Skip to playerSkip to main content
  • 14 hours ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inihain sa camera ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:05Saksi si Chino Gaston.
00:10Mga pare, madre at grupo ng mga abogado ang tumayong komplainan sa pangatlong impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
00:20Isa rin sila sa mga grupong naghain ng impeachment complaint laban kay Duterte noong December 2024,
00:25pero na-archive ang kanilang reklamo nang maghain ng sariling complaint ang one-third ng kabuang miyembro ng Kamara noong Pebrero ng nakaraang taon.
00:34Pareho pa rin ang grounds for impeachment na isinusulong nila laban sa Vice,
00:39culpable violations of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, and other high crimes.
00:45Nakabase umano ito sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 at 2023
00:53at Department of Education noong 2023.
00:56Umanoy panunuhol sa mga opisyal ng DepEd pagkontrata sa isang gunman para umano'y ipapatay ang Pangulo,
01:03First Lady at dating House Speaker,
01:05hindi pagdeklara ng lahat ng kanyang mga ari-arian sa kanyang salin
01:09at pagsusulong ng political disabilization at sedisyon.
01:14Kasama sa mga ebidensya ng reklamong ito,
01:16ang testimonya ng mga tauha ng OVP at DepEd sa mga nagdaang house hearing,
01:22gayon din ang affidavit ng umano'y badman ng si Ramil Madriaga.
01:26Inihambing ng grupo ang pananagutan ni Duterte sa kaso ng isang public school principal
01:31na nahatulang makulong ng labing isang taon dahil sa pagnanakaw ng 5,000 piso.
01:37Can we give a free pass to the Vice President for stealing not one, not two, but 612,500,000 pesos?
01:53Do we give the Vice President a free pass just because she has a famous family name?
02:01How do we talk to our kids?
02:03We can send somebody for pocketing 5,000 pesos to jail for 11 years.
02:10We are saying to our kids, to our children, it's not right to steal, it's not right to lie, mag-nakaw at mag-sinungaling.
02:24Si Mamamayang Liberal Partylist Representative Laila Dilima ang nag-endorso ng reklamong ito.
02:29Ayon kay Dilima, lumapit sa kanya ang grupo kamakailan para hilingin na i-endorso niya ang impeachment complaint.
02:36Kasama rin si Dilima sa mga nag-endorso ng ikalawang impeachment complaint na inihain naman ng iba't-ibang civil groups.
02:43Ang mga grounds po hindi po nalalayo doon sa mga grounds na sinabi doon sa second complaint.
02:51Hindi din po ito numalayo o nalalayo doon sa pinakamismong grounds ginamit ng more than one-third of the House of Representatives last year
03:02in endorsing and transmitting article, in adopting articles of impeachment and transmitting the same to the Senate.
03:13Mas na-improve pa nga po. It's an improved version actually if I must say.
03:17Inaasahan naman na raw ng kampo ni Vice President Duterte ang paghahain ng panibagong reklamo na ito.
03:24Wala na rin daw silang maidadagdag sa komentong inilabas nila noong nakaraang linggo.
03:29Pero patuloy ang kanilang pagmomonitor sa development ng mga reklamo at sasagot sa pamamagitan ng angkop na proseso.
03:37Ang naunang dalawang impeachment complaint laban kay Duterte na itransmit na sa tanggapan ni House Speaker Bojidi.
03:44Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston ng inyong saksi.
03:50Tumagi si dating Sen. Bong Revilla na maghahain ng plea sa kasong graft kaugnay sa umunay ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
03:59Dahil po dyan, ang Sandigan Bayan 4th Division ang nagpasok ng not guilty plea para kay Revilla.
04:04Hindi naman ulit natuloy ang arraignment para sa kasong malversation matapos siyang maghahain ng motion to inhibit.
04:10Kiniling niyang huwag umupo si Sandigan Bayan 3rd Division Chairperson Carl Miranda bilang mahistadong didinig sa kaso.
04:18Sa unang pagdinig noong January 20, sinabi na ni Justice Miranda na kapatid niya ang abogado ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
04:27nang humarap ito sa Senate Blue Ribbon Committee at idinawit sa flood control kickback si Revilla.
04:32Inamin din niya noon na kaibigan niya si Atty. Mon Esguera, isa sa mga abogado ni Revilla.
04:40Git ni Justice Miranda, isinasabuhay niya ang core values ng Sandigan Bayan na katapatan at integridad.
04:48Tinawag naman ang prosekusyon na delaying tactic ang hakbang.
