00:00Inuutos ng Pangulo ang araw-araw na paglilinis at pagpapalalim sa mahigit sang daang daluya ng tubig sa susunod na siyam na buwan.
00:09Kabilang yan sa mga hakbang ng gobyerno sa inilunsad na off-land kontrabaha.
00:14At nakatutok si Maki Pulido.
00:19Hindi lang mga mahihinang proteksyon sa pag-apaw ng mga tubig ang nasisilip kamakailan,
00:24kundi mga infrastrukturang nagpasikip pa o nagpabagal sa agos ng mga tubig.
00:30Mahalaga pa naman ang malaya nitong pagdaloy para hindi bumaha.
00:34Kaya sa susunod na siyam na buwan, araw-araw at sabay-sabay na lilinisin at palalalimin ng DPWH
00:41ang nasa 120 daluya ng tubig o waterways sa mga critical areas, kabilang ang mga ilog, sapa at estero.
00:49We will also bring kontrabaha to Cebu, to Bacolod, to Rojas City, to Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan,
00:58Cotabato, Dabao, Cagayan de Oro, and other places na madalas mga baha.
01:04Ininspeksyon ng Pangulo itong San Junisio Creek sa Paranaque na kumbarado ay nagdudulot ng baha.
01:10Inumpisahan na rin ang dredging at cleaning sa estero sunog apo sa Tondo, Manila.
01:14Ang estimate ng ating mga scientifico ay sabi nila mababawasan ng up to 60% ang pagbaha kung ito ay maging maayos na.
01:26Even after that 9 months ay patuloy lang, regular na ang paglinis, pagdisiltation, paglinis ng basura, lahat ito ay patuloy natin gagawin.
01:38Pag-aaralan ding ipag-iba ang flood control project na mas nakasama pa ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon.
01:45Kabilang dyan ang pumping station sa Quezon City na itinayo sa ibabaw mismo ng creek
01:50at ang pagpapasimento ng ilalim ng creek ng Riverside Extension sa Barangay Commonwealth.
01:56Ayon sa Quezon City Hall, nakasama pa sila sa daloy o nagpapaapaw ng tubig.
02:01Marami sa mga pumping station natin, mula ng itinayo ay hindi pa gumana kahit minsan.
02:08Hindi nag-operate kahit minsan. Bakit?
02:11Dahil yung pumping station mismo sa paglagay nila, yun pa ang nakaharang sa tubig.
02:18At naging probig. Imbis na magbigay ng solusyon, ito pa ang naging problema.
02:24Kasama ng Pangulong nag-inspeksyon ng ilang negosyanteng tutulong umano sa Oplan kontrabaha ng gobyerno.
02:30This is not an instant solution. We have to go upstream and look at the watersheds.
02:36I'm very optimistic that once we get the majority of this done,
02:40maramdaman na kagad natin na pagdating ulit ng tag-ulan next year, malaki na yung mababawasan sa flooding.
02:48Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments