00:00Inanunsyo naman ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa selebrasyon ng Araw ng Paggawa
00:04ang paglulunsad ng Social Security System o SSS ng Expanded Pension Loan Program.
00:11Git ng Pangulo na simula sa darating na Hulyo, makakakuha na ng loans sa SSS
00:16nang may mababang interes ang mga miyembro na may malinis na record.
00:20Bababa ang interest rate ng salary loans ng 8% at 7% naman
00:25sa calamity loans na kapwa dati ay nasa 10%.
00:29Ibinahagi rin ang punong ehekutibo na simula naman Setyembre
00:32ilulunsad ang Expanded Pension Loan Program ng SSS para sa Surviving Spouse Pensioners.
00:39Sa ilalim nito, maaari nang makautang ang mga naiwang asawa ng mga yumaong pensioners
00:44ng nasa P150,000.
00:49Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang SSS sa ilang financial institution
00:55upang pag-aralan ang pagkakaroon ng micro-credit loan facility.
01:01Layunin naman ito na matugunan ang agarang financial na pangangailangan ng kanilang mga miyembro.
01:09Ang mga programa ito ng SSS ay hindi lamang para sa mga manggagawang narito sa Pilipinas,
01:16kundi ang mga miyembro na sa ibang bansa.