04:51Si former Sen. Ramon Bongribilla ay ginagamit niya lang ang mga remedies na available para sa isang akusado.
05:00First statement.
05:04I love you all.
05:08Bestado ang modus na isang lalaki na nagpapanggap uminong pari para makahingi ng donasyon online.
05:14Saksi si John Consulta.
05:16Di na nakapalag ang lalaking ito ng mga corner ng mga tauha ng NBI Naga sa tindahang ito sa Camarinesur.
05:26Arestado ang suspect matapos mahuling nagpapaincash ng perang ipinadala sa kanya ng kanyang mga niloko.
05:32Ang modus daw ng suspect na nagsimula pa noong Agosto ng nakaraang taon magpanggap online bilang isang pari sa Bicol
05:39gamit ang litrato ng isang tunay na pari para mas maging epektibo ang kanyang pangihingi ng pera.
05:45Yung Facebook account na yun ay ginagamit para manghingi ng donasyon at charitable contributions para sa simbahan.
05:53When that parish priest saw the Facebook account, sinabi niya hindi ka niya.
05:58Nagpapakita at nagpapadala siya ng mga pictures, ng mga activities in the parish.
06:04Kung kaya naman na makita ang mga pictures na ito talagang naging kapanipaniwala.
06:09Kompiskado ang perang inincash ng suspect mula sa pinagpadalahang e-wallet ng isang donor.
06:13Kuhuha rin ang mismong cellphone na ginamit niya sa panuloko.
06:17Ang cellphone na ito ay ipa-examine natin bagamat mag-a-apply muna tayo ng warrant to examine computer data.
06:23Ang kasong i-finile natin sa kanya, staffa para doon sa kanyang mga naging biktima hiningan niya ng pera.
06:30At identity theft under Republic Act 10175.
06:34Wala pang pahayag ang suspect na nakakulong na sa NBI Naga.
06:38Inaanin niya ng NBI na magtungo ang mga posibleng naging biktima ng suspect na kanilang ingresto sa kanilang mga tanggapan para makapaghain ng karagdagang reklamo.
06:48Para sa GMA Integrated News, John Consulta ang inyong saksi.
06:53Naitala ang pinakamalaking paglabas ng ozon o pyroclastic density current sa Bulcang Mayon, Pasadolas 10.30 kanina umaga.
07:02At sa FIVOX, umabot niya ng hanggang 4 na kilometro.
07:06At nagbuga rin ito ng ash pool na may taas na magigit 2 kilometro.
07:11Kabilang po sa mga nakaranas ng ashfall ay ang mga bayan ng kamalig at ginubatan sa Albay.
07:16Sa balot ng abok ang ilang tanim.
07:19Nananatili ang Alert Level 3 sa Bulcang.
07:23Nagkainitahan si Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Alan Peter Cayetano sa plenario ng Senado
07:29kagnis sa resolusyon kumukundi na sa mga pahayag ng mga opisyal ng Chinese Embassy
07:34laban sa mga opisyal at institusyon, ang Pilipinas.
07:39Gusto naman po ng debate ni Sen. Rodante Malcoleta
07:42bago siya kumasa sa alok na sumama sa Maritime Domain Awareness Flight sa Kalayaan Island Group.
07:48Saksi si Ian Cruz.
07:53Matapos umani ng iba't ibang reaksyon, ang pahayag na ito ni Sen. Rodante Marcoleta.
07:58We will offer our lives, including the lives of our children, and to die for it for something that is not even within our EEC.
08:07Ang gawin natin po para madali, i-give up natin yung KIG.
08:11Maimitasyon sa kanya, si PCG spokesman for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela.
08:17Sumamaraw sana ang Senador sa Maritime Domain Awareness o MDA Flight sa Kalayaan Island Group sa Palawan.
08:24I really wanted to bring Sen. Marcoleta and Congressman Marcoleta, the Marcoleta Father and Son Duo,
08:31para malaman nila na sa pag-asa, may mga kamataang Pilipino rito, may komunidad ng mga Pilipino, hindi ito dapat ipamigay.
08:40Kanina, tinanong si Marcoleta kung po sa imbitasyon ni Tariela. Sabi niya,
08:45Bago yun, isabi niyo kay Commodore Tariela kasama si Justice Carpolo.
08:52And, sino ba yung professor sa'yo?
08:56Si Patongbakan.
08:57Kinta-kinta kami kami para sa isang friendly debate.
