00:00Bago ngayong gabi, mahigit 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Intramuros, Maynila na umabot sa ika-apat na alarma.
00:07At sa gitna nito, kinuyog ang isang lalaking naging pasimuno-umano ng sunog. May report si Jamie Santos.
00:17Nagnangalit na apoy at makapal na usok ang bumalot sa mga kabahayan sa Cabildo Street sa Intramuros, Maynila.
00:23Mabilis na lumaki at kumalat ang sunog na umabot sa ika-apat na alarma.
00:31Sunod-sunod ang dating ng mga firetruck mula sa Karatig Lungsod.
00:34Ilan sa mga bumbero, pinasok na ang mga nasusunog na bahay.
00:38Ang mga apektadong residente, kanya-kanyang likas. Halos mga walang naisalbang gamit.
00:44Sumigay yung asawa ko na sunog. Tapos nung nababas po ako, nakita ko ang usok mga kapal na po eh.
00:50Tapos ngayon ang ginawa ko, ginising ko na yung mga anak kong tulog. Tapos kung baba na kayo baba.
00:54Nagdatingan na rin yung mga bumbero eh. Kaya lang, masikip po kasi.
00:59Eh, oo, daanan. Yung mga tao na talaga mga kadahan. Eh may mga naghahakot-hakot pa, nakakasalubon. Kaya hindi masyado
01:06maano.
01:07Sa gitna ng sunog, isang lalaki ang pinagbubugbog matapos iturong pa si Muno ng sunog. Wala pa siyang pahayag.
01:14Basis sa mga constituent ko, talagang nakita nila na isa sa mga tao dito, sinadya talaga, sinunog talaga.
01:23Actually, ginulping nga nila. Hindi ko nga alam ngayon kung ano nangyari.
01:26Dahil pinakiusapan ko sila na huwag saktan. Nilabas namin ng mga polis pero talagang kinuyog.
01:32Lover's Quarry rin yan eh.
01:33Kalalaya lang nitong tao. Yung asawa niya, eh, yung babae, eh, nag-asawa ng kapitbahay din, eh, siguro, nawala sa
01:42isip.
01:43Hawak na siya ng Manila Police District Station 5. Aabot ng 1.5 milyon pesos ang halaga ng pinsala.
01:49Kanina po, napansin natin na malakas yung hangin. Then, yung isa lang po yung fire hydrant natin dito sa area
01:56na ito.
01:57Medyo malayo na po yung, mayroon po yung dalawa pero medyo malayo po siya.
02:01Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments