00:00Inilabas na mula sa Senate Museum ang witness stand na gagamitin para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Pero habang naghahanda ang Senado, nasa Dadaan Island, Sambise, kasama si Senator Aimee Marcos na uupong Senator Judge sa paglilitis.
00:19Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Nasukat na ng ilang mga senador ang robe na kanilang gagamitin pag upo bilang Senator Judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:33Una nila itong gagamitin pag nag-convine sila bilang isang impeachment court.
00:37Ito ang session hall ng Senado at dito gaganapin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:44Dito rin ginanap ang impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada at ni dating Chief Justice Renato Corona.
00:51Dito sa floor, pwepuesto, of course, ang Senator Judges, pati ng prosecution panel at ang depensa.
00:59Bukas naman ang gallery para sa media, pati sa publiko na gustong manood ng impeachment trial.
01:05So, itong setup na ito ay para sa regular session ng Senado.
01:10So, babaguhin pa nila ang pwesto ng mga silya.
01:13Pero sa pwestong ito raw, ilalagay ang witness stand na ginamit ng impeachment ni dating Pangulong Estrada
01:21at ngayon gagamitin muli para sa impeachment ni Vice President Duterte.
01:26Nilabas mula sa Senate Museum ang witness stand na ginamit ng impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000
01:33at ngayon naka-standby sa gilid ng session hall.
01:36Hinandaan na nila itong mga silya na ito, isa ito, ang Tolentino Room.
01:41Hinahanda yan either para maging kwarto ng prosecution o ng depensa.
01:46Dito sila mag-huddle, dito sila mag-meeting habang isinasagawa ang impeachment trial.
01:51Maliban sa Tolentino ay ito naman ang Quezon Room.
01:55Pero hindi pa natin alam sa ngayon kung ito ay gagamitin ng prosecution o ng depensa.
02:01Katabi ng dalawang kwartong ito ay ito naman ang multi-purpose room.
02:05So, itong kwartong ito ay gagamitin naman para sa media na magko-cover ng impeachment trial.
02:13Kung titignan ninyo, medyo maluwag ang kwartong ito dahil dito,
02:17pwepuesto, ang mga media na magko-cover ng impeachment trial.
02:21Ito ay gagamitin ng mga galing sa TV, ng print, ng radyo at ng online.
02:27Ang mga paghahandang ito nagaganap halos kasabay ng pagdating ni VP Sara sa The Hague kagabi oras sa Pilipinas.
02:33Kasama ang kapatid ni Pangulong Marcos na si Senadora Aimee na isa sa mga uupong Senator Judges.
02:39Nakaschedule siya makipagkita sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas at sa lunes.
02:45Sa Sabado naman, ang ika-47th birthday ni VP Sara,
02:48makikisa siya sa pagtitipon ng mga Pilipino sa The Hague sa mismo harapan ng International Criminal Court.
02:54Ngayong 19th Congress magko-convene bilang impeachment court ang Senado.
02:59Pero sabi ni Senator-elect Tito Soto,
03:01may tanong pa kung maaari bang itawid ang impeachment mula 19th to 20th Congress.
03:06In principle, ayon kay Senator Wind Gatchalian, pwede naman ito.
03:10Yung prinsipyo kasi ng Senate is a continuing body, kaya merong 12-12.
03:1612, ang incumbent katulad ko, may 12 na bago.
03:19So, continuing body siya.
03:21So, yung principle na yan,
03:23tingin ko maa-apply yan sa mga ganitong sitwasyon tulad ng impeachment.
03:29Tingin ni Senator Joel Villanueva,
03:31functional pa rin ang isang impeachment court kahit na magbago ang membro nito.
03:34Pero dahil ngayon lang naman daw itong mangyayari,
03:37maaari naman anya itong kwestiyonin ni VP Sara sa Korte Suprema.
03:41Dagdag niya, sa June 2 o sa June 3,
03:43maaaring pag-usapan ng mga senador ang isyong ito.
03:46I think the ESP is looking forward to having a caucus before the opening.
03:51Para sa GMA Integrated News,
03:53Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
03:56Sous-titrage ST' 501