00:00Hindi umano maaring magtrabahong alkalde ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nakadetained sa The Hague.
00:09Ayon po yan kay DILG Secretary John Vic Remulia na inaalam din kung papayag ang International Criminal Court na manumpasa tungkulin ang dating Pangulo sa loob ng detention center.
00:22Nakatutok si Darlene Kai.
00:23Ngayong proklamado na bilang nanalong mayor ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:32pinag-uusapan kung paano siya makakapagsilbi bilang alkade ngayong nakadetained siya sa International Criminal Court sa The Hague.
00:38Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, inaalam niya una kung paano makakapanumpasa tungkulin ang dating Pangulo.
00:45Ang gagawin ko na lang ay magpapaalam ako sa ICC kung pwede pumunta ang consul natin para makapag-oat siya.
01:00Kasi kailangan mag-oat siya to assume office eh.
01:03So in his absence, the vice mayor will be there.
01:07Pero ang number one concern namin makapag-oat siya as mayor.
01:09Pero ang tanong, maaari ba siyang magtrabaho mula sa detention center sa The Netherlands?
01:15Ayon kay Remulia, hindi.
01:17Kailangan at physically present kayo.
01:20So in capacity na hindi niya kayang magsilbi, ang vice mayor muna.
01:24Kaya pagdating ng June 30, ang anak daw niyang si Sebastian Duterte na nahalal na vice mayor ang tatayong alkalde.
01:30Umalis naman kanina si Vice President Sara Duterte Pakatar
01:33at para bisitahin ang ama sa The Netherlands ayon sa inilabas na impormasyon ng kanyang tanggapan.
01:39June 4, nasahang babalik ng bansa ang vice presidente.
01:42Ibig sabihin, wala siya sa bansa sa pagsisimula ng paggulong ng kanyang impeachment proceedings.
01:47Sa June 2 kasi nakatakdang basahay ng impeachment charges laban sa vice.
01:51At sa June 3, ay mag-i-issue ng summons at ilang relevant orders sa pag-convene ng Senado bilang impeachment court.
01:57Ayon sa isang constitutional law expert, hindi obligado ang vice na dumalo sa mismong trial.
02:02Pwede ho namang i-represent siya ng kanyang mga abogado.
02:09Doon din ho sa rules ng impeachment, hindi naman kinakailangan na doon siya.
02:14Kasi nga, kung hindi naman siya yung witness o tinatanong, eh hindi niya kailangan.
02:20Of course, kung gusto naman niya, hindi naman siya pwedeng pagbawalan.
02:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
Comments