Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy na nadaragdagan ang mga kumpirmadong kaso ng MPACs sa bansa.
00:04At sa gitna po niyan, may mga LGU na naghikpit na sa pagsusot ng face mask.
00:10Saksi, si Femarine Lumabo ng JMA Regional TV.
00:16Mas nag-iingat ngayon ng mga taga-Iloilo, kasunod ang naitalang kaso ng MPACs sa kanilang probinsya.
00:22Ayon sa Iloilo Provincial Health Office, walang travel history ang pasyente.
00:26Currently, on home isolation, ang mga close contact si me, naka-isolate man, pag-based sa aton monitoring, wala sa liha po nakitaan sa mga sintomas sa MPACs.
00:38Bago yan, isang kaso rin ng MPACs ang naitala sa Iloilo City. Patuloy naman ang monitoring sa apat na suspected.
00:46Sa Talisay City sa Cebu, isang kaso ng MPACs na ang kumpirmado.
00:49Ayon sa kanilang alkalde, nasa early 20s ang lalaking tinamaan ng sakit na na-hospital noong unang linggo ng Mayo, matapos makitaan ng sintomas kaya ipinasuri.
01:00Agad siyang sumailalim sa quarantine hanggang sa nasawin noong linggo.
01:04Pero paglilinaw ng alkalde, hindi MPACs, kundi comorbidity ang ikinasawin ng pasyente.
01:11We have an MPACs case, but the death of that patient was not because of MPACs. That is what I wanted to clarify as to not cause panic to our constituents.
01:22May kumpirmado na rin kaso ng MPACs sa Davao de Oro, naitala ito sa bayan ng Mako. Fully recovered din na ang pasyente, pero may isa pang suspected case roon.
01:31Sa Zamboanga City, umakyat na sa lima ang suspected na kaso ng MPACs.
01:36Ayon sa Zamboanga City Health Office, is nailalim na sila sa investigasyon at hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.
01:43Dahil sa tumataas na kaso ng MPACs sa bansa, mas mahigpit ang pag-iingat sa iba't ibang lugar.
01:49Sa Davao del Sur, kung saan isang kumpirmadong kaso ng MPACs na ang naitala, ipinag-utosan ng gobernador ang mandatory na pagsusuot ng face mask.
01:59Pinaalalahanan din ang mga residente na mag-social distancing at palaging maghugas ng kamay para iwas sakit.
02:06Nagpapatupad na rin ng no face mask, no entry sa mga empleyado ng Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City.
02:13Hindi mandatory ang patakaran para sa mga may transaksyon sa Barangay Hall, pero may ipinamimigay silang libring face mask para sa mga pupunta roon.
02:23Para sa GME Integrated News, ako si Femery, dumabok ng GME Regional TV, ang inyong saksi!
02:31Dalawang trabahador ang patay matapos gumuho ang kisame sa nire-renovate na istruktura sa Pasay City.
02:38At nakitaan po ng iba't ibang paglabag ang ginagawang renovation.
02:42Saksi, si Jomer Apresto.
02:45Oras ang kalaban sa search and rescue operation sa isang lumang water refilling station sa Pasay City.
02:52Nire-renovate ang istruktura nang biglang gumuho ang kisame.
02:56Limang trabahador ang natrap.
02:58Dalawas sa kanila ang patay.
03:00Isang senior citizen na foreman at isang construction worker.
03:03Tatlo ang sugatan.
03:04Si Rosalinda, nagtitinda sa gilid lang ng water refilling station na mahigit isang taon nang hindi nag-ooperate.
03:11At kailan lang sinimulan i-renovate.
03:13Mabuti na lang daw at hindi sila agad nagbukas noong mga oras na nangyari ang insidente.
03:17Kung napaga po kami, talagang dami kami na asawa ko.
03:21Kasi po dyan kami sa bintana, malakas yung impact ng mga bubog.
03:26Kasi umabot pa po dito eh.
03:27Ayon sa mga polis, iligal ang ginagawang renovation.
03:31Wala o manong tamang safety gear ang mga biktima.
03:33Hindi rin daw matibay ang puntasyon.
03:35Wala pong metal escape po.
03:37Hindi na tinukuran lang ng mga kahoy.
03:40Initial investigation po, no building permit po talaga yung ginagawang estruktura.
03:46Kaya po, dun pa lang po mayroon na po silang violation.
03:51Posibleng maharap ang may-ari ng estruktura sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
03:55Sinusubukan namin makuha ang kanyang paning.
03:58Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto, ang inyo.
04:02Saksi!
04:03Bago sa saksi, nagkaroon po ng minor phreatic eruption ang Bulkan Daal, pasado alas 9 ngayong gabi.
04:14Nagtagal ito ng apat na minuto at ayon sa Feebox, pumabot na maging isang libong metro ang taas nang ibilogan itong usok.
04:22Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan at ipinagbabawal ang paglapit o paglipad.
04:28Malapit sa tukto.
04:29Magiging bagong hepe ng PNP si CIDG Chief Major General Nicolás Torre III, na nanguna sa pag-aresto kinadating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apolo Quiboloy.
04:41Bukod po sa kanya, nagtalaga rin ang bagong Solicitor General ang Pangulo.
04:46Saksi, si Ivan Mayrina.
04:48Tensyonado ang mga tagpo ng arestohin noong Marso, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, bago siya madala sa Dahig, Netherlands.
05:04Ang nanguna noon sa operasyon, si Criminal Investigation and Detection o CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
05:14Siya rin ang nanguna sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apolo Quiboloy noong nakarang taon na ilang linggo nagtagal.
05:21Direktor pa siya noon ng Davao Police Regional Office.
05:24Ang dalawang malalaki misyong ito, kabilang daw sa mga naging dahilan sa pagpili kay Torre bilang bagong jepe ng Philippine National Police simula June 2 ayon sa Palacio.
05:35Si Presidente always demands performance. Kahit na ano yung pinagawa sa iyo, you must exhibit some level, high degree level of performance.
05:49But there may be other qualities of General Torre that he might have considered.
05:54Lahat ng promotion reward yan, but most promotions are given on merit. So let us assume that this was given on merit.
06:03Naging jepe ng Quezon City Police District si Torre, hanggang magbitiw siya sa pwesto.
06:08Kasunod niya ng kontrobersyang pinaboran naman niya ang road raid suspect at dating polis na si Wilfredo Gonzales.
06:16Si Torre ang unang graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA na ahawak sa pinakamataas na pwesto sa polisya.
06:24Ngayong araw naman nanumpa bilang bagong Solicitor General si UP College of Law Dean at dating Chief Executive Officer na Pag-ibig Fund, Darlene Berberabe.
06:33Bilang Solicitor General siya ang inaasahang kumatawan sa gobyerno sa mga kasong kinakaharap nito.
06:38Papalitan ni Berberabe si Minardo Guevara matapos tanggapin ng Pangulo ang kanyang courtesy resignation.
06:43Kamakailan naging kontrobersyal si Guevara matapos mag-recuse o tumanggi mag-abugado para sa gobyerno sa habeas corpus petition sa Korte Suprema ng magkakapatid na Duterte matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
06:58Pero ayon kay Executive Secretary Lucas Versamine, posibleng wala itong kinalaman sa desisyon ng Pangulo.
07:03I don't think that that was a factor at all. He and the President had a conversation about this and the President respected his ethical decision to recuse.
07:16Now if there was a reservation about his professionalism at that time, the President could have already removed him.
07:25Binati naman na Gibarang Kapalita si Berberabe na tinawag niyang magiging mahusay na Solicitor General.
07:31Tinanggap din ang Pangulo ang pagbibitiyo ng CHED Chairperson Prospero Devera.
07:35Napapalita ni CHED Commissioner Shirley Agrupiz.
07:38Isang Duterte appointe si Devera na noon pang 2018 hawak ang posisyon.
07:43Maybe the President wanted to give a fresh start to the CHED.
07:48Or maybe there were other reasons.
07:52Hindi natin matidiscount at may factor dyan yung mga intramurals dun sa CHED.
07:57Sa isang pahayag, sinabi ni Devera na tinatanggap niya ang pasya ng Pangulo kasabay ng pagpapasalamat sa pagkakataong maglingkod sa CHED.
