00:00Mahigit kalahating araw nang naapula sa Batangas ang sunog sa isang bodega ng imbakan ng mga fiber optic cable.
00:07Yan at ipapang sunog sa report ni Bernadette Reyes.
00:13Kita sa himpapawid ang kapal at itim ng usok mula sa isang nasusunog na bodega sa Tui, Batangas.
00:19Laki sobra!
00:21Matindi ang lagablab ng apoy na lumamon sa bodega.
00:24Kawawa naman, grabe!
00:25Ito yung tambakan ng maraming gulong at mga electrical wiring.
00:29Yung maraming tubo.
00:31Ayon sa BFP, bandang 10.30 ng umaga nagsimula ang apoy.
00:35Pahirapan ng pag-apula at mabilis na kumalat ang apoy kaya inakyat sa ikaapat na alarma ang sunog.
00:40Patuloy na inaalam ang pinagmula ng apoy at ang halaga ng pinsala.
00:45Wala pang napapaulat na nasugatan.
00:48Nawala ng bubong at bumigay ang pader ng bahay na ito sa Cagayan de Oro City.
00:53Kasama ito sa mga nasunog na bahay sa Sitsyo Buntong, Barangay Kamamanan.
00:58Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na ayon sa BFP, posibleng bunsod ng iligal na koneksyon ng kuryente.
01:05Umabot ng 1.9 million pesos ang halaga ng pinsala.
01:09Sa Tagbilaran Buhol naman, isang abandonadong dormitoryo ang tinupok ng apoy.
01:14Nadamay sa sunog ang dalawang motorsiklo.
01:16Wala namang nasugatan.
01:17Isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog ang ikinapong upos na sigarilyo.
01:23Sa tala ng Bureau of Fire Protection ngayong taon, mahigit 6,000 insidente ng sunog na ang naitala sa buong bansa simula Enero.
01:31Pinakakaraniwang sanhi ng sunog ang problema sa kuryente.
01:34Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:38Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
01:42Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments