Skip to playerSkip to main content
Ibinigay na ng Judicial and Bar Council sa Malacañang ang listahan ng mga puwedeng pagpilian ni Pangulong Bongbong Marcos para italaga bilang susunod na Ombudsman. Kabilang sa inirekomenda si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinigay na ng Judicial and Bar Council sa Malacanang
00:04ang listahan ng mga pwedeng pagpilian ni Pangulong Bongbong Marcos
00:08para italaga bilang susunod na ombudsman.
00:12Kabilang sa pitong inirekomenda si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:18Nakatutok si Joseph Morong.
00:22Pito sa labimpitong ininterview ng Judicial and Bar Council o JBC
00:26ang napabilang sa shortlist para sa mga inirekomendang pumalit
00:30kay nagretirong ombudsman Samuel Martires.
00:33Yan ay si Philippine Competition Commission Chairperson Michael Aguinaldo,
00:37Philippine Postal Corporation Chairman of the Board of Directors Stephen Cruz,
00:41Supreme Court Associate Justice Samuel Guerlain,
00:43Deputy Executive Secretary Ana Lisa Logan,
00:46dating Supreme Court Associate Justice Mario Lopez,
00:49Sandigan Bayan Associate Justice Michael Musni,
00:52at si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:54Sa impormasyong nakuha ng GMA Integrated News,
00:58anim ang botong nakuha ni Aguinaldo habang tiglima
01:01ang nakuha ni na Remulia, Logan at Guerlain.
01:04Tiga-apat na mga naboto ang natanggap ni na Cruz Lopez at Musni.
01:08Ibinigay na sa Malacanang ang listahan para pagpilian
01:11ni Pangulong Bongbong Marcos
01:13ng itatalagang bagong ombudsman.
01:15May hanggang October 25 ang Pangulo para pumili.
01:18Under the Constitution, si Presidente,
01:20meron po siyang deadline of three months to appoint the next ombudsman
01:25from the date of vacancy.
01:27So, navigate po yung ombudsman position last July 27.
01:32So, si Presidente,
01:33kailangan po siya mag-appoint by October 25.
01:37Well, I'll still be reporting for work here for sure.
01:40Tomorrow.
01:41Kasi marami pa tayong tinatapos.
01:44Kaya, tingnan natin how it goes.
01:47Mahalaga ang posisyon ng ombudsman
01:50dahil sa kanya isinusumite ang mga ebidensyang nakakalap
01:53ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
01:56tungkol sa mga manumalyang flood control projects.
01:59Ang ombudsman din na naghahain ng kaso sa Sandigan Bayan.
02:03Kaya, panawagan ng Transparency Group na Right to Know Right Now Coalition
02:08dapat ay independent at may sariling kusa ang magiging bagong ombudsman.
02:13Isa, marahil sa pinakamahalagang magiging desisyon
02:17ng Pangulo ng ating bansa ngayon
02:22ay kung sino ang hihirangin niya na ombudsman.
02:25Ang aming posisyon ay kailangan ay ang susunod ng ombudsman
02:29is fiercely independent, thorough, proactive.
02:36Hindi pwede ang tamad na ombudsman sa susunod.
02:40Aside from siya magpa-file ng cases,
02:43pag may mga kasong ganito,
02:45hindi kailangang maghintay ng formal na complaint.
02:48Hindi niya kailangang maghintay na may complaint even.
02:52Hawak din ng ombudsman ang mga statement of assets
02:55liabilities and net worth o SALEN
02:57ng pinakamatataas na opisyal ng gobyerno
03:00tulad ng Pangulo at Vice Presidente.
03:02Bagay na dapat daw is sa publiko
03:04kahit hindi na kailangang i-request ito ayon sa grupo.
03:08Sinabi doon ng framers of the Constitution
03:10na itong SALEN is not meant to be kept in archives.
03:15It must be disclosed to the public.
03:18Para sa GMA Integrated News,
03:20Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas.
03:25Thank you for listening!
03:28Thank you!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended