Skip to playerSkip to main content
Sa Malacañang muling nagkita sina Pangulong Bongbong Marcos at Naga City Mayor Leni Robredo sa paglunsad ng isang programang dinaluhan ng mga mayor at gobernador.


Si Vice President Sara Duterte naman, may nakausap nang magiging running mate sa Eleksyon 2028.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Malacanang naman muling nagkita si na Pangulong Bongbong Marcos at Naga City Mayor Lenny Robredo
00:06sa paglunsad ng isang programang dinaluhan ng mga mayor at gobernador.
00:11Si Vice President Sara Duterte naman e may nakausap ng magiging running mate sa election 2028.
00:18Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Matapos ang kanilang pagkikita noong Sabado sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Naga,
00:27ngayong araw si Mayor Lenny naman ang nasa Malacanang kasama na ibang mga mayor at gobernador
00:33sa buong kapuluan para sa panglunsad ng sa bagong Pilipinas, bawat bayan makikinabang.
00:39Si League of Cities President at San Juan City Mayor Francis Zamora nagpost ang selfie kasama ang Pangulo at si
00:45Robredo.
00:46Sa isang group photo, magkakatabi at nakangiti ang Pangulo si Mayor Lenny at Mayor Isco
00:51na magkakatunggali sa pagkapangulo noong 2022.
00:54Pero sa kanyang pambunga na pananalita, agad nilinaw na Executive Secretary Ralph Recto na wala raw halong politika ito.
01:02In the middle of the political noise, let's be clear on why we are here.
01:07Service, work, delivery.
01:11Amid the loud distractions that has rise above the din and the division,
01:16to work as one for the people.
01:19We expect government agencies to perform in sync, not separate, not national or local only, but united.
01:29Sa ilalim ng programang ito, ang halos 58 billion peso sa local government support fund,
01:34pinakamalaki raw sa kasaysayan ay pamibilisin ang paglalabas sa mga lokal na pamahalaan
01:39para sa mga proyektong layong mas maramdaman ang servisyo ng gobyerno.
01:43Kabilang dyan ang pamahagi ng 60 kilo ng bigas sa 5 milyong pamilyang Pilipino,
01:48pagsemento sa farm-to-market roads at local road networks,
01:51at pagbili ng mga gamit pang kalusugan.
01:53Bilang local chief executive, kayo ang unang nakakaramdam ng problema at unang nakakarinig ng mga hinaing.
02:01Dahil kayo ang nakakaalam ng tunay na kalagayan sa inyong komunidad sa inyo nagsisimula ang pagpabago.
02:09Kaninang hapon naman, nagpirmahan na ng kasunduan ng mga lokal na opisyal sa buong kapuluan
02:14at ang Department of Education para tugunan ang kakulangan ng classroom sa bansa.
02:18Sa ilalim nito, ang LGO maangasiwa ng procurement at construction ng mga silid-aralan
02:23at ang DepEd ang maglalabas ang pondo at magtatakda ng mga pamantayan sa pagpapatuyo ng mga ito.
02:29Habang wala pang katiyakan kung sinong itatapat na malakan niya kay Vice President Sara Duterte sa eleksyon 2028,
02:35ang BICE, sinabi naman na meron na raw siyang nakausap na magiging running mate.
02:39Sabi ng BICE na rekrut na raw ang kanyang mga kapareha nung isang taon pa,
02:44pero hindi niya pinakalalan kung sino hanggang makapagdesisyon ang taong ito.
02:48Dagdag pa ng BICE, ang napili niya maging katandem.
02:52Siya raw magpapanagot sa mga gumawa ng mali sa bayan habang nakatutok siya sa trabaho ng Presidente.
02:57Para sa GMA Integrated News, Ivan Merina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended