00:00Temporary restraining orders sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:05Inalis na.
00:07NCAP muli nang ipatutupad sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila
00:11na nasa jurisdiksyon ng MMDA.
00:14Si Bernard Ferrer sa sentro ng balita.
00:18Minsan ang nasampula ng No Contact Apprehension Policy o NCAP
00:22ang motorcycle rider na si Rudel,
00:24that's beating the red light.
00:25Kwento niya, nagulat na lamang siya na makatanggap ng Traffic Violation Notice
00:29bagamat aminado siyang lumabag sa batas trapiko.
00:33Kaya naman sa muling pagpapatupad ng NCAP
00:35matapos pansamantalang alisin ng Korte Suprema,
00:38ang Temporary restraining order o TRO dito
00:40ay kanya itong sinoportahan.
00:43Masa akin, sir, mas okay.
00:44So kahit nagkaroon kayo ng violation, okay lang sa inyo?
00:47Okay na po, sir, na experience ko po, natutunan ko po,
00:51na naranasan ko na mauli ng ganon.
00:54Siyempre, sa sunod, naranasan ko na, nagingingat na ako.
00:57Pabor din ang taxi driver na si Federico sa pagbabalik ng NCAP.
01:01Mayroon yung iba po, medyo matatakot din po.
01:03Magkakaroon ng disiplina yung mga driver
01:05para magdala naman po yung mga pasaway,
01:08maraming pasaway na driver po.
01:09Inaasa ng MMDA na malaki ang may tutulong ng NCAP
01:12upang mapalakas ang kanilang traffic management operations.
01:16Makakatulong siya dahil kung may NCAP na
01:19yung mga violators, hindi na namin kailangan parahin,
01:23magtalo, isyuhan physically ng tiket,
01:27na habang ginagawa yun, ay nakakaabala pa sa traffic.
01:31Sa tulong ng mga closed circuit television o CCTV,
01:34digital cameras at iba pang makabagong teknolohiya,
01:37makakakolekt ang MMDA ng mga larawan at video
01:40na mga lumalabag sa batas trapiko.
01:43Magsisilbi itong bataya sa pag-i-issue ng traffic citation
01:46at dokumentasyon ng mga paglabag.
01:48Ayon sa MMDA, layunin ang NCAP na mapaigting
01:51ang disiplina sa lansangan
01:52at mapangalagaan ang kaligtasan
01:54ng lahat ng gumagamit ng kalsada.
01:56Tiniyak din ang ahensya na naisaayos na
01:58ang mga issue sa NCAP
01:59sa pamamagitan ng pagpapatupad
02:01ng single-ticketing system
02:02at ang binagong alituntunin.
02:05Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV
02:07sa Bagong Pilipinas.