00:00Inilunsad ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang may huli ka SMS at email notification system
00:07para mapabilis pa ang pagpapaalam sa mga motorista ng paglabag sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:15Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:19Bilang pagtalima sa direktiba ni Paulong Ferdinand R. Marquez Jr.
00:23na pagbutihin ang pagpapadala ng abiso sa mga motorista tungkol sa kanilang NCAP violations,
00:28por malilunsad ng MMDA ang may huli ka web at SMS at email notification system.
00:34Layunin ang inisyatibang ito na mapabilis at mapadali ang pagpapaabot ng impormasyon sa mga motorista
00:39sa pamamagitan ng real-time notifications sa SMS at email sa oras na ma-validate
00:45ang paglabag sa pamamagitan ng Land Transportation Management System o LTMS records.
00:50Malaking tulong ito sa mga motorista ang walang akses sa internet
00:53dahil maaari pa rin sila makatanggap ng mensahe via SMS.
00:56Tiniyak ng MMDA na ang mga mensaheng ipadadalay walang kasamang payment links,
01:01walang contact number at hindi maaaring sagutin via SMS.
01:04Ito ay bahagi ng mga pag-iingat laban sa mga posibleng scam.
01:08Pinayuhan din ang publiko na agad report sa MMDA
01:10kung makatanggap ng abiso mula sa kainahinalang numero.
01:14Kahit po sa SOCMED namin, pwede pong ipadala yung report
01:18para we can coordinate with PNP kay General Torre at ganun din po sa DICT
01:25para ma-i-report natin, ma-investigate at mapigilan po at mahuli
01:30and ma-prosecute po itong mga nang-i-scam.
01:33Mahalagang panatili ang updated ng LTMS records at agarang maisagwa
01:37ang transfer of ownership kung nailipat ng pag-aari ng sasakyan.
01:40Ang MyHulika system ay nakasentro lamang sa mga paglabag sa ilalim ng NCAP.
01:45Sa unang dalawang linggo na paglulunsa,
01:47nakapagtala ang MNDA ng 300,000 hanggang 500,000 inquiries sa MyHulika website.
01:53Sa kasalukuyan, umaabot sa 50,000 ang average daily inquiries
01:57habang umabot sa 31,000 ang naitlang paglabag sa ilalim ng NCAP.
02:02Sa nasabing bilang, 17,000 ang na-validate bilang official violations.
02:06At sa mga ito, 15,000 na motorista ang napadalhan na ng notice of violation.
02:12Inaayos sa rin ng MNDA ang proseso ng pagbabayad ng NCAP violators sa pamamagitan ng e-wallet.
02:17Samantala, isang traffic enforcer ang nakataktang kasuan ng MNDA
02:21dahil sa pagkakasangkot sa pangutong.
02:24Pinaro man nun ito ang isang truck driver kahit walang traffic violation.
02:28Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.