00:00Nananawagan ang ilang grupo sa Ombudsman na imbestigahan ang paggamit sa milyong-milyong pisong confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
00:09Tiniyak naman ang Ombudsman na inuungkat na nila ito at nakatutok si Salima Refran.
00:18Hinimok ng Grupong Akbayan at Kowalisyong Tindig Pilipinas ang Office of the Ombudsman na imbestigahan na
00:25ang kontrobersyal na paggamit ni Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential at intelligence funds.
00:32Nananawagan ko kami sa Ombudsman na seryosohin po yung mga kaso laban kay BP Sara Duterte
00:38imbestigahan yung Articles of Impeachment dahil hindi nga naganap yung inaasahan po nating trial sa Senado.
00:44Ilang miyembro ng Tindig Pilipinas ang nagsilbing citizen complainant sa isa sa mga impeachment complaint noon laban sa visa sa Kamara.
00:51Hindi na dininig ng Senado ang nakarating sa kanilang Articles of Impeachment dahil sa puna ng Korte Suprema
00:57na nilabag nito ang utos ng Konstitusyon na isang impeachment complaint lang ang maaaring pagulungin laban sa isang tao sa loob ng isang taon.
01:07Sa Pebrero pa maaaring sampahan ng impeachment complaint ang visa.
01:11Base sa decision ng Supreme Court, ang sinabi naman nila, hindi naman mali yung laman ng impeachment complaint,
01:19mali lang daw yung pamamaraan kung paano ito naiakyat.
01:21Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia, maaaring nilang magamit ang mga nabanggit sa impeachment complaint.
01:28We can use that information. It's a guide for us to evaluate issues properly.
01:33Babalitaan namin kayo kung ano naging aksyon ng aking opisina.
01:37Tungkol dito, malamang naman yan, fact-finding yan eh.
01:40Hunyo nang irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability
01:45sa Office of the Ombudsman na sampahan din ng reklamong kriminal, sibil at administrativo ang visa.
01:51Base sa investigasyon ng kumite, mahigit kalahating bilyon o 612 million pesos na confidential funds
01:58ang na-disperse sa pamumuno ni Duterte sa Office of the Vice President at Department of Education.
02:05Binubusisiin na yan ng Office of the Ombudsman.
02:08Ang impeachable officer pwede maharap sa kaso, kaya lang, hindi wala sa poder, wala sa kapangyarihan ng ombudsman na alisin sila sa opisina.
02:20Impeachable officer yan eh. Kaya impeachment pa rin ang proseso kung nais natin silang mawala sa opisina.
02:27Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni VP Sara Duterte.
02:33Para sa GMA Integrated News, Sanima Rafra, nakatutok 24 oras.
Comments