- 7 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 7, 2026
- 48th ASEAN Summit, gaganapin ngayong araw at bukas sa Cebu City | Timor-Leste, opisyal nang miyembro ng ASEAN | PBBM: Enerhiya, food security, at kaligtasan ng ASEAN nationals, tututukan ngayong ASEAN Summit 2026 | PBBM at Vietnamese PM Le Minh Hung, nakatakdang magpulong; inaasahan din ang impromptu meetings sa ibang ASEAN leaders | Pagpapaunlad ng agrikultura, turismo, at edukasyon sa remote areas, pag-uusapan din ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas
- Kopya ng committee report tungkol sa impeachment vs. VP Sara Duterte, iniutos nang ipamahagi sa mga kongresista para mapag-aralan | Rep. Adiong: Nasa 90% ng mga kongresistang nasa Lakas-CMD, boboto para sa impeachment ni VP Duterte | VP Duterte sakaling ma-impeach: "Isinulat 'yan ng Diyos" | VP Duterte, tinawag na unfair ang pag-ungkat ng kamara sa bank transactions ng asawa niyang si Atty. Carpio | Rep. De Lima: Naungkat ang bank transactions ni Atty. Carpio dahil joint SALN ang isinumite ni VP Duterte | Sen. Lacson: Pag-convene ng impeachment court, mauuwi sa botohan sakaling harangin ng ilang senador | Sen. Lacson: Sen. Pangilinan, planong italagang impeachment manager kung matutuloy ang impeachment trial
- Presyo ng liempo sa Pasig Mega Market, tumaas; ilang retailer, hindi raw kakayanin kung matutuloy ang P380/kg price cap | Ilang nagtitinda ng gulay, aalma raw kapag ipinatupad ang P100/kg price cap sa carrots
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
- 48th ASEAN Summit, gaganapin ngayong araw at bukas sa Cebu City | Timor-Leste, opisyal nang miyembro ng ASEAN | PBBM: Enerhiya, food security, at kaligtasan ng ASEAN nationals, tututukan ngayong ASEAN Summit 2026 | PBBM at Vietnamese PM Le Minh Hung, nakatakdang magpulong; inaasahan din ang impromptu meetings sa ibang ASEAN leaders | Pagpapaunlad ng agrikultura, turismo, at edukasyon sa remote areas, pag-uusapan din ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas
- Kopya ng committee report tungkol sa impeachment vs. VP Sara Duterte, iniutos nang ipamahagi sa mga kongresista para mapag-aralan | Rep. Adiong: Nasa 90% ng mga kongresistang nasa Lakas-CMD, boboto para sa impeachment ni VP Duterte | VP Duterte sakaling ma-impeach: "Isinulat 'yan ng Diyos" | VP Duterte, tinawag na unfair ang pag-ungkat ng kamara sa bank transactions ng asawa niyang si Atty. Carpio | Rep. De Lima: Naungkat ang bank transactions ni Atty. Carpio dahil joint SALN ang isinumite ni VP Duterte | Sen. Lacson: Pag-convene ng impeachment court, mauuwi sa botohan sakaling harangin ng ilang senador | Sen. Lacson: Sen. Pangilinan, planong italagang impeachment manager kung matutuloy ang impeachment trial
- Presyo ng liempo sa Pasig Mega Market, tumaas; ilang retailer, hindi raw kakayanin kung matutuloy ang P380/kg price cap | Ilang nagtitinda ng gulay, aalma raw kapag ipinatupad ang P100/kg price cap sa carrots
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:25ASEAN SUMMIT
00:30It's been a long time with Ivan Mayrina. Ivan, good morning.
00:36Mayong buntag, Maris, mula dito sa Lalawigan ng Cebu,
00:40kung saan magaganap ngayon hanggang bukas ang 48th ASEAN Summit and Related Meetings.
00:4610 sa 11 leader ng mga ASEAN member states ang inaasahang a-attend sa ASEAN Summit na ito,
00:53maliba na lang sa Myanmar na kinakatawan ng kanilang foreign minister.
00:57Ito rin ang kauna-unahang ASEAN Summit na magiging isa ng full-fledged member ang bansang Timor-Leste.
01:02Bilang ASEAN Chair ngayong taon, Maris, tatlong mahalagang prioridad nga ang tututukan sa mga pulong
01:07ay ang kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:09Yan ay ang energy security, food security at safety ng ASEAN nationals sa buong mundo.
01:15Napapanahon ayon sa Pangulo ang mga paksang ito, lalo ng energy security,
01:19bunsod ng oil crisis na nilikha ng sigalot sa Middle East.