09:01Bago pa yung pagpunta doon, para sa ganun maayos natin, para sa kapakanan ng atin.
09:06Isa sa nabanggit ni Marcoleta si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio
09:14na dati nang pinuna ang sinabi ni Marcoleta dahil tila inaalingaw-ngaw daw ang posisyon ng China.
09:22Sabi ngayon ni Carpio, tinatanggap niya ang hamon ni Marcoleta.
09:26Ang topics a niya, meron ba talagang West Philippine Sea sa ilalim ng batas?
09:31At kung bahagi ba ng WPS, ang Maritime Features ng Kalayaan Island Group?
09:37Si UP Institute for Maritime Affairs and the Law of the Sea o IMLOS Director J. Batongbacal,
09:44sinabing hindi na dapat pagdebatehan ang sovereignty as sovereign rights ng bansa.
09:50Ang gagawin lang daw nito, ipakita sa mundo na hindi patiak ang soberanya,
09:54karapatan at jurisdiksyon ng Pilipinas dahil mismong mga opisyal ng gobyerno ay pinagde-debatehan pa ito.
10:03Ang sangguniang bayan ng Kalayaan, Palawan, gumagawa ng resolusyon para ipatanggal ang pahayag ni Marcoleta
10:09sa records ng pagdinignang commission on appointments kung saan tinuran ang kontrobersyal na pahayag.
10:16Ayon kay Kalayaan Vice Mayor Pauris Philippe Alexis Albaida, welcome din sa Kalayaan si Marcoleta anumang oras.
10:24Dati nang sinabi ni Marcoleta, wala siyang sinabing ikamigay ng Pilipinas ang KIG
10:29at pinaiksi lang ang konteksto ng kanyang sinabi sa CA.
10:35Ipinaliwanag niya ulit ang kanyang punto ng talakain sa plenaryo ang Senate Resolution 256.
10:40Sumama na nga po yung napakaraming tao na sinasabi ko, Ro, i-give up natin ang KIG.
10:50Mr. President, kahit kailan hindi ko sinabi yun.
10:53Teritoryo na natin yun dahil occupied na po natin yun.
10:57Ngunit ang pinag-uusapan lang po, yung tubig nila hindi natin pwedeng i-connect doon sa ating exclusive economic zone.
11:05Kasalanan po yun.
11:06Sa Resolution 256, kinukondina ang mga pahayag ng Ibahada ng China laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas
11:14at muling iginiitang karapatan ng bansa na ipagtanggol ang soberanya nito alinsunod sa international law.
11:22Nagkain nita ng sponsor nito na sina Sen. Kiko Panglinan at Interpellator na si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
11:30Nagsimula ito ng ungkati ni Cayetano ang karikatsyur ni Chinese President Xi Jinping na inilabas si Tariela.
11:37We cannot pass this resolution saying that Commodore Tariela is correct because he's wrong.
11:43If he just simply stated, I love the Philippines, I will fight for our territory, I'll fight for our sovereignty rights,
11:50I will do my duty but sorry dahil uminit ulo ko, nilabas ko ito pero hindi official yan. Tapos tayo.
11:57We beg to disagree Mr. President that Mr. Commodore Tariela is mistaken.
12:02We would not have put this resolution and authored it if we felt Mr. Tariela is mistaken.
12:06So that's what I want to elicit. So the authors of this resolution is saying,
12:11pwede. So kung ang official ng Presidente is to have certain decorum sa Presidente ng China,
12:18pwede yung isang general hindi sumunod. Ang sa kanya, bastusin natin yung Pangulo ng isang bansa.
12:23Mr. President, that is his interpretation?
12:25No, no, no. Bastus yun.
12:26No, that is your interpretation.
12:27No, no, no. So if I ask them now, Mr. President, we beg to disagree.
12:32Pumabot sa puntong si Ruspindi ang sesyon.
12:34The Department of National Defense has issued a statement condemning China's remarks, Mr. President.
12:42We're not talking about, Mr. President, if you look at the DFA, it was also telling Tariela but not directly.
12:48It says,
12:49It was saying, follow the decorum, Mr. President.
12:51Mr. President, kung ganyan ang stand natin, then my staff now can show a meme of you?
12:58Mr. President?
12:58Mr. President, dito ba sa, let me ask that question.
13:01Mr. President, I am not from China. Why will your staff put a meme towards you?
13:05No, it's not about China. It's about decorum.
13:07You're comparing apples and oranges, Mr. President.
13:10You are simplifying what is complicated.
