00:00Nagkilos protesta ang isang grupo ng mga manggagawa sa harap ng tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board
00:09para manawagang itaas sa 1,200 pesos ang minimum wage sa buong bansa.
00:17Naghain din ang petisyon ng ilang grupo at union para ipanawagan ang dagdag sahod.
00:22Ayon sa grupong Unity for Wage Increase Now, nakita nila sa pag-aaral na 1,200 pesos na ang nakakabuhay na arawang sahod
00:32para sa pamilyang may limang miyembro sa ngayon pinakamataas ang minimum wage sa National Capital Region na nasa 608 hanggang 645 pesos.
00:43Pero giit ng grupo, hindi na sapat ang kasalakuyang minimum wage sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo at mga bilhin.
00:53Sa datos ng Philippine Statistics Authority, pinakamabagal sa loob ng mahigit limang taon ang naitalang 1.4% na inflation rate nitong Abril.
01:05Wala pang tugon ng Wage Board sa hiling ng grupo.
01:13Wala pang tugot ng pang pag-aaral na ng pag-aaral na ngatalang, kap-aaral na ngatalang na restyo ng glieo ng pang t-aaral na ngatalang.