang 12 noon.
20:54Mas mababa compared last year.
20:56Nag-start tayo ng Saturday, March 28, hanggang kanina.
21:05Mal, patuloy yung pagdating ng mga pasahero at round o'clock naman ang serbisyo ng mga helpdesk.
21:11Live mula rito sa Batangas Port, Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
21:15Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
21:18Babala mga kapuso, ang susunod naming ibabalita ay nagtatalakay ng sensitibong paksa.
21:24Dakil hindi na masikmura ng isang grade 6 pupil ang mga umunay kaso ng rape na talamak sa kanilang lugar.
21:30Kay Pangulong Bongbong Marcos na siya nagsumbong sa pumagitan ng isang sulat.
21:35Kabilang umano sa mga biktima ang nakatatanda niyang kapatid na may kapansanan pa.
21:40Ang tugon ng Pangulo sa aking pagtutok.
21:46Sa mismong seremonya nang matapos niya ang grade 6 level kung saan number 1 sa klase,
21:53inihayag ng labing isang taong gulang na si Mau ang pagkabahala sa mga kaso ng rape sa kanilang lugar.
22:00Tandang-tandayan ni Camille Dowling, ang direkto ng ampunan kung saan na rin nag-aral si Mau.
22:06She gave a speech. She was the speaker kasi first in her class.
22:11She said to the people, I would like to ask for your permission.
22:15Meron kaming petisyon na ni-sign yun mga nandun na 200 people.
22:21I-sasubmit ko po to some munisipyo.
22:24Maglalakad po ako ng 14 kilometers. I'd like to ask for your permission.
22:27And then what she did was she walked out with a sign that said,
22:31I just want to go to school and not be raped.
22:33Pero ang panawagan hindi lang umabot sa munisipyo,
22:36kundi hanggang sa Malacanang.
22:39Magaanin mataong gulang palang si Mau ng kupkupina ng mga Christian missionary
22:43sa bahay ampunang ito sa Tinambak, Camarinasur.
22:47Kasama niya sa shelter, ang ating may intellectual disability at inang kusinera sa ampunan.
22:53Dito na rin naging aktibo sa kawang gawa si Mau at naging mulat sa lipunan.
22:57Hanggang maisip na sulatan mismo si Pangulong Bongbong Marcos
23:01para idulog ang pang-aabuso sa mga kabataan sa lugar
23:04kabilang ang pagkakasaan niya sa ating may kapansanan.
23:08This was their idea.
23:09So I think napagod lang po talaga yung mga children
23:12and they wanted to stand up for yung kanilang mission.
23:16I am not surprised sa kanyang love and bravery.
23:21We're very proud of who she is.
23:23Sa impormasyong nakalap ng GMA News,
23:26mula sa isang nakakaalam ng kaso,
23:28dalawang beses ginakasa ang ate ni Mau.
23:57Nabuntis ang biktima
23:58at pinilit ng suspect na ipalaglag ang nasa sinapupunan.
24:02They kidnapped her through one of the tauhans
24:05and they took her from Tinambak to Montalban
24:10kung saan pinaras pa yung child.
24:13Ang suspect,
24:15anak ng isang barangay kagawad sa kanilang lugar
24:17na nakakulong na ngayon.
24:19A case has been filed against the rapist
24:21but the kidnapping has not been filed.
24:24Ayon pa sa impormante,
24:26hinahanap din ang isa pang anak ng kagawad
24:28na gumahasa naman sa isa pang dalagang taga roon.
24:31The elder son of the kagawad raped another girl in 2018.
24:35The kagawad, he has these sons.
24:37Two of them have raped children in our community.
24:40Sa tugon ni Pangulong Bombong Marcos sa liham ni Mau,
24:43sinabi niyang nagalit siya sa mga ikinikwento ni Mau.
24:46Tiniyak din ang Pangulo ang kaligtasan ni Mau at mga kapatid nito
24:49at ang pagkahanap sa mga gumawa ng masama sa kanila.
24:53Nangako din ang tulong ang Pangulo kay Mau at sa kanyang mga kapatid.
24:57Si PNP Chief Jose Melencio Nartates naman.
25:01Iniutos ang pagsisiyasat sa kaso.
25:03I have already directed the concern units,
25:07particularly RD of PRO5, RD of NCRPO, RD of 4A,
25:13DCIDG as well as the district director of QCPD.
25:18As of now, for your information, a case had been filed already.
25:22As to the case of abortion in Montalban,
25:26we are looking after this person.
25:31Anong personality noon or sino yung abortionist doon?
25:35Lumuhas ng Metro Manila si Mau,
25:37kasama ang mga taga-redeemer homeless mission
25:39na kumukup-kup sa kanya
25:41para tumanggap ng konting tulong sa DSWD.
25:44Mag-i-extend rin tayo ng financial assistance doon
25:46sa mga families na, you know, very peculiar yung story eh.
25:50Yung families because of poverty,
25:52napipilitan sila na makitulog doon sa shelter.
25:57Kasi yung mga bahay nila either nasira ng calamity
26:00or wala talaga silang pitirahan.
26:01Ngayong umaga, umuwi na sila ng Bicol,
26:04masaya kakit pa paano,
26:06na naiparating ng direkta ang hinaing
26:07sa mga opisyal ng gobyerno.
26:09Ang hangad po talaga ni Mau is
26:11maging curious po tayo sa ating sistema.
26:15Ang nangyayari yung politika,
26:17sumisingit sa pag-aalaga,
26:20totoong pag-aalaga ng ating komunidad.
26:23Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.

Recommended