13:15Buling uminit ang diskusyon ng itanong ni Kayepano kung anong pahayag daw ba ang kanilang pinag-uusapan na paksa ng resolusyon.
13:23Will you supply us or will we annex or add ware asses so that we will see ano ba tong statements na to?
13:32It's specified, the nature of the statements. So a little bit of research. Malalaman mo muna which statements were these because this refers to...
13:41Point of order, Mr. President. Point of order.
13:44What is the point of order?
13:45The statements of Senator Pangilinan. The nature of his statements.
13:49Kayo na mag-research kung ano statement na yun, Mr. President. Sabi niya, pwede daw yun eh.
13:53Mr. President, I'm not yet done.
13:57No, that's why I give you, Mr. President, that's why I gave a point of order.
14:00Members of the Senate. May I just be... I am still speaking, Mr. President.
14:03It's a point of order, Mr. President. A point of order precedes your precedence.
14:06Where is the point of order, Mr. President?
14:07My motion for...
14:09Where is the point of order, Mr. President?
14:10Session suspended.
14:12Habang suspendido ang sesyon, nakitang kinausap si Kayepano,
14:16ni na Senate President Tito Soto at Senate Pro Tempore Ping Lakson.
14:20Pagbalik ng sesyon, napagkasundoan ng mga senador na amyendahan ng resolusyon
14:26at ilagay ang mga pahayag na hinahanap ni Kayepano.
14:30Matapos ang halos atlong oras sa dibate, walang tumutol sa pag-adapt ng resolusyon.
14:35Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
14:40Mga kapuso, asahan po, malalakas na ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa shear line.
14:45Ayon po yan sa pag-aasa.
14:47Hanggang bukas, posibili ang maulang panahon sa Eastern Samar, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran at Cebu.
14:55Maaari pong magdulot ito ng pagbaha, lalo na sa mabababang lugar at sa mga malapit sa ilog.
15:01Posibili rin ang pagguho ng lupa.
15:03Basa sa datos ng Metro Weather, bukas na umaga may pag-ulan na sa ilang bahagi ng Mindoro at Quezon Province,
15:08ilang lugar sa Camarinas Norte at Camarinas Sur, halos buong Visayas at sa Caragar Region bukas ng umaga.
15:17Sa hapon, uulanin na ang halos buong Visayas at Mindanao.
15:21Maaari rin ulanin ang iba pang bahagi ng Mimaropa at Bicol Region.
15:25Sa Metro Manila, may chance rin ng panandalian at kalat-kalat na ulan.
15:29At dahil din sa bugso ng hanging-amihan, magiging maalon at delikadong pumalaot sa halos buong baybayin ng Luzon at Eastern Seaboards ng Visayas.
15:38Dalawa ang patay sa Negros Oriental at sa Katanduanes dahil sa pagbaha nitong weekend.
15:51Saksi, si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
16:08Ganyan kabilis ang agos ng baha sa barangay Mantalongon sa Dalaget, Cebu noong humagupit ang bagyong basyang.
16:20Apektado rin ang mga pananim sa lugar.
16:22Sa barangay El Pardo, sa bayan ng Bulhoon, rumagasa sa mga bahay ang tubig mula sa bukit.
16:45Huli raw itong nangyari nang manalasa ang bagyong Udet noong 2021.
16:51Dalawangpung bahay ang binaha.
16:53Gamay ang ato ang kuan, emburnal muna nga tungod ka kusok sa ulan muna maawas ka dyan.
17:03Nagka-landslide din sa harap ng Bulhoon National High School.
17:07Sa datos ng NDRMC, labindalawa ang patay sa pananalasa ng bagyo.
17:14Bukod sa bagyo, naminsala rin ang shear line na nagpabaha sa ilang bahagi ng Ilo-Ilo at aklan nitong weekend.
17:23Kagabi rin inanod ng baha ang isang lalaki sa Pakuan River sa Himalalud, Negros Oriental.
17:29Pauwi na raw ang biktima ng magpumilit-tumawid sa rumaragasang ilog.
17:34Sa Virac Catanduanes, isang lalaki rin ang natagpo ang patay matapos tangayin ng malakas na agos ng baha kahapon.
17:43Sinubukang tawiri ng biktima ang baha gamit ang kanyang motorsiklo pero nawalan siya ng balanse.
17:50Dead on arrival siya sa ospital.
17:53Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Sereno ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
18:00Mga kapuso, maging una sa saksi.
18:04Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
18:08Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments

Recommended