00:00Nagtalaga na ng bagong Solicitor General si Pangulong Bongbong Marcos
00:04matapos niyang tanggapin ang courtesy resignation ni Menardo Guevara
00:08na minsan naging kontrobersyal matapos tumangging maging kinatawa ng gobyerno
00:13laban sa mga Duterte.
00:15Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:20Nanong pa kayong araw si UP College of Law Dean
00:23at dating Chief Executive Officer ng Pag-ibig Fund Darlene Berberabe
00:26bilang bagong Solicitor General.
00:28Siya na ang hahalili kay Menardo Guevara na tinanggap ng Pangulo ang courtesy resignation.
00:33Bilang abogado ng Estado, ang Solicitor General ang inaasahang kakatawan sa gobyerno
00:37sa mga kasong kinakaharap nito.
00:39Pero naging kontrobersyal ka ba kailan si Guevara matapos mag-recuse
00:43o tumangging mag-abogado para sa gobyerno
00:45sa habeas corpus petition sa Korte Suprema ng magkakapatid na Duterte
00:49matapos ang pag-areso kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:53Iginit panoon ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema
00:56ang posisyong walang horisdiksyon ng International Criminal Court sa Pilipinas
01:00at gumaganang justice system sa bansa.
01:02Pero sa tingin ni Executive Secretary Lucas Bersamin,
01:05wala itong kinalaman sa desisyong pakawalan si Guevara sa gabinete ni Marcos
01:09at nais na magkaroon ng bagong mukha sa Office of the Solicitor General.
01:13I don't think that that was a factor at all.
01:16He and the President had a conversation about this
01:18and the President respected his ethical decision to recuse.
01:25Now if there was a reservation about his professionalism at that time,
01:31the President could have already removed him.
01:34Bago'y tinalagang Solicitor General ni Pangulong Bongbong Marcos
01:37na nilbihan bilang Justice Secretary ng Administrasyong Duterte si Guevara.
01:42Founding partner din siya sa law firm na itinatag nila
01:45ni dati Executive Secretary Salvador Medialdea.
01:48Binati ni Guevara ang kapalitin si Berberabe
01:50at tiwalang magiging mahusay siya bilang Solicitor General.
01:53Babalik daw muna sa tahimik na pribadong buhay si Guevara.
01:57Tinanggap din ang Pangulo ang pagbibitin ni Ched Chairperson Prospero Devera
02:01na hawak ang posisyon mula pa noong 2018 at isa ring Duterte appointee.
02:06Hindi malinaw ang naging basihan ng pagtuldok ng Pangulo sa termino ni Devera
02:09na papalitan ni Ched Commissioner Shirley Agrupis.
02:12Second term niya na ito.
02:15Maybe the President wanted to give a fresh start to the Ched
02:19or maybe there were other reasons.
02:24Hindi natin matidiscount that may factor dyan yung mga intramurals dun sa Ched.
02:30Sa isang pahayag, malugod na tinanggap ni Devera ang pasya ng Pangulo
02:33na palitan siya bilang Ched Chairman
02:35at nagpasalamat sa pagkakataong maglingkod sa Ched
02:38sa loob ng halos 7 taon.
02:40Ang pumalit sa kanyang si Agrupis,
02:42naging Presidente ng Mariano Marcos State University.
02:46Mananatili naman bilang Interior and Local Government Secretary
02:49si John Vic Remulia,
02:50Justice Secretary pa rin si Boing Remulia
02:52at patuloy ng pamumunuan ni Sekretary Kimo Chodoro
02:55ang Defense Department
02:56matapos tanggihan ng Pangulo
02:58ang kanila mga isinumiting courtesy resignation.
03:01Nagpapatuloy ang pagsusuri sa iba pang mga kalihim
03:04dahil ayon sa Pangulo,
03:05nais niya ng malalimang pagtingin
03:07sa naging performance ng kanyang gabinete.
03:10Para sa GM18 Radio News,
03:11Ivan Mayrina ng Atutok, 24 Horas.
03:19Isang
03:33I
03:35I
03:36I
Comments