08:05Hindi naman tinanggap ng Pangulo ang courtesy resignation ni na Interior Local Government Secretary John Vic Remulia,
08:12Justice Secretary Boing Remulia at Defense Secretary Gibochodoro kaya mananatili sila sa pwesto.
08:18Patuloy namang sinusuri ng Pangulo ang mga naging performance sa iba pang kalihim ng kanyang gabinete.
08:22Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
08:27Iniurong ni Senate President Cheese Escudero sa June 11 ang presentasyong hudyat ng pagsisimula ng mga impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
08:52Saksi, si Maki Pulido.
08:57Nasukat na ng ilang senador ang robe na kanilang gagamitin pag upo bilang Senator Judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:06Una nila itong gagamitin pag nag-convine sila bilang isang impeachment court.
09:10Ito ang session call ng Senado at dito gaganapin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:17Dito rin ginanap ang impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada at ni dating Chief Justice Renato Corona.
09:23Dito sa floor, ito'y pwesto, of course, ang senator judges, pati ng prosecution panel at ang depensa.
09:32Bukas naman ang gallery para sa media pati sa publiko na gustong manood ng impeachment trial.
09:38So, itong setup na ito ay para sa regular session ng Senado.
09:42So, babaguhin pa nila ang pwesto ng mga silya.
09:46Pero sa pwestong ito raw, ilalagay ang witness stand na ginamit ng impeachment ni dating Pangulong Estrada
09:54at ngayon gagamitin muli para sa impeachment ni Vice President Duterte.
09:59Nilabas mula sa Senate Museum ang witness stand na ginamit ng impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000
10:06at ngayon naka-standby sa gilid ng session hall.
10:09Hinandaan na nila itong mga silid na ito.
10:11Isa ito, ang Tolentino Room.
10:14Hinahanda yan either para maging kwarto ng prosekusyon o ng depensa.
10:19Dito sila mag-huddle, dito sila mag-meeting habang isinasagawa ang impeachment trial.
10:24Maliban sa Tolentino, ay ito naman ang Hezen Room.
10:28Pero hindi pa natin alam sa ngayon kung ito ay gagamitin ng prosekusyon o ng depensa.
10:34Katabi ng dalawang kwartong ito, ay ito naman ang multi-purpose room.
10:38So, itong kwartong ito ay gagamitin naman para sa media na magko-cover ng impeachment trial.
10:45Kung titignan ninyo, medyo maluwag ang kwartong ito dahil dito prepuesto ang mga media na magko-cover ng impeachment trial.
10:54Ito ay gagamitin ng mga galing sa TV, ng print, ng radyo at ng online.
11:00Ang mga paghahandang ito nagaganap halos kasabay ng pagdating ni VP Sara sa The Hague Kagabi, Oras sa Pilipinas.
11:06Kasama ang kapatid ni Pangulong Marcos na si Senadora Aimee na isa sa mga uupong Sen. Judges.
11:12Naka-schedule siya makipagkita sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas at sa lunes.
11:18Sa Sabado naman, ang ika-47th birthday ni VP Sara, makikisa siya sa pagtitipon ng mga Pilipino sa The Hague sa mismo harapan ng International Criminal Court.
11:28Ngayong 19th Congress magko-convene bilang impeachment court ang Senado.
11:32Pero sabi ni Sen. Electito Soto, may tanong pa kung maaari bang itawid ang impeachment mula 19th to 20th Congress.
11:38In principle, ayon kay Sen. Wynn Gachalian, pwede naman ito.
11:43In prinsipyo kasi ng Sen. is a continuing body. Kaya merong 12-12.
11:4912 ang incumbent katulad ko, may 12 na bago. So continuing body siya.
11:54So yung principle na yan, tingin ko maa-apply yan sa mga ganitong sitwasyon tulad ng impeachment.
12:02Tingin ni Sen. Joel Villanueva, functional pa rin ang isang impeachment court kahit na magbago ang membro nito.
12:07Pero dahil ngayon lang naman daw itong mangyayari, maaari naman anya itong kwestiyonin ni VP Sara sa Korte Suprema.
12:14I think the SP is looking forward to having a caucus before the opening.
12:19Sumulat naman si Sen. President Jis Escudero sa Kamara para iurong ng House Prosecution Panel ang presentation ng Articles of Impeachment.
12:28Imbes na sa June 2, gagawin na ito sa June 11.
12:31Anin na session day na lang kasi ang natitira bago mag-adjourn ng Kongreso sa June 14.
12:36At may labing dalawa pang prioridad na panukalang kailangan anyang ipasa.
12:40Bukod pa yan sa mahigit dalawanda ang presidential appointee na kailangang dumaan sa Commission on Appointments.
12:47Kinumpirma naman ang Kamara na natanggap nila ang liham.
12:50Ang presentasyon ng Articles of Impeachment ang unang hakbang para simula ng impeachment proceedings sa Senado.
12:55Kaya ayon kay Sen. Secretary Renato Bantug, dahil mauurong ang presentasyon ng Articles of Impeachment,
13:01mauurong din ang pagkukonvene ng impeachment court na dapat sanay sa June 3.
13:05Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
13:11Arestado ang Chinese national na wanted dahil sa pagtangay-umanon ng milyon pisong halaga ng cryptocurrency.
13:18Ang suspect, top executive daw na nagsarampogo sa Makati City.
13:24Saksi si June Veneracion.
13:30Paglabas ng isang five-star hotel sa Makati.
13:32Pinusasan at inaresto ang isang target na Chinese national.
13:36Dahil nga po isang luxury hotel po ito, iniiwasan po na magkaroon ng scandal at the same time po, commotion sa loob.
13:44Ang arestadong Chinese, top executive daw na nagsarampogo sa Makati.
13:49May kinakaharap siyang 18 counts ng qualified theft.
13:51Siya po ay isang finance executive.
13:54So siya po ang nagmamanage ng mga expenses, cash transactions po within and outside po ng company po.
14:00Batay sa impormasyon ng intelligence unit ng Makati Police,
14:04milyong pisong halaga ng cryptocurrency daw ang tinangay ng suspect.
14:08Sabi ng suspect, nagulat siya sa pag-areso sa kanya dahil hindi niya raw alam na may kinakaharap siyang kaso.
14:14Would you like to address the very serious allegations against you?
14:18I think I need to talk to my lawyer and my company first because I'm not sure the situation yet.
14:25Sa barangay San Roque, Antipolo City, nasa kote ng mga operatiba ang isang lalaking tulak o bono ng iligal na droga.
14:33Napagbilhan siya ng siyabo ng isang polis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buy bus.
14:38Ang suspect, isa raw sa mga high value target ayon sa polis siya.
14:41Yung kanyang kumbaga naging amo is arrested and from there nagkaroon ng follow-up operation.
14:50Mabot po ng more or less two weeks since the arrest of his immediate handler.
15:00Then based on the details na pinigay sa ating operatiba, ay natuntun natin itong isa pang high value individuo.
15:08Nakumpis ka sa kanya ang aling na pakete ng umano yung shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 310 grams at nagkakahalaga ng 2.1 milyon pesos.
15:18Sa custodial facility ng Antipolo City Police Community Precinct 2, nakakulong ang suspect.
15:25Sasampahan siya na iklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
15:30Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon ang inyo, Saksi.
15:34Iilan pa lamang sa mga kumandidato sa eleksyon 2025 ang nagpasa ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSI.
15:44Ayon po yan sa COMELEC.
15:47Iyan po ay kahit halos dalawang linggo na lang bago ang deadline nito sa June 11.
15:51Saksi, si Sandra Aguinaldo.
15:53Ngayong tapos ng eleksyon, panahon na ng pagpa-file ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSI na mga kandidato na naluman o natalo.
16:08Sa SOSI ay dinadeklara ang detalya ng pinagkagastusan nila sa eleksyon, ang natanggap nilang donasyon, at maging konsino ang mga donor.
16:16Sa June 11 na ang deadline ng filing ng SOSI, pero ayon sa COMELEC, kakaunti pa lang ang nagsusumite.
