00:00One, a multa ng Land Transportation Office si Aliana Marie Aguinaldo o mas kilala sa social media bilang Yana Motovlog
00:07dahil sa kanyang paglabag sa batas, trapiko, kaugnay ng viral na road rage incident sa Zambales.
00:14Ayon ki LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II,
00:19pinagmulta si Yana Motovlog ng 5,000 piso dahil sa paggamit ng motorsiklong walang side mirror
00:26at karagdagang 2,000 piso para sa reckless driving.
00:30Sinuspindi din ng LTO ang kanyang driver's license hanggang sa siya ay sumunod sa kautusan ng ahensya
00:37na isuko ang kanyang ang motorsiklo na kanyang ginamit na inamin niyang hindi nakarehistro sa kanyang pangalan.
00:45Sinampahan si Yana Motovlog ng tatlong kaso ng kinabibilangan ng reckless driving
00:50paggamit ng motorsiklong walang side mirror at pagkamaneho ng sasakyang walang nakakabit na plaka.
00:56Inatasan ang lahat ng law enforcement officers na arestohin si Yana Motovlog
01:02sakaling mahuli siyang nagmamaneho sa pampublikong kalsada
01:06habang hindi pa inaalis ang suspensyon ng kanyang lisensya.