01:23Sa summit na ito, pangunahan ng Pangulong diskusyon para maghanap ng mga pamamaraan
01:27para tiyaking stable ng energy supply sa ASEAN region
01:30at kung paano pa mas makakatugon sa epekto ng oil crisis.
01:34Isusulong ang pagpapatupad ng Memorandum of Understanding para sa ASEAN Power Grid.
01:38Ang pagpapalakas sa food security sa pamagitan ng malayang dalay ng mahalagang produkto
01:43at pagsuporta sa mga magsasaka at ng mga MSME
01:46at ang kaligtasan ng ASEAN nationals sa mahalagang papel,
01:49hindi lang sa kanikralang mga bansa, kundi sa ekonomiya ng buong mundo.
01:53Bukod sa mga summit-related meetings, may nakatakadang bilateral o one-on-one meeting din
01:57si Pangulong Bongbong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Lemien Hong.
02:02Inaasahan din ng ilan pang mga impromptu o yung mga tinatawag na pull-asside meetings
02:06sa mga leader sa mga susunod na dalawang araw.
02:09Ngayong araw din, Marisa, ang schedule ng BIMP Iyaga
02:11o yung Brunei, Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines, East ASEAN Growth Area,
02:16isang matatawag nating sub-region sa ASEAN
02:19na para paunla rin ang mga remote areas sa mga nasabing bansa
02:21sa larangan ng agrikultura, turismo at edukasyon.
02:25Ang mga pagpupulong na ito, layon din pala kasi ng kooperasyon
02:28sa larangan ng kalakalan at infrastruktura.
02:32Mamayang gabi naman, ang hapon ang inihanda ng first couple
02:35para sa mga bisita.
02:38At syempre, Maris, bilang host ng ASEAN, pagkakataon din ito
02:42para ibida ang mga tanawin at gayon din ang mayamang kultura
02:46at syempre, ang world-class Filipino hospitality sa ating mga bisita.
02:50Kaya kita natin, handang-handa ang Cebu para sa 48th ASEAN Summit.
02:55Maris.
02:56Ivan, may impormasyon na ba tayo kung ano yung magiging agenda
02:59o yung pag-uusapan sa bilateral meeting ng Pilipinas at Vietnam?
03:06Maris, wala pa tayong impormasyon kung ano eksakto ang nasa agenda
03:11o kung anong pag-uusapan ng leader ng Pilipinas at Vietnam.
03:15Pero tulad ng nabanggit ng Pangulo, ang focus dito, energy security, food security.
03:21Sa larangan ng energy security, isa sa mga oil-producing countries sa ASEAN ang Vietnam.
03:27So maaaring mapag-uusapan din kung paano mapapaganda
03:31o magiging mas stable ang supply ng oil o ng energy ng Pilipinas.
03:38At ang Vietnam ay isa rin sa pinakamalaking pinagkukunan ng ating bigas na inaangkat.
03:43Kaya marahil mapag-uusapan din yan sa larangan ng food security at agriculture cooperation, Maris.
03:48Tama, lalo na. Nagmamahal din yung presyo ng bigas.
03:51Pero, Ivan, speaking of energy security,
03:54at kanina binanggit mo nga sa iyong report na may mga posibleng pull-aside na meeting,
03:59posible rin ba ang kausapin ng Pangulo ang Malaysia?
04:01Dahil ito yung isa sa mga nagsusupply din ng langis sa Pilipinas ngayong may krisis.
04:09Yes, katunayan, Maris.
04:10Meron tayong supply ng diesel na nanggaling sa Malaysia very recently,
04:13nung itong kasagsagan, itong sigalot sa Middle East.
04:17Natanong kahapon yan, Maris, sa press conference na kinatawa ng DFA.
04:22Wala namang binanggit na specific country nakakausapin,
04:25kaugnay ng pagkuhan natin ng supply mula sa kanila.
04:28Pero, tulad nga ng nabagit mo, tama, maaaring makausap din ang Malaysia para sa ating oil supply.
04:34Pero, ang pangkalahatang sagot sa tanong na yan ng kinatawa ng DFA ay,
04:40kung anuman ang mga magiging pagpupulong ay tiyak magkakaroon ng kapakinabangan,
04:45hindi lamang ang Pilipinas, kundi ang ASEAN bilang isang regional block.
04:49Alright, Ivan, makikibalitan na rin ako doon sa Code of Conduct sa South China Sea,
04:55ay gaano kalaki yung posibilidad na mabubuo na ito dito sa ating chairmanship.
