00:00...update sa Statement of Contributions and Expenditures Issue ni Sen. Rodante Marcoleta
00:05at ang hinihintay na petsa ng BARM Elections sa ating pag-uusapan kasama si Director John Rex Laudianco,
00:11ang tagapagsalita ng Commission on Elections.
00:14Director Laudianco, magandang tanghali po.
00:16Good afternoon.
00:17Magandang tanghali po, Sir Joshua, at ang kapatid na si Yusek Havoy,
00:23para ang isang magandang tanghali po.
00:24Good afternoon po.
00:25Sir, hingi po kami ng pinakauling update ng COMELEC sa investigasyon
00:29sa umano'y discrepancies sa Statement of Contributions and Expenditures
00:34ito ni Sen. Rodante Marcoleta, lalo na natapos na ang fact-finding phase nito.
00:41Tama po. Tuluyan na po nakapagsumite ang aming political finance and affairs department
00:46doon po ng kanilang recommendation sa ating Commission and Bank.
00:50At sa lukuyan nga po, tinatalakay sa isang deliberation ng ating Commission and Bank
00:55ang kanilang magiging desisyon patungkol sa recommendation na ito.
00:58So, inaasahan din po natin, Sir Joshua Yusek Havoy,
01:01na madedesisyonan po dito yung mga tanong na nakikita natin.
01:04Yung una po, eh, kailangan ba talagang maisama sa ating Statements of Contributions and Expenditures
01:10yung po mga lahat ng ating tinanggap ng mga contributions,
01:14kahit pa hindi pa panahon ng kampanyahan
01:17at kahit pa sinasabi ng mga umiiral na batas na hindi pa kandidato.
01:20At kung sakali man po, dito rin didesisyonan ang Commission and Bank,
01:24pagkatapos ang panilang deliberation dyan,
01:26meron bang na labag na batas patungkol sa hindi pagdadakla at dedeklara
01:30ng naturang mga kontribusyon na tinanggap at ginamit patungkol sa halalan at sa kampanyahan.
01:36Kuya, Director, ayon sa kampo ni Sen. Marcoleta,
01:40ang ilang donasyon ay binigay bago pa siya maging opisyal at maging opisyal na kandidato.
01:44Paano po ito tinitingnan ako amilek sa ating election loss?
01:49Tama po kayo, dahil nga po doon sa umiiral na Section 15 ng Republic Act 9369
01:55na kahit nakapagsamba na, nakapag-file na ng Certificate of Candidacy,
01:59ay hindi pa maituturing na kandidato ang isang tao
02:02until the first day of the campaign period.
02:05Yan din po ang indesisyon ng kataasasang hukuman doon sa Piñera v. Comilek.
02:09Ngunit ito pong disisyon na ito ay tinitignan ng Comilek
02:12doon naman po sa larangan ng mga umiiral na batas.
02:15Pagdating sa kontribusyon, pagdating po kasi sa kontribusyon,
02:19ang definition po ng Omnibus Election Code dyan
02:22ay yung natatanggap na anuman pong bagay na may halaga
02:26na gagamitin po para ma-influensyahan ang kampanyahan
02:30o pagdating sa eleksyon.
02:31Ikalawa, yung pumpung requirement doon sa ating Section 107
02:36at nakalagay din po sa full disclosure requirement ng Omnibus Election Code
02:39na kailangang maideklara ang lahat ng tinanggap.
02:43Full, itemized, disclosure po, pangalan, pati na rin kung kailan tinanggap
02:49at magkano ang tinanggap ng mga contributions.
02:51At of course, yung pangangailangan na dapat maireflect ito
02:55sa isang statement of contributions and expenditure
02:57na kailangan isumitin ng isang kandidato.
03:00So, lahat po ito ay pinag-aaralan ng Commission and Bank
03:04ang umiiral na bata sa kabilang banda
03:05at yung requirements din po ng mga patungkol
03:08sa statements of contributions and expenditure sa isang banda.
03:11Asahan nyo po, Yusik Aboy, Sir Joshua,
03:14na kapag natapos na po ang pagdidesisyon ng Commission and Bank
03:16ay agad naming ilalabas at isa sa publiko ang desisyon po nila.
03:21Okay. Director, tanong po mula sa ating kasamahan sa media
03:24na si Job Manahan ng ABS-CBN News.
03:27Kailangan po inaasahan maglalabas ng pinala-desisyon
03:30ng Comenet, hingga sa sose ni Sen. Marcoleta.
03:33At ano-ano po yung mga posibleng susunod na hakbang pagkatapos po nito?
03:38Gaya nga po ng naanunsyo ni Chairman Garcia
03:41ng mga nakaraang araw, ngayon po talaga inaasahan mailabas
03:44dahil kanina po ay sinimulan na nilang i-delibrate
03:47ang rekomendasyon po ng Commission and Bank.
03:49So, inaasahan po natin na mailalabas may isa sa publiko
03:52at gaya nga po sa pulisiya ng Commission and Elections
03:55kapag may desisyon ay agad namin itong ilalabas
03:59at isa sa publiko ng malaman po ng nangtaong bayan.
04:03At pagkatapos po ng desisyon na to,
04:05titignan po natin ano pa talaga yung magiging desisyon?
04:08Meron bang nakitang paglabag sa batas?
04:11At kung meron bang nakitang paglabag sa batas,
04:13ano ang epekto nito?
04:15Ito ba'y mananatiling isang kasong administratibo?
04:18O meron itong kasong kriminal na naaayon sa batas?
04:21At kung sakali man po na wala,
04:23eh ito na po ang katapusan ng kanilang tinatawag na resolusyon.
04:28Okay.
04:29Director, sa mas malawak na konteksto,
04:31paano tinitiyak ng Comilec ang transparency at accountability
04:34sa lahat ng kandidato pagdating sa pagsusumite ng kanila sose?
04:39Dalawang bagay po.
04:40Una po sa lahat ang pag-iimplementa.
04:43Pagbasisiguro na tutuparin ang lahat ng kandidato
04:46ang mga umiiral na batas tungkol sa disclosure,
04:49submission,
04:50at higit sa lahat po yung pagre-reflect ng itemize
04:53at lahat ng detalye kasama ang pangalan,
04:56magkano at petsa,
04:57dun sa mga tinanggap na kontribusyon
04:59at yung katuwang po nito sa kabilang banda
05:01kung kailan at paanong paraan ito ginastos.
05:04May ikalabang bahagi po kasi ang requirement ng batas na ito
05:08kung saan ang lahat po ng donors,
05:11yung mga nagbigay para sa kampanyahan,
05:13ay meron din obligasyon po na magdeklara at magsumite
05:16ng isang statement of contribution
05:19kung saan makikita rin po
05:21kailan, saan, anong pamamaraan, anong uri
05:24at kanino na ibigay po ang donasyong ito.
05:27Bakit po siguro na itatanong ninyo
05:29na bakit pati yung donor ay kailangang magsumite
05:32bukod po sa nire-require ito ng batas,
05:35meron po kasing provision
05:36na ang mga kontribusyon
05:37o yung mga donation na tinanggap
05:39para sa pangkampanyahan at para sa halalan
05:41ay hindi tinubuwisan.
05:44Ngunit, ordinarily po kasi
05:45kapag ikaw ay nag-donate
05:46ng isang bagay na may halaga
05:48sa isang kapwa natin po
05:49na tatatanggapin ito,
05:51meron pong babayaran po
05:53na karampatang buwis dyan.
05:55Kaya napakahalaga po
05:57ng declaration na ito.
05:58At kung titignan nyo sa magkabilang panik,
06:00ang paglapag po nito ay may karampatang
06:03either administrative side
06:04o yung tinatawag po natin
06:06na criminal side.
06:07Kaya nga po lahat po ito
06:08ay tinitignan ng Commission on Elections.
06:11Okay, Director,
06:12sa ibang usapin naman po tayo,
06:13posibleng naman daw po
06:14na may pasanahan ngayong linggo
06:16ang panukalang batas
06:17na maglilipat ng BARM elections
06:19sa September 2026 ngayong taon.
06:22Manasabi po ba natin
06:23na handa ang komisyon
06:24sa ganitong timeline?
06:26Eh, opo, nakahanda po tayo.
06:28In fact, nung pong sumali po tayo
06:30sa mga technical working groups
06:32at pagdinig po
06:33tungkol sa pagbabalangkas po
06:35dito sa ating Senado
06:36at sa ating House of Representatives,
06:38luminaw po eh,
06:39nakita po natin
06:41ang pagkakaisa ng buong Kongreso
06:42na talagang itakda
06:44ang September 14, 2026
06:46bilang petsa
06:47ng kauna-unahang
06:48BARM parliamentary elections.
06:49At dahil nga po dito,
06:51agad pong binalangkas
06:53at ipinromulgate ng Comilet
06:55yung po naman po mga karampatang resolusyon
06:58na magsusulong po
06:59ng mga pagbabago
07:00sa Abang Samoro Electoral Code
07:02tulad ng pagtanggap pong muli
07:04ng filing
07:05ng mga petitions for registration
07:07ng mga sasaling political parties
07:09pati na rin
07:10ng mga sektoral organizations.
07:12Inalabas na rin po namin
07:13yung aming resolusyon
07:15patungkol po doon
07:16sa extension ng period
07:17patungkol dito,
07:18ngayon lang din po,
07:18kalalabas lang din.
07:19Nang sa gayon,
07:20mastupad,
07:21yung tinakda na pagbabago
07:23sa Bang Samoro Autonomy Act 86
07:25na tigit sa lahat po
07:26pati na rin yung sa 88.
07:2886 po kasi yung districting
07:29at 88
07:30yung mga pagbabago
07:32sa ilang probisyon.
07:33Dahil po dito,
07:34maisasabuhay yung pagdadagdag,
07:36pagsaling muli
07:37ng mga bagong political parties
07:39na papasa sa requirements mismo
07:41ng electoral code na yan.
07:43At asahan din po natin,
07:44pagpasang pagpasa
07:45at pagkapirma
07:46ng ating Pangulo
07:47kung ito man po
07:48ay talaga magiging batas,
07:49isusulong na po namin
07:50kauna-unahan
07:51yung calendar of activities,
07:53pati na rin po
07:54yung implementing rules
07:55and regulations
07:55kasama na po
07:57yung pangangampanya,
07:58pati na rin po
07:59yung ilang aktibad
08:00at ating sa lahat
08:01yung mga ipinagbabawal
08:03o prohibited acts
08:04sa panahon po
08:05ng parliamentary election period.
08:09Director,
08:10paano nakakapekto
08:11ang bagong districting law
08:12sa mga pagbabago
08:14sa political boundaries
08:15sa pagkahanda
08:16ng Comilect
08:16para sa eleksyon sa BARM?
08:20Napakalaki pong bagay nito,
08:21driver po
08:22na sa talaga po
08:23sa distrito
08:24nakasalalay po
08:26ang pagbinugar
08:27ng ating mga botante.
08:29Unang-una po,
08:30dapat malaman
08:30ng mga botante
08:31ang hangganan
08:32ng kanilang distrito
08:33nang malaman nila
08:34saan bang distrito
08:35na ako ngayon?
08:36Ang bayan ko ba
08:37ay nabibilang
08:38sa anong distrito
08:39ng aking lalawigan?
08:40At pagdating nga po
08:41sa lungsod
08:42ng Cotobato City,
08:44malaki ang tanong dyan.
08:45Barangay po kasi
08:46ang pinag-uusapan,
08:47hindi na munisipyo,
08:49saan ba
08:49nabibilang
08:50ang aking barangay
08:52sa tatlong distrito
08:53ng Cotobato City?
08:54At yan po
08:55ay sa ating
08:56botante pa lamang.
08:57Ikalawang epekto po
08:58na napakalaki dyan
09:00ay yung kakayanan,
09:01yung karapatan
09:02at yung kwalifikasyon
09:03na maging kandidato.
09:05Tatandaan po natin,
09:06laging lima
09:07ang kwalifikasyon
09:08ng pagkandidato.
09:09Una po,
09:09yung tinatawag
09:10na citizenship.
09:11Pangalawa po,
09:12yung residence.
09:13At higit sa lahat po,
09:13dyan po mapapase,
09:15sa residence po na yan,
09:16sa eksaktong distrito,
09:18lamang siya pwedeng
09:19kumandidato.
09:20Dahil kung titignan nyo po,
09:21dito sa
09:22Barang Parliamentary
09:23Elections,
09:24lalong-lalo na po,
09:25dun sa 32
09:26na parliamentary districts,
09:28babay,
09:28kinakailangan.
09:29Dun ka lamang
09:30sa residence mo
09:31na nabibilang
09:33sa distrito
09:34na tatakuan mo,
09:35ikaw makapag-file
09:36at tatanggapin
09:37ang Certificate of Candidacy.
09:39And of course,
09:40patungkol naman po
09:41doon sa mga
09:41ating mga
09:42sectoral organizations,
09:44pagkamat po hindi ito
09:45nababase sa distrito.
09:47Then again,
09:48ang pagboto
09:49ng ating mga kababayan po
09:50ay sasagawa
09:52sa distrito
09:52at ito po ay
09:53bibilangin
09:54at kakanvasin
09:55sa kanika nilang distrito.
09:57Okay,
09:58Directors,
09:58sakasakali po
09:59makaprubahan
09:59ang batas
10:00sa huling sandali
10:01bago po mag-adjourn
10:02ang Kongreso,
10:04sasapat po ba
10:04ang panahon
10:05para sa voter education,
10:06logistics,
10:07at deployment
10:08ng election personnel?
10:11Nakikita naman po namin
10:12na kung sakali po
10:14sa lalong madaling panahon
10:15ay magiging batas ito,
10:16sapat naman po
10:17ang panahon.
10:18Ito kasama po ito
10:19sa mga dahilan
10:20kung bakit inilipat din
10:22at napilitan po
10:22ma-iurong
10:24mapansamantalang matigil
10:26yung supposedly
10:27March 30,
10:282026
10:29Barm Parliamentary Elections
10:30bukod nga po
10:31dun sa mga problema
10:32sa pagdidistrito
10:33ay ang kakulangan
10:35sa oras
10:35ng paglalahat
10:36ng voter education
10:37at information campaign.
10:39Dahil nga po
10:40meron po tayong
10:40ilang buwan
10:41na matitira.
10:42Ngayon po ay
10:42Marso pa lamang,
10:43September.
10:44Kakayani naman po
10:45pagdating naman po
10:46sa development
10:47ng teknolohiya
10:48patungkol po
10:48sa halalang ito,
10:50malinaw din po
10:50sa mga panukalang patas.
10:52Ang gagamitin po natin
10:53ay yung tried,
10:54testing,
10:54and proven
10:55na na sistema
10:55ginaginamit natin
10:56noong nakaraang
10:57May elections.
10:58So meron na lang po
10:59kaming tinatawag
11:00na customizations
11:01at configuration
11:02para po
11:03maisaayos
11:04ang programa,
11:05ang balota
11:06dun po sa sistema
11:07ang gagamitin.
11:07Dahil tatandaan po natin
11:08tatlong posisyon po
11:10lagi
11:10ang pagkahalalan dito
11:11yung pong tinatawag
11:12na political party
11:14representative,
11:15yung parliament
11:15district representative
11:16at yung
11:17sectoral organization
11:18representative
11:19na magiging
11:20membro ng
11:20parlamento.
11:21Inaasahan nga rin po
11:22namin dahil sa
11:23pagbabagong
11:24idinulot dun sa kanilang
11:25electoral code
11:25na tahasan ang
11:27kakandidato
11:27yung mga supposedly
11:29dati ay nominado
11:30ng sectoral organization
11:31hahaba ang ating
11:33balota sa unang
11:34pagtataya namin
11:35baka umabot ng
11:35isang metro
11:36hindi po itubra
11:37magdurdulot na maraming
11:38problema.
11:39Ngunit kaya naman po
11:40ng ating sistema
11:41na maging dalawa
11:42o higit pa ang balota
11:43masiguro lamang po
11:45na magiging maayos
11:46ang hindi lang
11:47pagbibilang
11:47kundi yung mismong
11:48pagboto ng ating
11:49mga kababayan.
11:50At dahil nga po
11:51maaga namin
11:52dinasimulan
11:53yung mga ibang
11:54paghahanda dito
11:55inaasahan din po namin
11:56matatapos namin
11:58ang mga petisyon
11:58patungkol sa
11:59registration
11:59ng political parties
12:00sectoral groups
12:01at iba pa
12:02mailalahad ng maayos
12:04ang voter education
12:04makapag-iimprenta
12:06ng tamang bilang
12:07ng balota
12:07at higit sa lahat po
12:08yung pinakahuli
12:09yung nasa bakin
12:10yung deployment
12:11ang pagpapadala
12:12ng lahat ng ito
12:13sa mga
12:14iba't yung bahagi
12:16ng barm
12:16na alaman na po natin
12:17medyo may kahirapan
12:18dahil po ito'y
12:19marami dyan
12:20ay geographically
12:21isolated and
12:22disadvantaged area
12:23ngunit sa aming
12:24pagtataya
12:24kakayani naman po
12:26lahat nito
12:26sa sapat na oras
12:27basta maipasa lang
12:28sa lalong madaling
12:29panahon
12:29ang mga panukalang batas.
12:31Ang that note
12:32maraming maraming
12:33salamat po
12:33sa inyong oras
12:34informasyon at update
12:35Director John Rex Laudianco
12:37ang tagapagsalita
12:39ng COMELEC
12:40Thank you Kuya
12:41Maraming to lang
Comments