00:00Ibinasura ng Justice Department ang reklamong inihayin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:05laban sa ilang opisyal at mga pulis na naghalughog sa Kingdom of Jesus Christ
00:11para aristohin si Pastor Apolo Quibuloy noong isang taon na nakatutok si Salima Refran.
00:22Matinding tensyon na nauwi pa sa karasaan ang ginawang paghalughog noon ng pulisya
00:27sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao
00:30ang pakay para arestuhin si KOJC founder, Pastor Apolo Quibuloy.
00:36Dahil dyan, naghain noon ang reklamo laban sa pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:41bilang property administrator ng KOJC.
00:44Ito ang malicious mischief at violation of domicile
00:48laban kinadating DILG Secretary Ben Hur Abalos, PNP Chief Romel Marbil at iba pang mga pulis.
00:54Pero ngayong araw, ibinasuran ang Department of Justice sa mga reklamo.
00:59Sa labing apat na pahay ng resolusyon, sinabing kulang ang mga reklamo
01:03sa mga kinakailangang elemento para makitaan ang probable cause.
01:07Ang mga naging aksyon raw na mga respondent ay pasok sa pagganap
01:11ng kanilang mga katungkulan kung saan nasasakop sila
01:14ng presumption of regularity sa kanilang official functions.
01:17Wala raw nakitang probable cause para paharapin sa mga kaso ang mga respondent.
01:22Tinawag ni dating DILG Secretary Abalos na malinang natagumpay
01:26ng katotohanan at katarungan ang pagkakabasura sa mga reklamo.
01:31Pinagtitibay raw nito na naaayon lamang sa batas ang kanilang mga aksyon.
01:35Patunay raw ito na ang kanilang ginawa ay tamang pagpapatupad lamang ng batas.
01:40Kinukuha pa ng GMA Integrated News ang panig ng KOJC
01:43at ni dating Pangulong Duterte na nakadetain ngayon sa Daheg.
01:48Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, Nakatutok, 24 Oras.
Comments