05:00Kasi, nung nag-cover tayo sa Malaysia nung isang taon,
05:03yan ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na talagang inaasahan
05:07at of course, hino-hope niya na makamit natin sa ating chairmanship.
05:14Yes, Maris, natanong din natin ng Pangulo dyan some time ago
05:18tungkol sa magiging push ng Pilipinas, since tayo ang chair this year's ASEAN,
05:25definitely we will try to push na magkaroon na ng binding Code of Conduct sa South China Sea.
05:31Pero tulad nga ng nabangit natin, nagkaroon ng konting refocus sa mga paksa
05:39na bibigyan din dito sa ASEAN na ito.
05:43Kaya ma-raise din, definitely erase ang Code of Conduct,
05:48pero yung makapag-conclude na tayo ng isang binding Code of Conduct,
05:52hindi pa natin masasabihan at mukhang malabo pa yan, Maris.
05:55At mahaba-haba pang negosyasyon ang tatahakin yan bago magkaroon ng kasunduan.
06:00Huli na lang, aasahan ba natin na darating din yung mismong leader ng China,
06:04lalo't dumarating naman din ang presidente ng China sa mga nakaraang mga ASEAN summits?
06:14Wala, Maris. For this particular summit and meetings,
06:18hindi naasahan ng kinatawa ng ibang mga bansa,
06:21yung mga ASEAN plus mga East Asia summit, mga ganyan.
06:25Wala. ASEAN member states lang muna itong ASEAN na ito later this year.
06:29Pusibli magkaroon ng mga ibang mga dialogue partners, Maris.
06:32Alright. Maraming maraming salamat.
06:34Daghang salamat, Ivan Mayrina.
06:42Plano ng Senado na magtalaga na impeachment manager,
06:45sakaling iakyat na sa Senado ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
06:50Sa ngayon, ipapamamahagi na sa mga kongresista ang kopya ng committee report
06:55tungkol sa impeachment para mapag-aralan ito bago magbotohan kung may impeach o hindi ang vice.
07:01May unang balita si Tina Paganiban Perez.
07:06Mr. Speaker, I move to direct the Secretary General to immediately furnish the members' electronic copies
07:15and distribute to the members printed copies of committee report number 261 containing House Resolution number 989.
07:23Para mabasa at mapag-aralan bago ang inaasahang botohan sa plenaryo sa lunes,
07:29iniuto sa House Secretary General na bigyan ang lahat ng kongresista
07:33ng kopya ng committee report ng House Committee on Justice.
07:37Pati na ang resolusyon nagtatakda ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
07:44Is there any objection? Hearing none. The motion is approved.
07:48Ayon sa isang leader ng Partidong Lakas CMD, lumabas sa kanilang pulong na sa 68 na lakas congressmen,
07:5790 to 95 percent ang boboto para sa impeachment.
08:01We are solidly behind the complaint. As you know, the chair of the Committee on Justice is a lakas member.
08:08The respondent of one of the complaints is also a lakas member.
08:13106 na boto ang kailangan para maiakyata ang Articles of Impeachment sa Senado.
08:18May mga kongresistang naniniwalang mahihigitan nila ito.
08:22Kung ipagsama mo yung boto ng lakas lang at ng 55 na bumoto sa committee, you will already get your
08:30106.
08:32Diba? So, what are the odds? Kung pumapusta ka sa karera ng kabayo, ipanalo na siguro itong kabayong nito kasi
08:40106 lang ang kailangan.
08:42Ayon sa chairperson ng House Committee on Justice, prerogative ng mga kongresista kung anong magiging posisyon nila.
08:50And there are three things which will affect how the House members will decide on this.
08:58One, how they appreciate the evidence.
09:02Two, of course we acknowledge that this is a political process, factor din ang posisyon ng party leadership.
09:11And third, the conscience vote. What will be best for the country should be considered also.
09:18Sakaling ma-impeach, sabi ni Vice President Duterte,
09:22Base din sa discussion namin ni Pangulong Duterte, lahat ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay sinulat yan
09:32ng Diyos.
09:33So kung ma-impeach ako, yan ay sinulat na ng Diyos.
09:40Hindi man ako ma-impeach.
09:43Nasa The Hague, the Netherlands, ang Vice para dalawin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
09:49Hindi pa raw niya ipinaalam sa ama na may panibagong impeachment complaint siyang hinaharap.
09:55Hindi na niya kailangan malaman ang mga ganyan na klase na bad news.
10:01Kasi wala din naman yung value sa kanya.
10:04Tapos mag-overthink siya.
10:08Lalo pati nag-iisip tayo na baka nga dyan siya bawian ang buhay sa loob.
10:15Dyan siya mamamatay sa loob ng detention.
10:18So dapat yung maaalala niya at naiisip niya ay yung mga masasayang bagay.
10:22Sa pagdinig ng komite, naungkat na mga bank transactions, hindi lamang ng BSE,
10:28kundi pati ang sa kanyang asawang si Atty. Manasa Scarpio.
10:31Bagay na pinalaga ng pangalawang Pangulo.
10:34I think it's unfair dahil hindi naman sila Vice President and hindi naman sila ini-impeach.
10:42And tulad ng mga asawa at mga anak din ng mga congressman, they have the right to privacy, being ordinary
10:52individuals and private citizens.
10:54Katwira naman ang komite. Kasama kasi si Scarpio sa isinumita ng BSE na SAL-N o Statement of Assets, Liabilities
11:02and Net Worth.
11:03Hindi po kasalanan namin yan na ganun ang kinalalabasan na syempre nung tinignan na yung sa AMLOC records and then
11:13sa SAL-N
11:13because you know these are the joint SAL-N of the husband and wife.
11:18And then hindi namin kasalanan yun na ganun ang lumabas sa 6.7 billion, 4 point something billion inflows ng
11:26pera sa mga accounts nila.
11:29Inaabangan na kung aakit sa Senado ang impeachment complaint.
11:34Sakaling harangin daw ng ilang Senador ang pagko-convene ng impeachment court, mauuwi ito sa botohan, ayon kay Sen. Ping
11:42Lakson.
11:43May motion eh. May motion na huwag i-convene. Sa botohan mauuwi yun.
11:49Kasi ang court hindi naman one-man court eh. It's a 24-member court.
11:56So majority pa rin yung mag-re-rule.
11:58Kapag natuloy naman ang impeachment, panukalan ni Lakson na sa hapon gawin ang impeachment at session para pwede ang committee
12:07hearing sa umaga.
12:08Plano rin daw ng Senado na magtalaga ng impeachment manager.
12:12Mas mainam daw kasi na abogado ito, lalo't hindi abogado si na Senate President Tito Soto at Majority Leader MIG
12:20Zubiri.
12:21We're planning to appoint an impeachment manager.
12:25Tingin namin si Senador Kiko para lawyer.
12:30Parang may manggugulo.
12:32Ito ang unang balita.
12:34Tina Panganiban Perez para sa GMA News.
12:44Tinakpa na lang ang dating nakasulat na presyo sa bahagi ng price board na ito sa tindahan ng baboy ni
12:50Nelson sa Pasig Mega Market.
12:52Ang dahilan, tumaas ang kada kilo ng liyempo na dating 400 pesos at ibinibenta na ngayon sa 430 pesos.
13:00Nagtaas na raw kasi ang supplier nila.
13:03Sa Batangas at Tarlac daw sila kumukuha ng supply ng karning baboy.
13:06Dahil tumaas ang krudo nitong nagdaang buwan, mas mahal din daw ang singil sa delivery.
13:12Para mapigilang lalong sumipa ang presyo, plano ng Department of Agriculture o DA na magtakda ng price cap o ilimita
13:19sa 380 pesos ang kada kilo ng liyempo.
13:22Ngayon pa lang, nagsabi na ang ilang retailer na di raw ito kakayanin.
13:27Hindi gaya.
13:28Bakit siya?
13:29Eh siyempre, paano pa kami kukuha ng pampasahod sa tao namin?
13:32Pag pinatutupad yung 380, wala na kaming gano'ng kikitain.
13:36380, wala pa rin.
13:37Hindi nakakain sa mga mamahalin, doon na sa mga mumurahin, madam.
13:42Para makatipid, magbabawas na lang din daw muna siya ng karneng bibilhin.
13:47Tinitingnan din ang DA ang 100 pesos na price cap sa kada kilo ng carrots,
13:52na kasulukuyang ibinibenta sa 140 pesos hanggang 160 pesos.
13:57Sabi ng ilang nagtitinda ng gulay, marami raw silang aalma kapag ipinatupad ito.
14:03Hindi kaya, kasi 120 na pong punan namin sa, bigay sa amin sa,
14:11kuwan, pinagkukunan namin sa Baguio.
14:13Hindi matutupad yun, ma'am.
14:15Maraming aangal dito kung isandaan na ang carrots.
14:19At ang mga tindihan dito, aangal dalaga.
14:21Walang kikitain, baka malugi pa sila.
14:25Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments