00:00Bayan Good News, ibababa na ang interest rate sa mga loan sa Social Security System.
00:05Alimsino dito sa hakbang ng Marcos Jr. Administration para matulungan ng mga miembro ng SSS.
00:11Samantala, pag-aaralan muli ng palasyong pagkapatupad ng taasahod sa bawat rehyon sa bansa.
00:18Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:22Dahil hindi sapat ang kinikita, kinailangan ni Raymond na mag-loan sa SSS sa ilalim ng Salary Loan Scheme.
00:29Pero naging hamon sa kanya ang pagbabayad dahil sa 10% na interest nito.
00:33Medyo kahit paano, medyo nabawasan ng kunti yung dapat mapaamin na.
00:41Nabawasan ng kunti para may dagdag doon sa interest na yun.
00:46Kaya paraibsan ang hinaingnayan ni Raymond at iba pang SSS members,
00:50mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-anunsyo na simula Hulyo.
00:54Bababa ang interest rate ng salary loans sa 8% at 7% naman sa calamity loans na kapwa dati ay nasa 10%.
01:03Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang SSS sa ilang financial institution upang pag-aralan ang pagkakaroon ng microcredit loan facility.
01:13Layunin naman ito na matugunan ang agarang financial na pangangailangan ng kanilang mga miyembro.
01:22Ang mga programa ito ng SSS ay hindi lamang para sa mga manggagawang na rito sa Pilipinas,
01:29kundi ang mga miyembro na sa ibang bansa.
01:31Gate ng palasyon ang hakbang na ito ng pamahalaan ay parang maimsan kahit papaano ang iniinda ng mga miyembro ng SSS.
01:39Ang nais po kasi ng Pangulo sa programang ito ay magkaroon po talaga ng poverty reduction.
01:45Kapagka po nalaman natin na yung interest po ay bababa para sa mga kababayan natin na may kasalukuyang utang sa SSS,
01:53magatapong balita yan.
01:55Para po kahit po yung kanilang kinikita o yung kanilang konti savings para maibayad,
02:01ay mababawasan yung kanilang pagbabayad sa kanilang mga utang dahil liliit po ang interest.
02:05So yun po yung nais ng ating Pangulo.
02:07Para kahit papaano, makakatulong rin sa amin yun na nabababawasan yung kaltas sa amin.
02:13Simula naman sa September, ilulunsad ang Expanded Pension Loan Program ng SSS para sa Surviving Spouse Pensioners.
02:20Sa ilalim nito, maaari ng makautang ang mga naiwang asawa ng mga yumaong pensioner ng hanggang 150,000 pesos.
02:28Sa hirit naman na taas sahod, iginiit ng palasyo na tinugunan ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards
02:35sa bawat rehyon at naipatupad naman daw ang taas sahod.
02:38At gaya ng sinabi ng Pangulo, pag-aaralan daw itong muli para maipatupad sa susunod na taon.
02:44Sinabi rin ng palasyo na kailangang malaman ang panig ng lahat ng stakeholders
02:47kaugnay ng isinusulong ng mga mababatas na masertipikahan ng Pangulo as urgent ang wage hike bill.
02:54Lahat ng stakeholders, dapat po makausap, malaman, ano po yung maaaring magandang idulot, positivo, negativo.
03:03So lahat po ng stakeholders, kailangang kausapin kung kakayanin din po ba ng mga employers
03:07at kung ano yung nararapat sa mga manggagawa.
03:11So sa ngayon po ay dapat pag-usapan lahat-lahat po yan.
03:13Pero kung ano po yung makakaya ng Pangulo sa kanyang pag-uutos,
03:17katulad ng sinabi po natin, sa mamamagitan po ng dole,
03:20ibibigay po natin sa mamamayan.
03:22Hindi nga lang po siguro ganun kalaki, katulad ng hinihingi ng iba mga kababayan natin.
03:27But at least po, gumagawa po ang Pangulo sa abot na makakaya na maibibigay
03:32para sa taong bayan at mga manggagawa.
03:34Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.