Skip to playerSkip to main content
Bisperas na ng Pasko bukas.
Nagsimula na ang huling hirit ng bentahan ng mga panregalo sa Divisoria sa Maynila.
Ang diskarte ng mga namimili at mga nagtitinda, alamin sa live report ni Katrina Son.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Disperas na ng Pasko bukas, nagsimula na ang huling hirit ng bentahan ng mga panregalo sa Divisoria sa Maynila.
00:07Ang diskarte ng mga namimili at mga nagtitinda. Alamin sa live report ni Katrina Stone.
00:13Katrina?
00:17Atom, dalawang araw, bago magpasko. Mas matindi ngayon ang dagsan ng mga mamimili na nagla last minute Christmas shopping
00:25para makahanap ng regalong swak sa kanilang budget dito sa Divisoria.
00:30Mula umaga, hanggang pagsapit ng gabi, di naubusan ang mga namimili rito sa Divisoria.
00:40Hanap ng marami ay mga panregalo, gulay at rutas na pasok sa budget.
00:46Di alintana ang siksikan at trapiko, kahit pamalayo ang pinanggalingan.
00:50Gaya ni Maylin na dumayo pa mula Nueva Ecija kasamang asawa at mga anak.
00:55Kasi alam ko po na magiging masaya po sila.
00:57Iyon naman po yung para po sa isang magulang, yung makita pong masaya yung mga anak.
01:04Mas practical daw ang ilang namimili.
01:07Hanap nila yung mga regalong magagamit sa araw-araw.
01:10Gaya ng damit.
01:11Makakabili na ng mga ternong damit pang bata mula 70 pesos hanggang 150 pesos.
01:16May mabibili ring shorts na 2 for 150 pesos.
01:20Mga kikai bags na 150 pesos ang isa.
01:23Di rin mawawala ang mga laruan na 25 pesos pataas.
01:28Ang party dresses for kids naglalaro sa 200 hanggang 250 pesos.
01:32At may personalized gifts mula 100 pesos pataas.
01:37Mas magagamit kasi nung re-regaluan ko.
01:40Kasi kung pera po, parang wala lang din naman po.
01:43And then pag ganito po, halos araw-araw nila pang trabaho, pang ano.
01:47Panggamit po talaga pang araw-araw nila.
01:48Kahit maliit lang na nabili mo siya, pag binigay mo, at least naalala mo sila.
01:55Para makarami ng benta, ang ilang nagtitinda may pa last minute discount at promo.
02:01Nagbabawas din po ma'am, ganun din po.
02:03Kasi parang ano na sa kanila yun eh, parang masaya na sila kahit konti na babawasan.
02:08Parang handog, pamas kung handog mo na sa kanila yun ma'am.
02:11Naglilis talaga kami, pagalimbawa maramihan, less 10, less 15, ganyan, depende po.
02:18Atom, mula naman na kaninang hapon, hanggang sa mga oras na ito,
02:25ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko dito sa Divisoria.
02:29Lalong-lalo na sa may One Luna Street, palabas na yan ang Recto Avenue.
02:33Ngayon-ngayon lang, Atom, may mga namataan na rin tayo na mga polis
02:37na tumutulong at nagmamando sa daloy ng trapiko.
02:40Atom?
02:41Maraming salamat, Katrina Son.
02:43Maraming salamat, Katrina Son.
02:48Maraming salamat, Katrina Son.
Comments

Recommended