00:00Lagay muna ng panahon, lumapit na ang low pressure area sa Luzon.
00:04Ayon sa pag-asa, ang trap o yung buntot ng LPA,
00:08posibleng magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon,
00:13kabilang po ang Metro Manila at ang Calabarzon, Bicol Region,
00:17maging dito sa Summer at Leyte Provinces.
00:20Silipin naman natin ang Metro City's forecast sa Metro Manila,
00:23magiging maulap at maulan bukas hanggang sa weekend,
00:26dulot po yan ng Easterly winds.
00:28Ayon naman sa ating tourist forecast ay posibleng makaranas ng pag-ulan
00:33sa bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
00:37Dito naman sa Baguio City, ang minimum lows natin maglalaro sa 16 to 17 degrees Celsius
00:43for this weekend and possible highs naman dyan sa Ilocos, sa Luwag,
00:48ay nasa 31 to 32 degrees Celsius.
00:50Dito naman sa bahagi ng Tacloban ay posibleng makaranas din ang pag-ulan
00:54at maulap na panahon, dulot naman yan ng ating Easterly winds.
00:58Silipin po natin ang weekend weather forecast sa Metro Manila.
01:09Okay, dito po sa Metro Manila, makaranas po tayo ng thunderstorms.
01:13Mataas ang chance sa makaranas ng maulap at maulang panahon all throughout this weekend.
01:18At ang Metro Cebu naman, makaranas po tayo ng panandali ang pag-ulan sa hapon o gabi.
01:23Dulot naman yan ng low pressure area at ng southwest monsoon.
01:28Same weather condition po tayo sa Metro Davo, makaranas po tayo ng pag-ulan all throughout this weekend.
01:33Karagdagang kaalaman, alamin naman natin ang iba pang weather systems na karaniwang umiiral sa ating bansa
01:39bukod sa habagat o southwest monsoon.
01:42Meron din Easterlies o hanging silangan.
01:45Kilala rin yan bilang summer breeze na nararanasan natin kapag tag-irit.
01:49Yan din ang nagdadala ng maalinsangang hangin at nagmumula ito sa Dagat Pasipiko.
01:54Ang Intratropical Convergence Zone naman o yung ITCZ ay isang uri ng wind convergence
01:59o pagsasalubong ng hangin mula sa northern at ng southern hemisphere.
02:04Ang convergence naman ay bubuo ng mga sirkulasyon o maulang weather systems tulad ng mga low pressure area.
02:11Ang buntot naman ng LPA ay nagdadala rin ng pag-ulan habang high pressure area ay umiiral kapag tag-init.
02:18Samantala, ang cold front naman ay isa ring uri ng wind convergence
02:22at usually nabubuo ito sa North Pacific kapag may wind convergence.
02:26Dala rin ito ang kaulapan at maulang panahon.
02:30Ako po si Ice Martinez.
02:32Stay safe at stay dry.
02:33Laging tandaan, may tamang oras para sa bawat Pilipino.
02:36Panapanahon lang yan.