Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinawag ni Davao City 1st District Representative Paulo Duterte na panilihis sa ibang issue ang mga impeachment complaint laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
00:11Hawak na ng Office of the Speaker ang tatlong reklamo.
00:15Ating saksihan!
00:19Ngayong nakahaina sa Kamara ang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
00:25at na-transmit na rin sa tanggapan ni House Speaker Bojie D.
00:29Inaasahang may sasalang na ito sa order of business sa plenaryo.
00:33The moment it is done, yung referral to the Justice Committee after matalakay sa Rules Committee,
00:40then pwedeng-pwede na na-irefer sa Justice Committee.
00:45At pang mabangyari yan, considered na nga, deemed initiated na yan for purposes of the one-year bar rule.
00:51Pero sa gitna ng usaping impeachment laban sa Vice Presidente,
00:56may pahihwating ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Representative Paulo Duterte
01:01na tila panlilihis daw ito ng issue.
01:05Tanong ng kongresista, nakalimutan na raw ba ang trilyong pisong anomalya sa flood control
01:10o sadyang pinalilimutang issue?
01:12Noong una raw may mga investigasyon ng Independent Commission on Infrastructure o ICI,
01:18pati ang Senate Blue Ribbon Committee.
01:19Pero bigla na lang daw na wala na parang bula.
01:23Sa halip, naggaroon ang tinawag niyang carefully timed impeachment spectacle,
01:28ang sagutan ng Senado at ang Chinese Embassy kaugnay sa West Philippine Sea.
01:33At bigla daw lumabas ang isang dating House Speaker
01:35sa saktong oras na may inihain impeachment complaint sa Kamara.
01:40Halata daw na ito ay panlilihis.
01:42Si Vice President Duterte naman tinanong kung sa tingin niya ay may kinalaman ng impeachment
01:47laban sa kanya sa umugong na term-sharing umano sa Senate Presidency
01:52sa pagitan ng kasalukuyang Senate President Tito Soto
01:55at ang balak daw nilang ilukluk sa hinaharap na si Senador Loren Legarda.
02:01Nabuo ito ngayong posibleng umabot sa paglilitig sa Senado
02:05ang impeachment complaint ni Duterte.
02:08Nilinaw ng bise na wala siyang kinalaman dito.
02:11Mula naman akong nakakausap na Senador sa term-sharing.
02:19In fact, hindi ko na nga kinakausap yung mga Senators
02:22kasi napapansin ko kapag merong kumakausap sa akin
02:28o tumutulong sa akin o kahit man lang nangangamusta sa akin
02:32ay binabanatan ng administrasyon.
02:35Pinafailan ang kaso, tinitreten, hinaharas.
02:39So ang nangyayari sa akin ngayon ay hindi ako makikipag-usap sa mga tao
02:46para nalang maiwas sila sa init ng ulo ng administrasyon.
02:54Ganun din sa mga Senators.
02:56Para sa GMA Integrated News,
02:58sino gasto ng inyong saksi?
Comments

Recommended