16:23Wala pang sampuang nagpapasa ng SOSI, at least dito sa main office ng COMELEC.
16:27Dito kasi sa main office ang tinatanggap natin ay mga posisyon ng senadora at kongresista at party list.
16:35Na una nang sinabi ni COMELEC Chairman George Irwin Garcia na bubusisiin nila ang mga isusumiting SOSI,
16:42gaya halimbawa ng mga kandidatong inendorso ng mga artista at influencer.
16:48Kailangan pasok sa limit sa ilalim ng batas ang gastos ng mga kumandidato.
16:52Sa Republic Act 7166, tatlong piso kada registered voter ang pwedeng gastusin ng tumatakbong senador at party list.
17:025 piso kada butante naman kung walang suporta ng partido ang tumatakbo.
17:09Samantala, naghahanda na ang COMELEC sa parliamentary elections sa Bangsabora Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
17:17Pero nababahala ang komisyon na hanggang ngayon hindi pa malinaw kung ano ang gagawin sa 7 parliamentary seats na nakalaan para sa lalawigan ng Sulu.
17:27Matatanda ang sa desisyon ng Korte Suprema, hindi isinama ang Sunu sa BARM na dapat ay may 7 upuan sa BARM Parliament.
17:36Para maabot ang kabuang 80 seats, kailangan magpasa ng batas ang Bangsabora Transition Authority
17:41para maipapahagi sa mga kasamang lalawigan ang 7 upuan ito.
17:46As far as the COMELEC is concerned, doon na lang po muna kami maghahanda sa 73.
17:51Kasi kung didelay namin yung aming mga preparasyon dahil lang doon sa paghihintay sa 80 seats para po madagdag yung pito,
18:00baka po kasi makulangin kami sa panahon.
18:03Kauglay naman sa barangay ng SK Elections sa Desyembre na nawagan ng COMELEC sa administrasyon na bigyan din ang dagdag na 2,000 pesos ang mga gurong magsisilbi gaya ng natanggap ng mga guru sa nagdaang eleksyon.
18:18Hiningan parami na reaksyon dito ang Malacanang.
18:21Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
18:26Tinalakay sa isang mediation conference kanina sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City
18:32ang posibing settlement sa kasong estafa na inihay na GMA Network laban sa Television and Production Exponents o Tape Incorporated.
18:41Saksi, si Marie Zumali.
18:47Nagharap ngayong tanghali sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City ang mga abugado ng GMA Network Incorporated at Tape Incorporated.
18:54Ipinatawag ang magkabilang kampo para pag-usapan ang posibilidad na settlement sa isinampanang GMA na kasong kriminal na estafa laban sa Tape
19:02dahil sa hindi pag-remit sa network ng haros 38 million pesos na ad revenues na nakalaan na dapat sa GMA sa ilalim ng isang assignment agreement.
19:11We want to collect the amount that was misappropriated, the amount that should have been given to GMA but was not remitted by the officers of Tape.
19:18We have been waiting for the remittance of the ad revenues.
19:22Unfortunately, despite repeated demands, hindi nabigay sa atin yun.
19:28Hindi naman daw ay kinakailan ng Tape Incorporated na may obligasyon pa sila sa GMA.
19:33I think tape naman is not denying that there's a collectibles to them, to the corporation.
19:39Maybe the main contention only is whether it's civil or criminal.
19:42Wala pang napagkasundoan ngayon ng dalawang panig at sa halip ay tinakda ng prosecutor's office na magkita muli sila sa June 11th para malaman kung tatanggapin ng GMA Network Incorporated ang magiging alok ng Tape Incorporated.
19:55We have been saying din naman that management is open to listen and to see what offer they have and if it's reasonable, we can decide on what to do about it.
20:08Under the rules, yung mediation kasi is also dependent on the complainant if they are willing or open for settlement.
20:16So in this particular case kasi maganda na nalaman natin on the part of GMA that they're open for settlement.
20:23Sakaling mabigo ang mediation sa June 11th, tuloy na ang preliminary investigation ng kaso at sa korte na nila pag-uusapan ang merito ng kaso.
20:31Para sa GMA Integrated News, Maris Umali ang inyong Saksi.
Comments

Recommended